Wednesday, August 12, 2009

KE-MALAS MALAS NGA NAMAN SA PAG-IBIG!!

Hindi na nga siguro ako nadala sa dala ng rejection. Well, hindi ako nabasted ah. Hindi ko pa nagawang manligaw sa isang lalaki. Hindi lang naman kasi lalaki ang nare-reject. Maski ang mga kababaihan na nakakaranas din paminsan-minsan ng isang masakit na rejection.

Basically, yung tinatawag na rejection na iyon sa ating mga girls eh yung 'pag-iwas' matapos malaman ng guy yung nararamdaman mo para sa kanya. (Oh, aminin.. nangyari na ito kanino man)
Maski ako ay naranasan ko na ang ganitong uri ng rejection, hindi lang din once. But one the most painful part of my life was about my love one who was avoiding me now. His name is Philip Van Moore B. Rey, Funny speaking pero nagkakilala kami dahil sa pag-aakala kong isa siyang 'gay'.

Until we got a chance to know more each other. And that was my very happy moment with him. You know what, We lunch together and ang nakaka-tense pa doon eh pinakilala ko siya sa Papa ko. But my father was knowing that Philip was my current boyfriend. But I was clearing it up now!
That time, pakiramdam ko may namumuo na sa pagitan namin. Pero pinigilan ko ung sarili ko na mag-assume dahil na rin sa disadvantage nito. Kung pwede ko lang isipin nung mga oras na iyon na maaaring kami na. Siguro kung nagpakailusyunada na ako nun. Pero mas nananaig pa rin sa akin yung maging malinaw yung lahat. Maski nga ako eh naguluhan dahil kung tratuhin namin ang isa't isa, tila mag-on na kami...

Tumatalon yung puso ko sa bawat paglatay ng ngiti sa kanyang mga labi. Dahil aminado ako sa sarili kong mahal na mahal ko siya simula pa lang. Ngunit hindi naglaon ay iniwasan na niya ako sa hindi ko malamang kadahilanan. I was trying to approach him again, para i-clear yung lahat. Pero tila kapalaran yung humahadlang.

Mga agiw-agiw sa aking isipan ang pilit ko itinataboy. Dahil naniniwala pa ako noon na muli naming maibabalik yung nasimulan namin. Pero ramdam ko ang kanyang pag-iwas. Luha ang naging sagot sa laging tanong ng aking isip... Hanggang sa nalaman kong iniiwasan niya ako dahil sa pagkailang sa pagmamahal ko sa kanya.

Hindi pala healthy sa isang puso ang pag-reveal ng isang lihim na damdamin. Dahil maaari lamang itong maging sanhi ng paglayo ng isang puso.

- Maghihintay nalang siguro ako ng tamang panahon ko. Upang sa gayun eh mabigyan naman ng closure yung maiksing relasyong iyon. (relasyon nga ba??)

-Princess-

1 comment:

  1. Relationships is not always be a gimmick. But rather a serious job that requires struggle to be with, kung tutuusin dapat nga pantay ang pagibig di machismo type (ung madalas lalake ang nagiisip oo na lang ang babae)

    Sa isang relationship may prosesong pinagdadaanan, di ito kalabit lang na basta basta o mga gimik na kailangang gawin "lang" para makasama ang dapat ibigin. At sa mga babae naman, wag magisip ng "taken" bilang term sa sarili bilang kasama ng lalake dahil simple lang: Di ka gamit at di dapat nagpapagamit!

    Anyway,
    Love must be in an amicable manner, di pagaari. Selfless not selfish.

    ReplyDelete