Nung minahal kita,
Kinalimutan ko ang tama,
Kahit na umasta akong bata,
Dahil nagmahal ako ng di alam ang tema,
...
Masaya ako sa maling pinili ko,
Na tila hindi ko na gustong itago,
Kahit na sabihan nila ako ng gago,
Dahil ikaw pa ang minahal ko,
...
Umasa ako kahit na wala naman pag-asa,
Na magiging maayos tayo sa mata nila,
Pero sadyang madamot ang tadhana,
Dahil ang totoo hindi tayo pwedeng magsama,
...
Gusto kong manisi ng tao pero sino?
Dahil binigay nila sakin ang kapalaran ko,
Ang kapalarang hindi pwedeng maging tayo,
Masakit man pero kailangan na natin itigil ito.
***
06-06-10
-Princess-
Outstanding!!!
ReplyDelete