Thursday, December 17, 2009

EXTENDED VACATION :D

Hayst! Akala namin makakauwi na kami ng linggo. Pero hindi pa pala..! haha!
At nakauwi na kami ng tuesday, Limang araw din ang pagtatanan namin este pagbabakasyon pala.. ehehe! Para kasi kaming nagtanan eh, ang saya grabe! Dami namin nakilalang bago, yung mga kaibigan ni Ube, At may bago akong Mama.. Si Mama Tess ^^
Ang babait nila. Ang warm ng pakikisama nila sa amin ng Labs ko., ^^ Hehe! Parang lagi ngang fiesta dun eh, paggising mo pa lang nagkakantahan na sa sala ^^
At kami naman ni Labs, para na talaga kaming mag-asawa hehe, 1st time namin matulog ng magkatabi at gumising na yung bawat yung unang masisilayan..! Grabe yung saya na to'h! Sa limang araw na yun, na magkasama kami na parang mag-asawa.. kasi tabi kami matulog sa iisang kama na kami lang dalawa, ako din yung taga-laba ng mga damit namin (Pati ng brief nya hehe), sinusubuan ko siya sa pagkain, Yung pag-iisa ng pera namin, Pati na rin yung iisang toothbrush na ginagamit namin, iisang tuwalya, at hindi namin pinapabayaan na mapawisan yung isa't isa. How sweet!!

Parang ayaw na nga namin umuwi nun eh, ni ayaw ko ngang isipin na pansamantala lang iyon. At mabilis na darating yung araw na uuwi din kami sa sarili naming mga bahay. Sobrang nami-miss ko yung mga taong nakasama namin sa cavite, hindi nila kami tinuring na dayo. Pinakisamahan nila kami na parang matagal na nilang kakilala.. Ganun din si Mama Tess, hindi niya pinaramdam sakin na ibang tao ako.. although matagal na niyang kakilala si Giovanee, hehe! Ang sarap nilang maging kaibigan at ang sarap maging ina ni Mama Tess!
Hehe! Natikman na din nila yung luto ko, daming nakalimot ng pangalan nila sa sarap ng adobong manok ko hehe!

God gave us a chance to meet them, to know them better! And God gave me a chance to know better my only one love! At wala akong nakitang pangit sa kanila maski sa Labs ko..!
And I thank God co'z he gave us a chance to experience how happy and sweet to settle as husband and wife...! Kahit papano naranasan namin yung buhay na mag-asawa na. Kahit papano naramdaman namin na tunay na mag-asawa na kami..! Hehe! Ganito pala kasarap at kasaya, na parang hindi mo na maiisip yung maaaring maging consequence. At kung hndi lang talaga namin naiisip na nag-aalala yung mga pamilya namin sa Manila. Hindi na siguro namin nanaisin pang umuwi kasi masaya na kami eh.. Ito naman talaga yung gusto namin, at dito naman kami papunta..! Pero alam namin na pansamantala lang muna ito, at kailangan muna namin maghiwalay para ayusin yung buhay namin.. Pero hindi kami maghihiwalay talaga, hindi lang muna kami magsasama na parang mag-asawa tulad ng magandang nangyari iyon sa buhay namin..! Na hindi namin makakalimutan! Para maging maayos din yung magiging buhay namin kung sakaling magdesisyon na naming ituloy yung naudlot o naputol na pagsasama namin,.!
In fact, hindi ko napigilang umiyak nung nandito na ako sa bahay.. Kasi napagtanto ko na hindi na ako sanay matulog na hindi siya ang katabi ko..
Last night was the 2nd night na hindi kami magkatabi, at pangalawang gabi ko din umiiyak!!

Me and my Labs have a plan to set a vacation again in Cavite. Maybe this coming January or February 2010 ^^ (Pinapabalik kasi nila kami duon eh.. hehe) At magdadala na kami ng maraming pera at damit.. Sa sobrang tagal kasi namin dun eh, nawalan na ako ng masusuot kaya yung damit ni Labs na ang pinapasuot niya sa akin hehe!! Ito ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.. :D

I will treasure this memories inside my heart and my mind..!

-Princess-

BAKASYONG KAMI LANG ANG NATULOY :P

Hmm.. GFC planned to set a vacation in Cavite. (Ube's house) But when the day of plan came, lahat sila hindi makakapunta. So, Me and Giovanee were planning again to talk Ube for saying sorry! Pero gusto talaga ni Ube na makapunta kami. Susunduin pa nga daw niya kami dito sa Manila. Wala na kaming magawa hanggang sa ayun na nga, nakarating na si Ube sa Manila para sunduin kami. Ayaw naman namin na ma-disappoint si Ube sa amin kaya kahit kami nalang dalawa ng Labs ko eh, sumige na kami! Makabawi man lang sa pangto-talkshit ng iba pa naming kaibigan.

Madaling papuntahin si Ube at hingan ng pabor. kapag pinapauwi namin siya dito sa Manila, umuuwi kaagad siya. Kaya nung siya na yung humingi ng pabor na kami naman ang pumunta sa lugar nila. Hindi man nakapunta lahat, pero para maging fair lang kay Ube eh pinagbigyan na namin siya. At para sa amin dalawa ni Giovanee, It was a chance to sole of each other hehe...!

At ang balak namin eh 2 nights and 3 days lang kami..
Umalis kami ng Dec 11, 2009 (friday ng hapon) dito pabyahe sa Cavite. At balak naman namin umuwi ng Dec 13, 2009 (Linggo ng hapon din)
Hmm! Sa totoo lang sobrang excited ako, kasi yun yung unang beses na makakapagbakasyon ako ng walang kasamang pamilya. At yun din yung unang beses na makakapagbakasyon ako sa house ng friend ko, at kasama pa syempre yung mahal na mahal ko. hehe!

Kaya nga kahit na hindi buo ang BAOG, masaya pa din ako eh..! Sa isip ko kasi andyan naman si Lalabzs ko ^^

-Princess-

Wednesday, November 25, 2009

NEW MOON

Kagabi napanood ko na yung NEW MOON na showing pa rin hanggang ngayon sa lahat ng sinehan sa buong Pilipinas. Hehe! Ito yung part 2 ng TWILIGHT na pinagbibidahan nina Kristen Stewart (as Bella), Robert Pattinson (as Edward Cullen) at Taylor Lautner (as Jacob). Sa mga trailer pa lang simula sa twilight, nare-reflect na yung ganda ng istorya. Kung kaya't nabitin ako noon sa twilight nung mapanood ko pero sobrang ganda ng takbo ng istorya, nakakadala ng excitement.. at nakakakilig.

This is the story of relationship of the vampires to a human. Imagine na na-in love si Bella sa isang misteryosong lalaki at isa pa palang vampire. Well, wala talagang imposible when the love comes in your life. hehe!

Wee! Nakakabitin din pala yung New Moon, and I know that it has a part 3 na hindi ko pa alam kung kailan ipapalabas. Maybe in 2010 pa yun. ECLIPSE naman yung title nang part 3. hmm! At siguro sa susunod na pelikulang ito eh magkakaroon na ng ENDING.. Lagi kasing walang ending eh, Laging bitin hehe! Kaya tuloy yung mga sumusubaybay tulad ko eh, nae-excite na nman.. haha!

Pero ang masasabi ko lang sa TWILIGHT at NEW MOON.. They really have a BEAUTIFUL STORY, very ROMANTIC and very ETHICAL movie!!

I LOVE IT!!

-Princess-

Monday, November 23, 2009

I WANNA GROW OLD WITH YOU..!!

"MY LIFE"

I admit that there so many guys that I had met. And there so many relationship that I had encountered. But in fact.. They were always end up with a failure. I thought a lot of things why we can't be stay as longer as we want? Why we can't make those relationships working out? Now I know.. no whys!! Because all of them is not for me. They just for other!

And those questions have an answer. And that's it!

Because there someone who destined to me! So that, God didn't gave me with someone who's not deserves for me. It's a long time that I've waited... It was a million times that I wished for my soulmate, my destiny and my last love that could be completed of my world.

Now, I met him... I knew him... I loved him! THE LOVE OF MY LIFE.. "Giovanee C. Brinosa"

The last dream of my LIFE..! Is now on me!! I will never ever give them a chance to destroy our relationship.. Damn it! I know, in our promises.. with our words that we are STRONG.. and how tighten that we are. They are really trying to break us!

I love him very much! He's the only person or guy that felt me a mysterious way of love. I always feel his love that from the bottom of his heart!! So that, I won't let him go!
Well, we are so happy together! Every time that we were with us.. every minute was so memorable! And every night that will comes.. We probably won't to leave each other! hmm!
And every days that we far from each other, I really miss the time that we almost shared..!!

Hmm! I wanna grow old with him..! It's Final..! There's no people could break it, there's no things that could replace it!!

-Princess-

Saturday, November 21, 2009

UNO PIZZERIA BAR

Hmm! 1st time namin sa UNO PIZZERIA bar sa may MOA. Duon kasi namin sinelibrate yung BDAY ko... na nakalipas na nung nov. 17 pa..!! Masaya nga eh, kahit na kulang kami ng 3 sa barkada hehe! Malaki din yung nagastos namin na nakapagpulubi sa amin haha! Sulit talaga mga BAOG!!

Hindi naman sa pagbabalewala sa iba ko pang friends pero hindi ko kasi nagawang magpainom sa kanila ngayong birthday ko eh. Pasensiya po!! sa susunod nalang ulet..!

Well, natapos din yung plano namin. aah! Salamat nga pala kay Ube, kasi dumating siya.. gift na daw nya sa akin yun ^^

Nakakatuwa! Ang gulo talaga namin. May nagshake pa nga ng alak.. Dami tuloy ang natamaan.. Ayan, lagot ka Avan! (ang bunso talaga namin ni Giovanee oh oh!!)
hehe!

Ngayon, ang pinaghahandaan naman namin ngayon eh. Yung 3 days vacation namin sa Cavite, sa bahay nila Ube!! Sa dec 12,13 and 14 na yun :)
syempre.. excited na ako este kaming lahat!! Swimming na naman kami ^^
Iba talaga kapag kasama GFC, daming adventures haha!

Sisimutin namin lahat ng BAR sa Pilipinas. Iba talaga kapag party people haha! Mga gimmickers
:)

-Princess-
10-20-09

GFC video.. BARKADA by: PNE



"GFC Video"

I made this video, just to surprise them. Hindi ko sinabi sa kanila na gagawa ako ng video namin. Surprise nga eh. Akala ko hindi sila gaanong matutuwa. But I was wrong. Kasi sobrang natuwa sila at nagandahan. hehe! Parang tumalon tuloy yung puso ko, kasi hindi nasayang yung pagod ko. At yung pagkapuyat ko. Halos hindi na ako natulog sa paggawa nito. Inumpisahan ko kasi ng 12 mid. hanggang 6 am ng umaga. Hindi na rin ako natulog kasi may lakad pa kami ng GFC ng bandang alas onse ng tanghali. So I chose to suffer even though my eyes wants to sleep. I'm so tired that time but my tiredness was melt when I saw their comments on that video.

I will treasure this company until my last breathe! I love them so much!

-Princess-

Muling pagtatagpo ng ating mga PUSO <3

Hmm!! I made this poem just for my boy; GIOVANEE BRINOSA ^^
Ito na naman ako, hindi ko na talaga nabago yung hilig ko. Ang gumawa ng tula ng buhay ko ^^
***
Nang matagpuan mo ang puso ko,
Hindi kita hinayaan makapasok dito,
Dahil sa takot na masaktan mo at iwanan ako,
Tulad ng iba na hindi nakuntento,

Labag man sa puso ko'y tinanggihan kita,
Sa alok mo saki'y pagmamahal na walang sawa,
At ang pangako mo sakin hindi na masasaktan pa,
Ngunit buo na sakin ang desisyong iwasan ka,

Akala ko tapos na ang lahat ng tungkol sayo,
Dahil hindi kana nagparamdam pa sa aking mundo,
Ngunit tila tukso sa atin ang kapalarang ito,
Dahil tayo ay muli niyang pinagtagpo,

Ramdam ko ang lubos na pagsisisi sa ginawa,
Dahil ang pagbulusok ng damdami'y hindi na humupa,
Hanggang sa tuluyan ang puso ko ay sayo na sinta,
Buti na lang sa puso mo.. ako parin talaga.
***
Galing ko daw sabi ng mga nakabasa..
Wala pa rin kupas!!
SALAMAT PO!!

-Princess-

Hindi ko na siya binasted.. Hindi ko na pinalampas ^^

Lalabzs kasi tawag sakin ni Giovanee since nung naliligaw pa siya sakin este nanliligaw pala.. Kahit nung magkaibigan na kami Lalabzs na yung tawagan namin. Just a friend endearment!! Pero habang tumatagal, parang nakakaramdam ako ng pagsisisi kung bakit ko pa siya binasted noon. Kasi nakilala ko na siya, kung ano siya, kung gaano siya kabait.. akala ko kasi noon lolokohin niya lang ako at gagamitin to cover the hole that his past brought to him.

Alam ko too late na, kasi may girlfriend na siya. At lingid naman sa kaalaman ko that he still want me. Akala ko nga, madali niya lang ako nakalimutan. Kasi parang seryoso na siya sa bagong niyang lalabzs. Pero parang ginulo ko pala yung dapat na maayos na relasyon nila dahil sa biglang pagsulpot ko sa barkada.

Ayun! pareho lang pala kaming naghihintay sa isa't isa. Kahit na palagi namin sinasabi na 'tropa lang, magkakapatid kami"

Naramdaman niya na mahal ko na din siya kapag nagseselos ako. At hindi ko ba alam kung sinasadya niya ba na pagselosin ako. Until he broke up with his girl, at nang dahil sa akin. Kasi hindi na namin napigilan yung bugso ng damdamin namin. Hindi ko na pinalampas yun matagal tagal din naman siyang nanligaw sa akin eh. Baka kasi magsisi lang ulet ako. Kapag pinalampas ko pa siya ^^

Well, hindi naman ako nagkamali ng desisyon nung maging kami na ni Giovanee! CO'z i Finally found my happiness!!

-Princess-

Ako ang nag-iisang PRINSESA ng GFC ^^


Sabi nila ako daw yung nag-iisang PRINSESA ng GFC.. When I heard that terms ^^ ang saya ko, masarap sa pakiramdam yung sinabi nilang iyan. Dahil tumatak na sa isip ko na kabilang na ako sa BARKADA.

Lagi na rin akong kasama sa mga gimmiks.. Sa Sherwood, sa Tulyase, sa Dematisse, sa outing, sa star city at kung saan saan pa..! Mahilig kami sa tindahan ni POLY, dun kami makikita haha! Mas lalo kong na-explore yung buhay dalaga ko. At hindi ako nagkamali sa pagpili ng isang desisyon na alam kong tama para sa akin. (haha! Muntik na kasi akong mapasukol sa isang bagay na sagrado.. ang pagpilit sa akin na maging asawa yung lalaking hindi ko naman na MAHAL..) Then now. I'm still single..! haha!

Nung simula pa lang, nagustuhan ko na ung GFC Kasi sabay kami sa ugali although puro sila lalaki pero puno talaga ng respeto. Pareho kaming makukulit kung kaya't sa una pa lang nagustuhan ko na sila at nagustuhan din nila ako dahil cool daw ako at marunong sumabay sa kanila.. Ngayon lang daw din kasi nagkaroon ng babae sa BARKADAHAN nila.

Kapag magkakasama nga kami, hindi pwedeng hindi kami maingay haha! Ganito talaga kami :)
Lagi ko pa nga sinasabi "Chicks din ang hilig ko" tapos magkakatawanan na.. haha!!

Hirap nilang bitawan, ngayon pa na ang dami na naming napagdaanan at naranasan na magkakasama.. Iisang lang turing namin sa isa't isa.. Lahat kami mga BAOG (baog, yung tawag namin sa isa't isa.. walang ibang meaning yun. Na-tripan lang namin. BAOG KUNG BAOG)

I'm happy with them ^^

-Princess-

Umpisa ng pagsalang sa GFC ^^

Dahil kay Mark yun eh..
Iyon ang alam ko. haha! I found my new BARKADA :)
Well, GFC (giovabee's Funs Club) hindi ko naman naisip na magiging kabilang ako sa grupo na yan. Ang alam ko kasi una at huling beses ko lang sila makakainuman.. hmm! Hindi naman sa tulyase (Name of bar) ung unang beses na nakasama ko sila. I remember na nakasama ko na rin sila when was me and Mc Clinton is still dating.

Ahaha! Actually, nahihiya na nga akong makita sila. Lalo na si Giovanee.. Kasi fresh pa ung pagka-basted ko sa kanya nun.. I thought that we can't be together. Kasi maiilang siya sakin. Pero naging maayos naman kami sa isa't isa. Kahit na puro kantyaw yung nangyayari dahil nga daw sa balitang binasted ko daw si Giovanee because of Mark.. What! It was a big shock, nung narinig ko yun hehe.. kasi hindi naman si Mark yung dahilan ko nun. (nagyayabang lang pala si mark kaya niya sinabi yun.. kasi nanliligaw din siya sakin nung time na nililigawan din ako ni Giovanee..!!)

Sobrang saya ko nung time na yun, kahit na sa isip ko.. Hindi na mauulit yung makakasama ko sila. haha!

-Princess-
10-07-09

Friday, November 20, 2009

Ang hagupit ni ONDOY

Hmm! ang lupet talaga nang hagupit ni Ondoy. Halos lahat ng lalawigan sa Pilipinas eh sinalanta niya. Hindi na nagpaawat. Tila isang galit ang ipinarating niya sa mga Pilipino. Hindi ko mawari kung ano ang dahilan. Ngunit naisip ko na tila nagbibigay siya ng isang aral sa mga kababayan natin. Naisip ko lang naman..

"Marahil ay, ipinararating ni Ondoy yung tamang pag-aalaga sa kalikasan."
Oo nga naman napapabayaan na kasi natin, kailan ba natin pinahalagahan ang kalikasan ng walang nag-uudyok?? hmm!!
Si Ondoy ay isang likha ng kalikasan...

Batid naman natin na ito na ang pinakamalakas na bagyo na dumama sa ating bansa. Matinding pagbaha ang ating dinanas. Na halos kinamatay ng marami mamamayan, na naging dahilan ng pagkawala ng marami ding tahanan. Na naging dahilan ng pagkalugmok ng maraming Pilipino sa kahirapan.

Palasamat na nga lamang tayo sa mga charity na handang tumulong tulad ng Kapuso Foundation at Sagip kapamilya. Na alam natin na sobrang nakatulong ng malaki sa mga taong nasalanta ng hagupit ni Ondoy..!!

Sana'y magsilbing aral na din ito sa mga taong umaabuso ng kalikasan.

-Princess-
10-02-09

Sunday, September 20, 2009

D' DAMAGAN'SZ 2008


- MY BEST OF FRIENDS -

I never thought na magkakaroon ako ng isang grupo ng kaibigan na katulad nila. You know why? kasi sila yung tipo ng kaibigan na hahangarin mo. Nang isang taong kailangan ng isang atensyon ng pagmamahal. Well, Ayun nga ako eh... kailangan ko nun!

When I met them, walang araw na hindi ako masaya. Even though my world is a field of those hurts and sorrows from people around me. Haha, sila lang ang nakakaintindi sa akin, maging sa ugali ko. Kaya nga ba hindi ako nagsisisi na sila yung bestfriends ko. kahit na sa bawat araw na talaga namang malungkot, but when I was with them.. nawawala yung lungkot at napapalitan ng saya :) Kaya nga bumuo kami ng samahan na pinangalanan ko "D' DAMAGAN'SZ 2008" Well, hindi naman ako nagkamali dahil until now, our friendship still strong enough.

Umm, this time kasi.. hindi na kami palagi nagkakasama unlike nung high school pa kami. Halos hindi ata kami mapaghiwalay. And bilib din ako sa samahan namin kasi ang tatag. Walang makabuwag, at sa dami ng trials na dumating na inakala ko noon na baka maging hanggang duon nalang yung pagkakaibigan namin. But still, ito parin kami.

Hindi ko masabi kung tunay na ba talaga akong dalaga, o Tunay na ba talaga kaming dalaga. Kasi kung susuriin, masasabi na dalaga na nga kami. Nagseseryoso na sa isang bagay. Pero asahan niyo na sa twing magkakasama kami. Hindi kami yung naiisip niyong seryoso, dahil kapag darating ang araw na yun. Ang mundo namin ay iisa lang, Magulo, puno ng ligaya at hindi maawat na kwentuhan. Hindi kami dalaga kapag kami ang magkakasama. Dahil daig pa namin, ang pinakamagulong paslit. haha!

Sobrang mahal ko sila!

-Princess-

Monday, September 14, 2009

WHEN I WILL MEET MY TRUE LOVE??

Hmm, Kailan kaya?? Hindi naman sa nagmamadali ako. Pero napansin ko lang ang bilis pala ng panahon. Parang kailan lang, bata pa kami, naglalaro ng habul-habulan, mataya-taya at wala pa gaanong pasaning problema kasi paslit pa kami nun. Ngayon lubusan na akong dalaga, syempre naramdaman ko na yung ma-inlove, masaktan, maiwanan at mabasted tulad ng isang lalaki. Actually, sa lugar na kinalakihan ko kung saan ako namulat at kung saan ako naging paslit. Nilisan ko yun, halos isang taon kalahati na. At sa dito ako sa tahanan ng abuela ako lumaki at nahubog bilang isang tunay na dalaga. Hindi ko na napansin kung ano na ang kalagayan sa iniwanan kong tahanan.

Well, I was surprising nung malaman kong halos kalahati ng mga kababata ko eh may mga asawa na. At ang isang pang kalahati eh may mga successful na relasyon na sa kanilang mga girlfriends and boyfriends. Nakakainggit man pero natutuwa na rin ako sa kanila. Because they finally found their true loves. Naisip ko lang na, kailan naman kaya yung sa akin?? Alam ko kasi na wala pa yung true love ko eh, wala pa si "soulmate".. kaya nga wala akong nobyo ngayon kasi wala pa si Mr. Right na gusto kong paglaanan ng matamis kong "oo" haha!

I know, there is someone who destined to me. Kaso hindi pa siya ipinapakilala sakin as my true love. Kasi siguro marami pa kaming kailangan unahin at gampanan. I know, at the right time makikilala ko din siya. :)

-Princess-

Saturday, September 5, 2009

Walang GAMOT sa INSECURE..!

Malimit natin gamitin ang mga terms na ito sa mga taong hindi natin alam kung anong ang problema nila. Yung tipong may galit sila sayo na hindi mo mawari ang dahilan. Malimit ka rin tapunan ng mapanuri at malalim na tingin. At mahilig pansinin yung bagay sayo na hindi naman dapat pinapansin (unlike sa mga observant na tao talaga), mahilig din punahin yung mga bagay na alam mong maganda naman sayo pero sasabihin ang 'panget'. kung minsan eh kung magparinig daig mo pa ang may pagkakasala sa kanila. Sabihin na nga nating ganun ngang nagkasala ka kung minsan, pero yung ipilit ang isang bagay na wala siya na meron ka. At ipagdukdukan sayo sa bawat araw para lang masabi na may ganun siya, na may ganun din siya. Lalo na rin sa nakakatawang aksyon tulad nito na pa-kemeng sabihin sayo na 'hindi siya na-iinsecure sayo' na dapat eh hindi naman niya sinasabi dahil hindi mo naman tinatanong sa kanya kung nai-insecure ba siya sayo. Hindi naman natin masabing may problema sila sa utak, dahil hindi man natin aminin pero alam natin dala lamang iyon ng inggit.

Hindi ko nga ba malaman kung bakit may mga taong ang init ng dugo sa mga taong sabihin na nating nakakahigit sa kanila, sa physical na kaanyuan, sa intellectual, sa pag-uugali, maging sa sosyalidad. (o ang pagiging palakaibigan sa mga tao)

Isa lang naman sinasabi ko kapag nakaka-encounter ako ng mga ganyang uri ng tao. "Wala gamot sa insecure". Dahil itanggi ko man, tampukan din ako ng mga inggitterang hindi matahimik. Marami yan ngayon sa unibersidad na pinapasukan ko. Maging sa section na kinabibilangan ko eh, pinuno ata ng mga kalahi ng hindi ko kilalang angkan na yan. Pakiramdam ko tuloy napakasama ko ng tao dahil ang daming galit sa akin, na wala naman akong ginagawang masama, hay! magaganda naman din sila, pantay-pantay lang kami. Ayun ang nakikita ko sa amin. Pero ang sabi ng iba, dahil nakikita ng mga 'inggitera' na iyon yung 'lamang' ko sa kanila. Kung saan kami hindi pantay at kung saan ako nakakahigit. Kaya siguro sila nanggagalaiti.. Pati rin pagdating sa atensyon ng mga boys. Kasalanan ko ba kung ako ang nagugustuhan??

Well, as far as i know.. Hindi gusto ng mga disenteng lalaki ang sobrang clumsy babae and mala-armalite na bunganga ng babae. Na kung kumilos eh daig pa ang bakla sa kaharutan, wala pang manners. Lantarang kung mang-iskandalo. (well, I'm just telling the truth). Iyun kasi talaga sila sa nakikita ko.

Ahm, about this problem. Ayokong makipagkompitensiya sa kanila dahil alam ko wala namang benefits na makukuha dyan. Hahayaan ko nalang sila na mapagod at mapaos sa kakaparinig.

(my message for them) - better luck next time! be matured!
.. alam naman nila kung sino sila e :)

-Princess-

Monday, August 31, 2009

IF I COULD TURN IT BACK!


-ADU BOYS-
August 25, 2009

August 25, 2009..
Whole day kaming nasa galaan, billiard, kumain ng kumain at nanood ng sine. With the thought na ako lang ang kasama nilang babae. And hindi ako gumastos ng kahit sentimos sa lakad naming iyan. Lahat sagot nila, maski na yung tokens na pang-kanta ko. Actually, this event was my most memorable, unforgettable and happiest day that I ever had.

Although alam ko na sa pag-uwi ko, may salubong na sermon galing sa pamilya ko. Pero buong-buo kong tatanggapin yun kasi ang baon ko naman eh saya. Hindi lang saya kkundi kaligayahan kasama ng mga taong itinuturing akong 'prinsesa'

Sobrang na-mi-miss ko ito, dahil alam ko ito na maaari yung huli. Kasi unti-unti na nagkakalamat yung samahan na yan. Na hindi ko alam kung paano muling maibabalik sa dati.
At aminado din ako na may parte ako sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng komplikasyon sa kanila ngayon. Kaya nga ako nalang yung pumiling umiwas para naman muli nilang maibalik yung barkadahang nabuo kahit noong wala pa ako sa buhay nila.

Nakakalungkot man, pero kailangan ko silang iwanan para magsimula ulet. Sana kung bibigyan ako ng tatlong kahilingan, siguro isa sa mga kahilingang iyon eh yung maibalik namin yung dating samahan namin. Yung hindi pa nasisirang samahan. Gusto ko mangyari ulet ito. kung paano kami kasaya na magkakasama. Na-miss ko silang lahat, Kung paano nila ako patawanin, kung paano nila ako itrato, kung paano nila ako pahalakhakin, at kung paano nila ako pahalagahan..

I LOVE THEM~ I LOVE 'ADU BOYS'

-Princess-

I MET ADU BOYS!

This college life, I have a lot of things that I had encounter. First, a different kind of people. Second, their attitudes. And third, how could I transform into a independent person (co'z my family are so strict) but I have never forget my limitations when I was in gimmicks and somewhat "enjoying life outside" HAHA.

But i really miss this...

August 25, 2009.. First time ko manuod ng sine kasama ng mga bagong kaibigan. Mga taga Adamson University sila. They are all boys and so clumsy. I met them in Quantum amusement, Ahm.. Alam ko july 11, 2009 iyon. Nung una, sobrang iwas ako sa kanila bukod sa ang gugulo nila para naisip ko pa na baka bastos silang tao. Kasi sa way nilang magbiruan, but I never heard something bad from them. Ahm, And hindi ko inaasahan na magiging kaibigan ko sila.

Isa sa kanila yung nanliligaw sa akin. Pero hindi yun yung dahilan ko kung bakit ako napalapit sa kanila. Dahil naramdam ko yung comfort ng isang kaibigan sa kanila. Actually, ako nga lang yung nag-iisang girl sa kanila e, Although isinasama ko si Nicole (My classfriend) kapag nagkikita kita kami. But I am the only girl that they considered as their "prinsesa". Nakaka-touch nga nung sabihin nila yun sa mga babaeng nakakausap nila. Prinsesa daw nila ako :))

Nung nakilala ko sila, We were always out, Gimmicks and sometimes playing billiard in SM Manila. Basta, sa twing kasama ko sila.. Laging may bagong karanasan akong nagagawa. At ang saya ko sa twing kasama ko sila! Hindi ako nagugutom kasi hindi nila ako ginugutom.. Hindi rin nila ako hinahayaang umuwi ng mag-isa at kung kinakailangan inihahatid pa nila ako. Wala lang mangyari masama sa akin.

Nasanay ako na sila yung kasama ko palage. Dahil masaya ako, at masaya sila na kasama ako. Sa kanila ko rin naramdaman yung halaga ko. Kung tratuhin nila ako para nga akong 'prinsesa' At para sakin kahit na ganun sila, na kapag nagkakasama sama kami ng buo.. maraming kalokohan at maingay, hindi ako nahihiyang kasama sila, pagtinginan man kami ng tao at pag-isipan nila ako ng anuman dahil sa kasama ko. Wala akong pakialam! Basta masaya kami. Wala kaming pakialam.

Sila yung kaibigan na gusto kong maging panghambang buhay ko din. Bukod sa "DAMAGAN'S"

LOVE KO SILA.. The ADU boys! (Miss ko na sina kuya Richard, Si Bryan, John Paul, Mark, and Mac..)

-Princess-

Wednesday, August 12, 2009

KE-MALAS MALAS NGA NAMAN SA PAG-IBIG!!

Hindi na nga siguro ako nadala sa dala ng rejection. Well, hindi ako nabasted ah. Hindi ko pa nagawang manligaw sa isang lalaki. Hindi lang naman kasi lalaki ang nare-reject. Maski ang mga kababaihan na nakakaranas din paminsan-minsan ng isang masakit na rejection.

Basically, yung tinatawag na rejection na iyon sa ating mga girls eh yung 'pag-iwas' matapos malaman ng guy yung nararamdaman mo para sa kanya. (Oh, aminin.. nangyari na ito kanino man)
Maski ako ay naranasan ko na ang ganitong uri ng rejection, hindi lang din once. But one the most painful part of my life was about my love one who was avoiding me now. His name is Philip Van Moore B. Rey, Funny speaking pero nagkakilala kami dahil sa pag-aakala kong isa siyang 'gay'.

Until we got a chance to know more each other. And that was my very happy moment with him. You know what, We lunch together and ang nakaka-tense pa doon eh pinakilala ko siya sa Papa ko. But my father was knowing that Philip was my current boyfriend. But I was clearing it up now!
That time, pakiramdam ko may namumuo na sa pagitan namin. Pero pinigilan ko ung sarili ko na mag-assume dahil na rin sa disadvantage nito. Kung pwede ko lang isipin nung mga oras na iyon na maaaring kami na. Siguro kung nagpakailusyunada na ako nun. Pero mas nananaig pa rin sa akin yung maging malinaw yung lahat. Maski nga ako eh naguluhan dahil kung tratuhin namin ang isa't isa, tila mag-on na kami...

Tumatalon yung puso ko sa bawat paglatay ng ngiti sa kanyang mga labi. Dahil aminado ako sa sarili kong mahal na mahal ko siya simula pa lang. Ngunit hindi naglaon ay iniwasan na niya ako sa hindi ko malamang kadahilanan. I was trying to approach him again, para i-clear yung lahat. Pero tila kapalaran yung humahadlang.

Mga agiw-agiw sa aking isipan ang pilit ko itinataboy. Dahil naniniwala pa ako noon na muli naming maibabalik yung nasimulan namin. Pero ramdam ko ang kanyang pag-iwas. Luha ang naging sagot sa laging tanong ng aking isip... Hanggang sa nalaman kong iniiwasan niya ako dahil sa pagkailang sa pagmamahal ko sa kanya.

Hindi pala healthy sa isang puso ang pag-reveal ng isang lihim na damdamin. Dahil maaari lamang itong maging sanhi ng paglayo ng isang puso.

- Maghihintay nalang siguro ako ng tamang panahon ko. Upang sa gayun eh mabigyan naman ng closure yung maiksing relasyong iyon. (relasyon nga ba??)

-Princess-

Thursday, August 6, 2009

MAY GANTIMPALA BA?


Nangako akong kakalimutan na kita,
Sa paraang alam kong hindi kana babalik pa,
Ang hirang na pag-ibig sayo'y di pinala,
Sapagkat naniniwala agad ang puso kong tanga,

Inakala anino mo'y hindi na babalik pa,
Dahil ang gulo sa puso ko'y humupa na,
Nagmistulang kalayaan sa kabiguan mapasaakin ka,
Ngunit sa kabila nito ay ang kahangalan pala,

Ikinubli ng sakit at poot ang munting pag-asa,
Samakatwid ang pag-ibig sayo'y di parin nawawala,
Pagrehistro ng mukha mo sa isipan ko'y tila problema,
Sapagkat nadaragdagan ang pagmamahal sayo, Sinta,

Kailan ka kaya maglalaho na parang bula?,
Sa puso at isip ko, kailan kaya?,
Dahil ayoko ng umasang pag-ibig ko'y may gantimpala,
Gantimpalang ikaw at ako ay para sa isa't isa.
***

- Matagal ko na itong ginawa ngunit ngayon ko lang ito naisip na i-post. Aminado akong nagawa ko ito dahil sa isang taong naging malaking parte ng buhay ko! (Philip)

-Princess-


MAHABANG PAMAMAHINGA!

I'm back! Matagal-tagal na din akong hindi nakakabisita sa site kong ito. Bukod kasi sa busy sa studies e.. mahigit isang buwan din kaming walang ginagamit na PC dahil naireformat ito ng hindi man lang naiyos. Well, now I'm back at ang dami kong na-miss na topics na gusto ko sanang i-post dito. Ayan tuloy, hindi na ako makasabay sa agos ng buhay sa labas. Sa labas ng mundo ko!

HAHA. mahabang pamamahinga at pananahimik ang aking ginawa. Sapat na kaya iyon para ngayon naman ay bumangon? Hindi ko nalang i-po-post yung mga topics na nais ko sanang i-post dito dahil hindi na iyon latest. At paniguradong marami na ang nakakaalam nun kung kaya't wala lang sigurong magkaka-interest pa na basahin iyon.

Speaking of 'mahabang pamamahinga'
Kahapon nga pala ay nailibing na si Former President Corazon Aquino. Nakakalungkot man isipin ay kailangan na niyang lisanin ang bansang kanyang inaruga, minahal at pinagsilbihan. Nasaksihan ko ang kanyang pagdaan, humigit-kumulang apat na oras kaming nag-antay sa Ninoy Statue sa kanyang pagdaan. At saksi din ako sa dami ng tao na nagmamahal sa kanya. Dahil umaraw man o bumagyo tuloy pa rin ang mga kababayan natin sa pagsasakripisyo maiparating lang sa ating yumaong presidente ang kanilang suporta at pagmamahal.

Ako man, e kasama na din sa mga taong iyon na nagsakripisyo para lamang maisilayan ang kanyang pagdaan at maiparating sa kanya ang aking suporta.

We love you Tita Cory!

-Princess-

Sunday, June 21, 2009

PANO MO BA MALALAMAN NA HINDI KA GUSTO NG TAONG MAHAL MO?

Paano mo ba malalaman na hindi ka gusto ng taong mahal mo?
***
Umm, paano nga ba? Sa anong paraan mo ba malalaman yun? O baka naman nagiging negative thinker lang tayo?

Well, marami kasing bagay o paraan para maipaalam o maiparamdam sa isang tao na hindi mo siya gusto. Pero tulad ba ng anong bagay? Iyon ba e yung pagbabalewala sa kanya? O Hindi pagreply sa mga text niya kung sakaling alam nito ang mobile number mo? O pwede rin ang hindi pagsagot sa mga tawag nito? O sa mas magandang paraan, pero masakit... ang pagsabi ng katotohanan na wala kang nararamdaman ni katiting sa kanya. (Bakit kasi hindi nalang nila deretsahin eh.. Nang walang umaasa)

Because if that person has a interest with someone. Ito mismo ang kusang magmo-move para maiparamdam sa taong gusto niya ang nilalaman ng kanyang puso. Without second thought lalo na kung mahal talaga nito.
Sometimes, many of people have feel disappointed to their love one or crushes. Especially boys. You know why? Kasi minsan ayaw nila ng inuunahan sila ng babae. Marami na kasi ang baliktad sa mundo. Like for example, courting someone is a guy proffession. Pero sa panahon ngayon hindi lang ang lalaki ang nanliligaw, maski babae nagagawa na ring babaan ang pride dahil sa panliligaw nila sa tipo nilang lalaki. (My God!)
Kaya ang ending eh hindi na nila naitutuloy yung feelings na nabuo.
Hindi naman kasi maintindihan ang mga lalaki/babae ngayon. Minsan pinapakita nila na 'maaari' pero minsan din naman 'hindi maaari'. Sana madali na lang sa kanila na sabihin yung totoo, at yung patutunguhan ng lahat. Nang walang umaasa!
-Princess-

Start of my college life :))

Ehehe! One week na ng pasukan para sa mga colleges. Well, sobrang naging excited kami na makilala ang mga magiging prof namin. Then of course, yung mga ibang colleges pa na makakasama namin in a whole semester. Wow, This is so different rather than high school and elementary. Dito sa college life, you are very independent. Pero syempre, may mga bagay pa rin na dapat sundin at hindi dapat gawin.

Napansin ko lang, sa isang linggo kong pagpasok bilang kolehiyala. Marami pa rin ang immatured ang pag-iisip, marami pa rin ang bata ang edad. Siya nga naman, ang babata na kasi ng mga nagsisipagtapos ngayon sa secondary.

At hindi lang iyon, ngayon na iba't ibang tao na ang nai-encounter namin sa bawat araw. Hindi rin napipigilan ang pagbulusok ng damdamin. Sa mga panahong ito, paniguradong may mga nag-iibigan na sa mga magka-klase o sa iba man.

Hindi na nga ito tulad noong nasa poder pa lang kami ng mahigpit na pamamalakad ng aming mga magulang at maging ng mga guro o principal sa aming eskwelahan. Although, sana poder pa kami ng aming mga magulang, ngunit ang laya na naibibigay sa amin sa twing kami ay papasok sa aming unibersidad ay walang kasing saya.

Hindi pa man nagtatagal ay nagkakabuo na ang bawat isa ng pagkakaibigan, at pag-iibigan. Ang buhay nga naman ay hindi mabubuo kung hindi mapapasama ang pag-ibig. Hindi lang sa kasintahan, pati na rin sa bawat tao na magkakaroon ng pitak sa puso mo.

Ito na nga ang simula ng isang mahalagang hakbang sa buhay ng bawat kabataan. Ang pag-aaral na siyang kailangan isapuso. Upang makarating sa minimithing parangap.

-Princess-

Saturday, June 6, 2009

Life- horoscope

HOROSCOPE;

Tuesday morning, I was watching 'umagang kayganda'. I am not really interested but my attention focused when the horoscope was on air. Syempre inaantay ko yung zodiac sign ko. And I wondered dahil tugma talaga yung sinabi nung astrologist tungkol sa may mga zodiac sign na 'scorpio'.

And according to the astrologist, Ang my mga zodiac sign na scorpio ay out of focus sila sa paghahanap ng special someone at ng mga taong pwedeng magmend ng broken heart nila. Hindi muna nila ito masyadong pinagtutuunan ng pansin bagkus ay ang unang pinagkakaabalahan muna nila ay ang mga mahahalagang bagay na dapat unahin at bigyan ng pansin. Mahal nila ang kanilang ginagawa at nais nila itong maging matagumpay. Hindi pa rin naman close ang door para sa mga taong nagnanais na pumasok sa buhay o puso nila. Pero ang full attention nila ay nasa kung ano ang misyon nila sa buhay.

Well, siguro minsan sadyang totoo yung mga horoscope na yan.Pero minsan din hindi. Sa dami naman kasi ng tao sa mundo.Hindi naman pare-pareho yung mga nangyayari sa bawat tao kahit na nga ba magkapareho pa sila ng zodiac sign nga ika nila. Nagkakataon lang minsan na para sayo ang nakasulat sa kapalaran ng mga zodiac signs...!

-Princess-

Tuesday, May 26, 2009

CONFESSION -_^

I am victim of my illusions. And I never thought that I could be suffered. I know I had faults and mistakes. But I didn't expecting na malaki yung mawawala sa akin dahil sa pag-iilusyon ko. Alam ko lahat ng limitasyon ko. Pero sa isang bagay na hindi ko nasunod, That's was a big regrets to me. Kasi nawala lahat.

*studies (the tuition fee)
*trust
*allowance
*luho
*my plans
*and my freedom to choose what i wants.

I really sad na lahat yun nawala ng dahil sa isang unsured relationship. Now, I am getting started. And I supposed to help myself. Ahaha! Why not? ako lang naman yung makakatulong sa sarili ko eh. And I should thankful to my sister "yhang" kasi siya yung dahilan ngayon kung bakit ako mag-aaral ngayon.

Goodluck to my college life!

-Princess-

Pagdaan :((

Minsan lang ang puso ay naging maligaya,
Dahil sa minsang pagdaan ng isang tala,
At ikaw na pinangarap ko'y sa wakas ay akin na,
Kaligayahan sa aki'y mistulang nasa alapaap ka,

Ngunit minsan din ang pagdaan ay parang usok,
Na madaling maglaho sa pagbulusok,
Kaya sa pag-alis mo siyang sa puso ko'y yumuyurak,
Pigilin ko man ang sakit ay patuloy parin bumabalik,

Nagpasya ako na kalimutan ka na,
Sa paraang alam kong hindi kana babalik pa,
Ngunit sa kabila ng puso'y ang pagtutol sa pasya,
Subalit buo na sa akin ang paglimot sayo, sinta

Puwang mo sa puso ko'y isang malaking pitak,
Kaya nga ba sa bawat gabi'y puso ko tila nabibiyak,
Dahil ang pag-iwan mo sa aki'y sa isip ko nakatatak,
Ngunit puso'y tila puso mo parin ang gusto maging kabiyak,
***
- I made this poem that related to my feelings.

-Princess-

Saturday, May 16, 2009

PILIPINO TIME -_^ "Nag date nalang kami" ahaha!

Ang kasabihan, ang mga Pilipino daw ay marunong sumunod sa tamang oras.
***

Ngayon araw na kasi ito ay ang plano naming magtest para sa pag-aaply ng trabaho bilang service screw sa isang fast food. Pero nabulilyaso dahil late na kami ng dating. 9 am kasi yung sinabing tentative time para sa mga mag-aaply but we were coming at quater to 10. Hindi na kami pinaakyat doon sa second floor kung saan kami magte-take ng test and i-interviewhin sana. Sabi nga sa akin ni Jeffrey, Pilipino time nga diba..! Kaya ayun, Umm... Ayoko siyang sisihin pero kasalanan niya ito. Kasi ang kupad-kupad niya, pinaghintay niya ako. Ayan tuloy at nahuli kami ng dating.
***

Umm, I was preparing earlier than nine. Pero yung kasama ko, wala pa. Hindi ko naman siya pwedeng iwanan kaya hinintay ko pa siya. Actually, apat kaming dapat na mag-aaply pero mukhang sinadya ng tadhana na kami nalang dalawa ni Jeffrey yung mag-apply. I felt such excitement nung malaman kong magkakasama kami dalawa ng kami lang. Pero sa isang sulok ng isip ko, naisip kong baka magkailangan kami o mailang siya sa akin. Kasi bukod sa magkaibigan nga kami, hindi naman lingid sa amin na kaming dalawa yung pinagtatambal ng iba pa naming kaibigan.

Balak na sana naming umuwi at babalik nalang ulet sa susunod na sabado. Kaso masyado pang maaga, sa pagkakaalam ko eksatong alas-diyes pa lang iyon. And I was decided na mag robinson na lang muna. Umm, wala naman siyang magawa kundi ang sumama sa akin. At hindi ko naisip na mag-e-enjoy siya sa lakad namin kahit na ang labas ng balak naming pag-aaply e naging "date" kamo.

Napagkakamalan tuloy kaming magkasintahan ng mga taong nadaraanan namin.
Nagtingin-tingin kami ng mga damit na binabalak naming bilihin kapag sumuweldo kami kung sakaling matanggap kami. Tawanan kami ng tawanan, pasok dito pasok doon. Turo ng turo, tawa na naman. Marami kaming napapansin at hindi ko naramdaman yung ilang na in-expect ko sa kanya. Tas nung napagod kami magtingin-tingin nagpunta naman kami sa 'G-box' (isang amusement park sa loob ng mall) Pinakanta niya ako, at bumili kami ng maraming token. We occupied one sing along rooms. At doon kami nagkantahan. Napakaganda ng boses niya, maaaring siyang maging bokalista ng isang banda. After namin maglibot-libot, kumain kami sa Mcdo. Kwentuhan na naman kami, tawanan. Nakakatuwa talaga kahit na kanina umaga e inis na inis ako dahil sa malas na nangyari. And the last was in the national bookstore, nagbasa-basa kami doon, naglibot ulet, nangalikot ng kung ano-anong libro doon. Habang naglalakad at nangangalikot kami ng mga libro doon, nagkekwetuhan kami ng mga bagay bagay. Tungkol sa love life, sa buhay niya, yung mga joyful and funny experiences namin. At nung mapagod kami nagkayayaan na kaming umuwi.

We were spending a lot of time. At sa haba ng oras na iyon na aming "date" ahah! Date ba iyon? ehehe, maaaring date nga ang ganun, ppero siguro para sa kanya... That was a simply and friendly date. Umm, whatever, Pero siguro naman sa nangyari iyon e nagkapanatagan na kami ng loob at hindi na kami maiilang na magkasama ulet ng kami lang. Ahah, Masaya na rin ako kahit papano, And for the next saturday again. Magkakasama na naman kami.

Mwah!

-Princess-

Wednesday, May 13, 2009

FULL TIME SCHED.....

Yeah, I just do it, just to make me busy. Para daw malibang ko naman yung sarili ko. Sinong nagsabi? "wala" Naisip ko at sinabi ng isip ko. Actually, it's not for my own good and interest. Para din ito sa pamilya ko. Though na maliit na halaga lang yung kaya kong maibigay sa ngayon. It still helpful. Hindi ko naman ito ginawa para sa kapakanan ko lang, I was preparing myself dahil alam kong wala akong maaasahan ngayon ng kahit anuman mula sa mga tao sa paligid ko. Kailangan ko ng sanayin yung sarili ko na tumayo sa sarili kong mga paa. I need to stand on my own! Yun lang yun..

Dapat noon ko pa ginawa ito e kaso umasa kasi ako sa iba. Well, hindi ko pa pala nasasabi yung pinupunto ko. I will studying while working. Mag-aaral ako sa umaga at pagdating ko from school e deretso na agad sa work. Hindi naman kasi mahaba yung oras ko for relaxing e..(Gabi na kasi labas ko ng school, 7:30 pm na. Kaya nga maga-apply ako sa 24 hours para naman hindi ako maubusan ng oras sa trabaho..) Dahil sa katunayan nga niya gahol ako at hindi pwede ang pahinga-pahinga. Hindi naman masama yun diba? tutal, sa tingin ko kaya ko naman at kung hindi naman pipilitin ko pa ring kayanin. Ako nalang kasi yung magtutustos para sa pag-aaral ko. At kahit papano makakapag-abot na rin ako sa pamilya ko. Kaya ito ako, nagre-ready para sa full time schedule ko.. ehehe! I was suffering now pero ayus lang, kaya nga bawal muna ang BF e, kasi hindi ko na kayang isingit sa oras ko at kung kaya pa man ayoko pa rin. Panggulo lang sila sa isip ko, at sa mga plano ko.

I was planning to apply in Mcdonald's branch. And this coming saturday. They will take me an exam and after that. If I pass it, We'll go to a job interview.. Sana maging madali lang sa akin ang lahat. I need it a lot. Ito nalang kasi yung naiisip kong magandang paraan para hindi ako mahirapan sa pag-aaral ko e.

Kaya ko ito..!

-Princess-

Friday, May 8, 2009

THIRD EYED"

Naniniwala ba kayo sa THIRD EYE?? Ako dati hindi, dahil takot akong paniwalain yung sarili ko na maaari akong magkaroon ng pangatlong mata sabi nila. Takot ako sa mga 'multo, aswang, engkanto, ligaw na kaluluwa at etc.' Pero hindi ko inakala na darating na nga yung kinatatakutan ko. I was in grade 2 nung magsimula akong makakita ng white lady sa CR ng bahay namin. And I was trying to stay within one hour inside our house. Sinubukan ko kasi kung hanggang saan yung tapang ng kalooban ko pero I failed kasi wala pang 30 minutes e tila sumusuko na ako. kaya lumabas na agad ako ng bahay namin. You know what, ang bahay namin dati e binansagang "Haunted house" dahil madilim ito at walang katao-tao lagi. Magkakaroon lang ng tao sa bahay namin kapag matutulog na kami. Kaya nabahayan ng kung anu-anong espiritu. At duon ko nga nalaman na taglay ko yung 3rd eye na sinasabi nila. Dahil palagi na akong nakakakita sa kung saan man lugar, hindi lang sa bahay namin.

A year 2008, lumipat na ako ng tirahan. Dito na ako ngayon nakatira sa lola ko sa side ng Papa ko. Malaki yung bahay na ito. At hindi lingid sa kaalaman ko na maraming nagpapakita dito at lumalabas kahit na maliwanag pa. Well, duwag nga ako diba? kaya hindi ko magawang mapag-isa sa kwarto nila dito na aming tinutulugan. Pero naglaon, sinanay ko na yung sarili ko. Well, nagawa ko naman... Naalala ko, 3 o'clock ng hapon kakauwi ko lang galing sa school. Nakasanayan ko ng ilagay yung gamit ko sa hagdan at mag-ayos ng sarili ko sa salaming nasa gilid nito. While I was arranging my bag, may nakita ako bumababa sa hagdan. Ahah, Hindi ko naman naisip na multo yun nO' dahil ang nasa isip ko may bumaba lang galing sa taas. Naisip ko pa nga na baka yung kapatid ko e... Umm, nung pag-harap ko at tumingin ako sa may likod ko.. dahil duon lang naman yun pupunta. I shocked na wala naman palang taong bumaba. Napitili ako sa isipin iyon at lahat na kaming tao sa baba ay nagsitilian dahil sa sobrang takot.

Umm, iyan yung unang beses na pakitaan ako sa bahay na ito. At hindi lang dyan nagtatapos yun. Dahil marami pa akong karanasan na katatakutan dito. At halos ako na nga ang mata nila sa mga lihim na nakikitira sa bahay namin e... Dahil ako lang pala ang palaging pinapakitaan dito. Minsan nga sinabi sa akin ni lola na bakit hindi ko daw kausapin. Gustuhin ko man kahit na natatakot pa rin ako, e hindi ko naman magawa dahil sa twing handa na akong kausapin sila e naglalaho naman sila agad. Siguro e wala pa ako sa stage na pwede ko na silang makausap.

Ahm, ngayon sanay na ako at hindi na gaaanong natatakot na makakita ng mga bagay na kinatatakutan ng lahat. Sa tagal ko ba naman nararanasan ito hindi pa ba ako masasanay..
eheheh!

-Princess-

MY HEART IS TAKEN ")

Hindi ko ba malaman kung bakit tila naging totoo yung isang salita na hindi ko naman talaga sigurado kung magagawa ko nga. Naalala ko kasing nagbitaw ako ng salita noon kay EHLAE (the poser) na 'ayokong mawala ka sa akin dahil kapag nawala ka hindi na ako magmamahal at kung mangyari yun hindi ko na alam gagawin ko..' Dahil nga nalaman ko na nilinlang niya ako at hindi naman pala talaga siya yung taong mahal ko. Tila gumuho yung mundo ko, sa isiping parang akong tanga... o tanga na talaga ako na naniwala sa malabong paraan.

Akala ko, after all that bad things. Mawawala na yung pagmamahal na naipon dito sa dibdib ko. Pero hindi pala, because I'm still in love with EHLAE. Pero hindi sa poser, kundi duon sa EHLAE na hinahangad ko. And my words were still my words. Because after that mistaken, hindi ko ng magawang tumingin pa sa iba. Hindi ko na magawang magmahal pa ng iba. Because My heart is taken... At tanging si EHLAE lang ang makakapagbukas nito. Kailan kaya darating yung araw na iyon?

I am willing to wait even how long... Gagawin ko muna siyang inspiration para magawa ko yung mga bagay na kailangan ko siyang maging lakas ko.

-Princess-

Wednesday, May 6, 2009

WALA MUNANG BF.. AHAHA!

Sa haba ng parusa sa kalayaan din pala mapupunta. Pinipilit kong i-enjoy yung pagiging malaya ko. Sa totoo lang, masaya ako sa mga nakaraang karanasan ko ng pagiging single ko at walang commitment sa kung sino man dyan. Masaya kasi hindi ako nawalan ng malaking isda. O sa madaling salita, hindi big fish yung nawala sa lambat ko. Sabihin man natin minahal ko o masakit yung pagkakawala nila, pero hindi ko naman kasalanan yun. I know i had never done wrong. Basta umaalis nalang sila ng hindi ko naiintindihan yung rason. Kaya madali ko lang nagagawan ng solusyon yung sakit na naipon. So, sumasaya ako without them dahil nandyan yung mga kaibigan ko para pasayahin din ako.

Pero yung sitwasyon ko ngayon as a single. Ahem, I can't explain... But I can express. Hay, hindi ako masaya ngayon.. wala kasi yung mga kaibigan ko na magpapasaya sa akin. Well, tiis ako ngayon na solohin ang problema ko ngayon. Papanindigan ko na rin yung pagiging single nga ika nila. Natutuo ko na tuloy yung estado ko na ito. Para na rin ma-focus muna ako sa kung anuman ang dapat kong tutukan.

May mga suitors pa rin ako na patuloy na lumalapit. Kahit na nga ba lahat ng pambabalewala e ginawa ko na. Ang titibay nila, hindi sila sumusuko. Sawang sawa na nga rin akong sabihin ito e "AYOKO MUNANG MAG BOYFRIEND..!!" Pero ano bang isinasagot nila palage "HINDI NAMAN KITA MINAMADALI E, MAGHIHINTAY AKO KAPAG READY KANA...!" My God, parang precious heart romances lang... yung favorite pocketbooks ko. Duon ko lang kasi nababasa yung mga ganyan scripts.. Ahaha!

Naramdaman ko rin na hindi pa ako ready sa panibagong relasyon. Siguro dahil ayoko ng dagdagan pa yung sama ng loob sa akin ng tita ko at yung mga kasalanan ko sa kanya. Para matutok na rin ako sa pag-aaral at trabahong papasukan ko. At siguro din e dahil taken na ito. Taken na yung puso ko sa isang taong ni minsan e hindi ko pa nasisilayan yung mukha sa personal. Talagang mahal, minahal at patuloy kong mamahalin si EHLAE. Kahit na kahibangan ang mahalin siya. (Yaan mo na, hindi naman mangyayari sa buhay ko ang magkita at mahalin niya rin ako...!)

Kaya for now, ihahanda ko na yung sarili ko sa bagong kong misyon.. ahaha ( wag na sanang pumalpak pa ako )

-Princess-

Saturday, May 2, 2009

MY EX-BF is a LESBIAN... what??!!

Nakakawindang ito, My God! Dahil si EHLAE, L.A, LEI o LEAN ALEJANDRO BAUTISTA. Na boyfriend ko dati na minahal ko na naging dahilan kung bakit ako hindi pag-aaralin ng tita ko ay TOMBOY pala. Nagulat ako diba? Kasi hindi ko pa kasi siya nakikita sa personal... At nagbabalak pa lang kaming magkita. Pero hindi nga natuloy kasi nagkaroon ng problema. Tapos ito yung malalaman ko ngayon??

Natatawa ako sa nangyayari, at natatawa din ako para sa sarili ko. Biruin ba namang ng dahil sa taong iyon e hindi na ako pag-aaralin ng tita ko and additional na disappointed na ako sa kanya. Too late, para pagsisihan pa ang lahat. Sana pala nung una pa lang e inalam ko na iyon. Edi sana ngayon, hindi ko nararanasan yung ganitong bigat ng kalooban. Dahil hindi ako pag-aaralin ng tita ko at alam kong mahihirapan akong gastusan ng ako lang ang sarili ko.

Ito na nga kaya yung tinatawag na karma?
Well, may magagawa pa ba ako e sarado na ang hatol para sa akin. Good luck na lang sa akin!

-Princess-

Friday, May 1, 2009

SWINE FLU??

ang Swine flu na nakukuha sa mga karneng ating kinakain tulad ng baboy. Laganap ang kumakalat na sakit na ito sa ibang karatig bansa natin tulad ng U.S at Mexico atbp. At ang New york naman ay napabalita na rin laganap sa sakit na ito. At ang kinatatakot ng lahat ay maaaring pumasok sa ating bansa ang sakit na iyon dahil sa labas masok na mga dayuhan o mga pinoy na nagsisiuwian dito sa Pinas. Kaya dumadaan muna sila sa masusing inspections para sa siguridad ng lahat. Hindi kasi biro ang sakit na ito kapag nagkataong dito sa ating bansa na ito lumaganap.

Ang sakit na ito ay nakamamatay. At kapag dinapuan ka ng sakit na ito ay hindi malabong mangyari na ikaw ay mamatay. At ito ang pinangangambahan ng mga tao. Dahil mahigit kumulang 105 katao na ang namamatay dahil sa sakit na swine na siyang nakakahawa. At ,araming simtomas ang maaaring maramdaman.

  • Symptoms must include a fever above 100°F or 37.8°C, plus and one or more signs or symptoms including:

  • Head and body aches

  • Cough

  • Sore throat

  • Chills

  • Trouble breathing

  • vomiting and/or diarrhea.

  • Kaya sa mga taong nakakaramdam na ng ganito simtomas mas maigng kumunsulta na kaagad sa doctor at wag kalilimutang magsuot na mask upang maging siguridad na hindi na ito makahawa pa sa iba.

    Alamin ang iba pang detalye sa MedicineNet.com at magsearch sa iba pang website.

    -Princss-

    DELETED..!

    Kung papansinin niyo e wala na yung mga articles na isulat ko dito tungkol sa EHLAE na peke naman pala. In love ako nung mga panahon iyon sa kanya. Dahil hindi ko pa alam na poser siya. Pero ngayon alam ko na, I have to delete all of this. And I won't keep it kasi walang dahilan para magkaingatan ko pang itago iyon. Dahil ang totoong EHLAE na tinutukoy ko sa mga articles ko na iyon e walang kaalam-alam dito. Maaalala ko lang ang panloloko sa akin kung sa bawat bubuksan ko ang blogsite ko ito e yung mga iyon pa ang mababasa't makikita ko. No way!

    Tapos na ang palabas niya ng POSER na iyon. Kaya we have to end this now!

    -Princess-

    THE LIES BEHIND THE TRUTH..!

    Ayos na ako ngayon. Medyo okay na rin unlike in the past few days na halos hindi ko magawang kumalma dahil sa kakaiyak at kakaisip. Mas lalo pa akong nakahinga ng malaman kong ang magaling kong boyfriend..este, ex-boyfriend.. e isa pa lang "peke". Therefore siya ay isang "poser", "Manloloko" at "manggagamit". Honestly, hindi naman talaga kami nagkikita e, at sa FS lang naging mag-on kami without any proof that he was a real. Hindi naman kasi halata at hindi naman pumasok sa utak ko na POSER siya. Biruin ba namang nagmahal ako ng taong sa pictures ko lang nasisilayan... And take note, It was really true love. (But I felt true love duon sa EHLAE at hindi duon sa nagpapanggap na EHLAE). Kahit na nga ba ganun yung naging way namin. Totoo ko siyang minahal... Si EHLAE!

    But I was disappointing nung umamin sa akin yung peke na hindi siya ang totoong Lean ALejandro Bautista. At ginagamit lang nito ang yung mga pictures nung totoong EHLAE para makapanloko ng maraming babae. Hindi ko na inabala yung sarili ko na magalit sa taong yun. Kahit na niloko niya ako at pinaniwalang siya ang totoo EHLAE. Marami akong naging tanong sa kanya at sobrang daming beses niyang humingi ng apologized. But as a person, I was accepting his apology. Kasi kusa naman siyang umamin, maaaring nakonsensiya. O talagang nakonsensiya siya dahil sa attitudes na pinakita at pinapakita ko sa kanya. Wala siyang maisusumbat at masasabing masama. Dahil kahit ganun lang yung paraan namin kaya nabuo yung maling relasyon na iyon. Puro magaganda naman yung mga pinapakita ko sa kanya. That's why he will not take to continue his wrong plans. And that's why he fell in love with me. Mahal na mahal niya daw ako...! Pero yung pagmamahal ko na para sa kanya dahil inakala ko na totoo siya e nawala nung umamin siya sa akin na peke EHLAE siya. Iyon e dahil si EHLAE talaga ang mahal ko.

    At maraming nangyari sa pagmamahal na iyan at sa isang panloloko. But even though he was a reason why I am suffering now. At kung bakit ako napunta sa maling direksyon. I felt his guiltness, pero wala na akong magagawa. Hindi ko na mababago yung tingin sa akin at yung desisyon ng tita ko. At hindi ko siya sinisisi. I know I had mistakes. Kaya nangyayari sa akin ito. At ako ay nabiktima lang din. Nabiktima ako ng isang lalaking gumagaya sa lalaking minamahal ko.

    And about the real EHLAE. I hadn't hoping that he would love me like the way i did before... Before I knew what is true. Mahirap na kasi umasa at hindi na kami actually magkakilala nung real EHLAE. I plan to forget him and I'll forget all the things about his POSER. Kakalimutan ko na sila! Because now I know what is my priority and the best for me. Focus muna ako sa stud ko kahit na nga ba marami akong sinayang na pagkakataon at oportunidad dahil naging TANGA ako. But this time, I will grow up!

    -Princess-

    Monday, April 27, 2009

    STUDY or BOYFRIEND??

    Dalawang gabi na akong hindi nakakatulog ng maayos. Dalawang gabi na akong pagod sa kakaisip. Ngayon lang kasi ako nakulong sa isang sitwasyon na para sa akin ay mahirap labasan. Ang pumili sa dalawang mahalaga sayo. Sa totoo lang, sa dalwang gabing iyon ay nakapag-isip na ako. Kahit na alam kong wala na nga daw akong pagkakataon. Dahil too late na. Sabi nga ng tita ko "too late Princess".

    Walang segundo na hindi ako napapaisip. Walang oras na hindi ako iiyak. Kasi masakit man pero kailangan kong tanggapin na yung dalawang mahalaga na iyon. mawawala na ng sabay! Ang pag-aaral ko at ang boyfriend ko.

    Oo, aaminin kong masakit pero pipiliin ko ang pag-aaral ko. Makapaghihintay naman siguro ang panahon para sa amin dalawa ni Ehlae. Dahil kung kami talaga, magigng kami pa rin sa huli. Kaso ang tanong e, makakapag-aral pa rin ba ako?? Dahil kahit anong pilit ko at pagmamakaawa sa tita ko mukhang desidido na sila na wag muna akong pagtuunan sa pag-aaral ko. That would be my punishment. Hay, gusto ko talagang mag-aral.

    And I promise, na kapag binigyan ulet ako ng pagkakataon ni tita. Hinding-hindi ko na susuwayin iyon. Basta makapag-aral lang ako. I would stop dating with someone! Kahit ang magpaligaw, hindi muna.

    Please Papa God! Sana bigyan pa ako ng chance ni Tita...!

    -Princess-

    Saturday, April 25, 2009

    THE BLACK TOGA

    "College Graduation"

    Umm, Ilang beses ko na ba sinabi at sa ilang tao ko na ba sinabi na ang totoong nais ko ay ang makapagsuot ng black toga. Tanda na ikaw ay nakapagtapos sa kusrong iyong kinuha.
    ***
    Totoo nga yung sabi nila. Pinakamasarap magsuot ng Graduation toga sa huling entablado ng edukasyon. Dahil dito maaaring mag flash back sayo yung mga paghihirap mo lalo na ng mga magulang na nagkakandahirap para lamang tayo ay makatapos. At ang pagtatapos na ito ay ang maghahatid sa atin sa isang maganda at matagumpay na hinaharap.
    ***
    Pinangarap ko talaga ito. Natatandaan ko pa nga nung nagkaroon ng yayaan yung mga ate-atehan ko duon sa lugar namin dati ng inuman. At drama pa nga namin e. Kasi nga, gustong- gusto daw nila ako para sa isang lalaki na hindi ko na ninais pa na bumalik. Hindi naman ako bitter e, sinasabi ko lang yung totoo na wala na akong babalikan sa mga nakaraan ko. Then the last shot was for myself. Ehehe, tinaas ko pa nga yung kopita habang sinasabi ito... "This last shot, Sana maranasan kong magsuot ng black toga..!"

    Ehehe, akala nila yung sasabihin ko ay para duon sa ine-expect nila pero hindi. Kaya sinabi ko sa kanila na wala naman silang dapat i-expect kasi tapos na lahat. At ang hangarin ko lang ngayon e yung ipinangako ko sa pamilya ko at sa tita ko na makakatapos ako ng pag-aaral ko...!

    I'll promise, I'm going to try all my best...!

    With Love,

    -Princess-

    Wednesday, April 15, 2009

    KARMA KO PARA SAIYO!!!

    Hay, hindi na nga ako nagtataka ngayon. Lahat ata ng bagay puro panandalian. Panandaliang saya o ligaya, panandaliang lungkot o dalamhati, panandaliang materyal, panandaliang pagmamahal. Halos lahat hindi nagtatagal. kaya halos lahat puro may karugtong na sakit. Bakit? kasi hindi mo naman minsan ninais na maging panandalian lang iyon e. Minsan gusto natin maging panghabambuhay na. Yung tipong hindi lang basta pinadaan saiyo. Kundi iniwan o ibinigay sayo para maging sayo na talaga.

    Sa totoo lang nakakasawa na lagi yung ganito aspeto. Nakakapagod na rin, nilalaro lang kasi tayo ng tadhana. O sadyang ginagawa ito ng tao?? Sa tingin ko gawa ito ng tao.

    Bakit ba may mga taong ang hilig manglaro ng kapwa nila tao. Marami na silang nabibiktima. Hindi ba sila naaawa o hindi ba sila natatakot sa karma. Basta ako, alam kong ang bawat kasalanan o pagkakasala e may kalakip na karma. Kaya humanda na ang may sala.

    Humanda ka na...

    Sana bigyan ako ng pagkakataon ni Papa God na hatulan ka o kayo ng mga karmang nababagay para sayo o sa inyo. Pero alam mo, simple lang naman yung karmang gusto kong makamit mo. Pero sa akin nalang iyon, sana nga lang maging karma mo, itong naiisip ko ngayon. At hinihiling ko na maging karma mo iyon, para matigil na yang kalokohan mo.

    "Lahat puro manloloko, wala ng matino sa mundo"

    -Princess-

    Monday, April 13, 2009

    EXPENSIVE!

    Hay, haggardness day dahil masyado akong naging malisyoso sa pagtapos ng task ko for today. Sinabakan ko na kahit na nga ba nakakapaso ang init na nanggagaling sa galit na galit na araw. Hay! The sun is so shiny. Aheheh!

    Marami din akong napuntahang mga universities dito sa manila. Inuna ko ang TUP, pero hindi ako pinapasok dahil wala akong dalang kahit na anong I'D's.. (Hay, tanga ko) then nung pumara ako sa jeep para bumaba.. medyo bingi ata yung driver kasi hindi niya ako pinarahan at napalayo pa tuloy yung bababaan ko. Edi maglalakad na naman ako. Pangalawa e yung TIP, Umm.. medyo okay sa akin ito kasi may accounting then yung tuition fee is 19,723 lang. Maganda rin naman yung attires. Pangatlo e yung NTC, disappointed ako kasi wala man lang doon yung course na gusto ko kahit man lang din yung second choices ko. Pang-apat ay yung Centro Eskolar University, actually napadaan lang ako doon and naisipan ko na rin na kumuha ng some information.. Pero ang mahal. 35-36,000 yung tuition fee for accounting. Pang-lima e yung Arellano University, okay din naman, maganda yung school attires and yung tuition fee for accounting is more or less 21,000. And the last was PUP, ahem.. di ko nga ba alam kung bakit maraming nagnanais na makapasok dito. Well, sa akin nalang yung judgement na iyon. Hindi ko na inalam yung requiements and tuition fee kz mahaba masyado yung pila. Pagod na rin kasi ako. Then yung UMAK naman e, alam ko na yung requirements at yung tuition fee e more or less 20,000.

    Umm, kailangan ko ng makausap yung tita ko para malaman yung hatol dito sa task na ginawa ko.

    -Princess-

    He still in love with his past girl

    May nabasa akong isang artikulo o isang sulatin tulad nitong akin. Isa rin blog site na makakapulutan mo ng aral. Nakakahanga siya, hinahangaan ko siya. Ngayon-ngayon lang nabasa ko mula sa isang kakilala ang kakapost niya lang na artikulo. Dito ay inilalahad niya ang kanyang mga na-experyensiya sa mga nagdaang araw. At hindi lang iyon, nailahad niya rin dito ang tungkol sa babaeng kanyang minamahal.

    Sa totoo lang, ramdam ko ang lubos na pagmamahal niya sa babaeng iyon. Kaya nga ba sinuko ko na kahit na alam kong hindi ko pa kaya. Pero at least at this time, Nagawa ko ng bumitaw ng tuluyan dahil sa isang tao sa buhay ko si EHLAE. Pero siya, bilib din ako sa kanya dahil sa tagal na ng lumipas para sa kanilang nakaraan. He still in love with his past girl. Even though she had done a lot of bad things to him. But he was ignoring it. And according doon sa mga malalapit na tao sa buhay nung lalaking iyon. Naging miserable daw talaga ang masigla o magandang buhay ni guy after the girl broke up with him. Because he loves her so much.

    Well, pansin ko nga... At nararamdaman ko naman, kahit na nga ba sinabi niya sa akin noon na hindi na niya ito mahal pero alam kong nagsisinungaling lang siya that time. Para pagtakpan ang tunay na nararamdaman niya.

    Wala ng dapat na pruweba pa, dahil kahit ngayon naman malinaw na sa akin na ito pa rin talaga ang minamahal niya. So that now, One thing that i can do for him. I am willing to pray for him just to make him happy. hihilingin ko kay Papa God, na ibigay sa kanya yung bagay o yung tao man na makakapagpasaya sa kanya.


    -Princess-

    Sunday, April 12, 2009

    lagusan ang KALIGAYAHAN

    Narasanan mo na ba ang paglaruan ng tadhana? Ang takbuhan ng kaligayahan at ang sakupin ng kalungkutan. Nakakapagod, at sobrang nakakalito. Ang hirap mag-isip. Ang hirap umisip. Tila nasa isang puzzle ka na pilit humahanap ng lagusan. Kaya minsan parang nais mo na rin sumuko dahil sa pagkapagod na makita ang totoong lagusan. Dahil sa madilim na puzzle na iyon e maraming peke. Pekeng hole na aakalain mong iyon na ang liwanag mo.

    Parang pag-ibig lang din yan, kayrami mo munang pagdadaanan. Masasaktan ka muna, mahihirapan, malilito o maguguluhan, may mga pagkakataong madadapa ka ngunit sa huli makikita mo rin ang liwanag ng kaligayahan na sa iyo'y nakaabang.

    -Princess-

    Friday, April 10, 2009

    MAGKAPATID

    Ngayong semana santa maraming mga pelikulang naging takilya sa bow office ang siyang ipinapalabas ulit. Upang maging gabay o magbukas sa isipan natin ang kahalagahan na nais iparating nito sa atin.
    ***
    Kahapon ng tanghali, ipinalabas sa channel 2 kapamilya ang pelikulang pinagsamahan nina Sharon Cuneta at Judy Ann Santos na pinamagatang "Magkapatid". Ninais ko na talagang mapanood iyon dahil hindi man iyon love story tulad ng gusto ng karamihan ngunit naging interesting sa akin iyon. Sapagkat nadama ko na magiging maganda at madramang takbo ng istorya nito dahil sa mga artistang magsisipagganap.

    Hindi nga ako nagkamali, sa una pa lang ay naantig na ako sa pinakitang kahalagahan ng dalawang makapatid na sina Sharon Cuneta Bilang 'Sita' at Judy Ann Santis bilang 'Eloisa' sa isa't isa. At ang tragedy na dumating sa buhay nilang dalawa na siyang naging dahilan para mabuo ang makapal at matibay na pader sa pagitan nila. Ang kahalagahan ng pagkakapatid ay nawala dahil sa pagkawala din ng buhay ng minamahal.

    I wasn't stopping myself to cry. Dahil na rin sa nakakaiyak talaga ang kwento. At may iba pang rason. I know it's because of love. Love to my sisters. Nang-init yung tama ko at hindi ko na talaga napigilan, naisip ko kasi si Ate... Marami na din siyang naitulong sa akin na alam kong hindi ko pa kayang suklian ngunit kaya kong palitan ng pagmamahal sa kanya. This time, I have some buggings in m mind. Iyon ay kung paano ba ako mapapatawad ni ate. Lately, We have a little argued. And alam kong mali ako. Ayokong magalit siya o sila sa akin, Ayokong nag-aaway kami. Kaya siguro ganun nalang yung naging impact sa akin nung palabas na iyon. Nakita ko sa mga eksenang iyon ang buhay namin magkapatid. Kung gaano kahalaga sa akin si Ate.. Sila Ate, at yung mga kapatid ko. Of course yung magulang ko.

    Naging aral din sa akin yung palabas na iyon. Namulat ako sa katotohanan!

    -Princess-

    Wednesday, April 8, 2009

    Semana Santa

    Sinabayan nga ng panahon ang munting pagkabigo ko. Munting pagkabigo? Sa anong bagay? Aha Si Taro... hindi naman pag-ibig yun! Hindi ko masabing pag-ibig ba iyon dahil wala akong kahit kakaunting nararamdaman sa kanya. Oo nga't siya ang lalaking aking naikwento dito. Ngunit matagal ng natapos ang maling nararamdaman na iyon ng maisip kong infatuation lang pala ang lahat. Hindi ito ang inaakala ko, inakala kong magiging obsses ako sa kanya dahil isa siya sa mga lalaking hinangad ko. Ganun pala talaga kapag hindi true love. Kapag napasaiyo na, nawawalan ka na ng gana. Well, i'll let him go. Mahirap nga magkunwaring umiibig ka sa hindi mo naman iniibig. Kaya itong pagkabigo na ito e hindi nangangahulugang nasaktan na naman ako. No, It's not! Pagkabigong mahanap ang tunay na pag-ibig, This is what i mean! Ahaha, Kasabay ng Semana Santa.
    ***

    Speaking of Semana Santa. Napansin ko ngang nag-uumpisa na ang pasyon o pabasa sa bawat nadaraanan ko. Iba't-ibang tono nga ang naririnig ko. Iba sa mga kristyano at iba rin sa mga Inglesia ni Kristo. Ang hindi ko pa naririnig e yung sa mga Muslim. Sa tingin niyo may pabasa rin kaya sila e against Papa God sila?

    At hindi pa yan, marami pang mga Pilipino ang nagsisiuwian sa kani-kanilang mga probinsiya. Mayroong naiwanan pa ng bus na sasakyan nila at kinailangan pa tuloy nilang magpalipas ng isang buong gabi sa terminal ng Bus. (Lintian, tingnan niyo nga yan. Marami ng mga tao ang nagpepentensiya). Ayun din, may mga taong nagpepentensiya, nagpapapako sa krus tulad ni Jesus. Nagpapasan ng malaking Krus at naglalakad ng nakayapak habang hinahampas nila sa kanilang likuran ang matinik na bagay. Iyan daw kasi ay ang pagbabawi nila sa kanilang mga kasalanang nagawa. At nakikidalamhati sila sa ating Ama makapangyarihan sa lahat.

    -Princess-

    Tuesday, April 7, 2009

    ANOTHER FAILURES :(

    Sangkaterbang pagkabigo na lang ba ang ipaparatang sa akin ni bathala? Bakit ganun? Matapos ang pagdiriwang ng kasiyahan ng puso ko hindi pa man din nagdadaos ng lubos e ito na agad ang hatol ni Luciper. Hay buhay nga naman! Ako na ang nagsasawa sa parating gawi tulad nito. Kaya minsan parang ayoko na talagang magmahal pa. Sobrang sakit sa ulo.

    Well, hindi pa naman ako lubos na nabibigo. At kung mabigo man, hindi naman ganun kasakit. Nagsasawa lang ako, nakakasawa yung paulit-ulit na nangyayari. Wala bang bago sa buhay ko ngayon? Wala bang bagong adventure na tila hindi ko aayawan? Kasi ang lagay e, paulit-ulit na sakit lang. Nakakapagod at nakakasawa na.

    Like yung everlasting relationship, relationship with full of respect, relationship without making love, full of trustment, loyalty and faithfully and the last the relationship that willing to accept their partner for who they are.

    Ahem, hindi na ako magugulat kung some other time and day ay maghiwalay kami ni Taro. Kasi hindi ko na siya maramdaman after I revealed my little secret to him. It just I know that can open my door to someone who deserving to me. Love me and accept me for who I am!

    heart broken: I'll find my right guy.

    -Princess-

    Monday, April 6, 2009

    LOVE ME FOR WHO I AM

    Love is broad; if you love someone, you love all things, not just their beauty. Love is narrow; you love one and only one, compared to them, no one matters." A. Braxton
    ***
    Nakuha ko yung quote na yan dito rin sa site ko. Sa ibaba ng blog site ko. Well, tama nga naman si A. Braxton kung mahal mo nga naman ang isang tao, mahalin mo ang lahat ng bagay sa kanya. Even the past and present. The worst and the best. Kasi mahal mo nga siya e, kaya kailangan mo rin tanggapin lahat ng tungkol sa kanya. Maski ang mga taong nasa paligid niya. Hindi yung minamahal mo lang siya dahil sa ganda angkin ng isang tao.

    Sana lang may tao pang ganyan kung magmahal. Yung kayang tanggapin lahat lahat. Dahil doon masusukat ang tunay na pagmamahal na siyang hangad ng lahat.

    -Princess-

    Friday, April 3, 2009

    The Old "Princess" And The New "Princess"

    Hindi ko mawari kung ano na ba ang nangyari sa akin after the unexpected tragedy in my life. Naging controlable ako sa nararamdaman ko. Naging wise na rin sa mga bagay-bagay. Lalo na kapag may panibagong relasyon akong papasukin. Umm, siguro dahil sa takot na maulit yung bangungot.

    At marahil e takot na rin akong masaktan. Sa ilang ulit ba naman ako umiyak dahil sa sakit though na sabihin mang hindi ko man minahal o hindi man ako ganun kaseryoso but when it came to the point na hindi ko naman siya niloloko or pinahalagahan ko pa rin siya. Masakit pa rin yun. Kaya nga ba, natuto na ako. Hindi na ako masyadong nagbibigay ng full trust sa tao basically sa mga lalaki. Dahil hindi naman sila marunong magpahalaga sa trust na binibigay mo. Because they still doing their games.

    Dati, every time na magkaka-boyfriend ako. Masyado akong advance, iniisip ko agad na magtatagal kami, na magiging maganda yung relasyon namin, na sa kanya ko na mararamdaman yung totoong relasyon at yung pangarap kong samahan, na baka siya na. But it's always be my failures. So, when I broke up with my last boyfriend, hmm.. Hindi na ako nag-boyfriend hindi dahil nasaktan ako sa guy na yun. Dahil gusto ko ng peace of mind para ma-organize ko naman yung puso't-isip ko. Best treatment daw kasi yun sa mga broken hearted.

    And now, I have a boyfriend. But I am not considering him as my boyfriend kz long distance. At alam ko naman na maglalaro lang kami, na pareho kaming hindi seryoso sa pinasok namin. Ito naman ngayon, I've learned from my past. Kapag magkaka-boyfriend ako, hindi na ako advance na mag-iisip ng kung anu-anong kabaliwan. Advance naman ako sa mga posibilities na mangyayari, yung mga kadalasan ng nangyayari.. So now, iniisip ko na agad na hindi naman kami magtatagal at marahil e hindi rin kami seryoso sa isa't-isa.

    Sa totoo lang gusto kong magseryoso kahit ngayon. Kaso na-trauma na ata ako, kaya kahit gustuhin ko e pinipigilan ko yung sarili ko. Siguro magagawa ko nalang ulit na magseryoso at ibigay ng buo yung pagmamahal ko kapag nakita ko na yung lalaking hinahanap ko o makita ko man lang sa lalaki yung mga bagay na makakaconvince sa akin na bumalik ulit sa pagmamahal ng buo.

    Ngayon, magmamahal ako ng kaunti.. maaaring 1/4 lang unlike dati na halos lahat at wala na akong natitira na para sa sarili ko. Ayoko ng ibalik yung dating "Princess" na todo bigay magmahal. Kasi yung Princess na yun, walang ibang ginawa kundi umiyak dahil sa sakit, though na wise siya at hindi madaling mautakan ng mga boys pero still.. May nagawa siyang katangahan..!!

    -Princess-

    Wednesday, April 1, 2009

    COLLEGE??

    I feel so much excitement this coming june. You know what, because this june, I am now in a 3rd part of education. Well, I was supposing to work while working but My auntie said. It Can't! All i need to do is focusing. Maintain my grades and control myself. I mean to say, I have to control myself to be committed. Because, sometimes my love relationship was detroying my study and also the trust of many people around me.

    I am now facing a serious part of life. It's really serious, I know. Kaya nga discard all suitors. And I'll make sure, I'll make to achieve my dreams. Even without a boy in my life that could inspiring me. Oh come on, I can do it without them.

    My inspiration are my Family, Friends and Myself!

    Haii, In fact.. I'm falling in love with someone. And I'm still confused! aw

    -Princess-

    Tuesday, March 31, 2009

    GRADUATION BATCH 2008-2009

    "49th Commencement Exercises batch 08-09"
    Theme: "My Education; My contribution to the future"

    Mahigit kumulang 690 students ang nakapagtapos sa taong ito sa Mataas na Paaralang ng Ignacio Villamor. At masasabi kong isa ako sa mga nagtapos ng araw na ito. Naging mainit at naging madrama ang mga naganap matapos maibigay sa mga magsisipagtapos ang kani-kanilang mga certificates. At mas lalo napaluha ang mga nasabing studyante ng matapos na ang seremonya at malaya na silang nagsisipagbatian sa mga kaibigan, guro, kapwa magsisipagtapos at mga magulang na siyang dumalo sa seremonyang iyon.

    Napakasaya talaga maging isang Studyante. Halo-halong emosyon ang makikita mo sa mga mukha ng bawat studyanteng nagsipagtapos.

    EMOSYON, ma-emosyon talaga ang araw na ito. Dahil sa apat na taong nagkasama sa isang pader, sa pangalawang tahanan. Sa lungkot at saya, sa hirap at ginhawa, sa pagtutulungan kasama ng mga taong naging parte ng buhay ng bawat isa.

    Ang paglisan na sa mahabang panahon. Ngunit hindi ibig sabihin ay ang tuldok sa sinimulan. Dadalhin natin habang buhay ang mga ligayang ating natamo sa loob ng mga pader ng ating Paaralang iiwanan. Ika nga sa graduation song namin "Within this Walls"
    ***
    Hindi ko makakalimutan lahat. Lahat ng mga memories at lahat ng mga taong naging parte ng buhay ko sa apat na taon.

    With love,

    -Princess-

    PANLALAIT SA ATING BANSANG PILIPINAS!!!

    "Chip Tsao"

    "Ang Pilipinas ay ang bansa ng mga alipin"

    May isang kolumnista tsinoy mula sa bansang Hongkong ang nanlait ang umalispusta sa kultura at minamahal nating Inang bayan. Sa paano ba masasabi na ang ating bansa ay ang totoo ngang bansa ng mga alipin kamo?? Isang malaking pang-iinsulto para sa mga Pilipino ang isinulat na artikulo ng isang kolumnista. Pang-iinsulto sa lahat ng Pinoy na nasa iba pang panig ng bansa.

    Marapat ba ang kanyang ginawa? Ang humusga ng isang bansang hindi naman niya lubusang kilala? Oh, Kung tayo ngang mga Pilipino e hindi natin magawang humusga ng negatibo sa mga karatig-bansa o sa kung saan man bansa sa panig ng mundo. Dahil kalabisan ito, alam natin. Ngunit sila ba alam ba nila ang kalabisang kanilang ginawa? Marahil hindi!

    Malaking epekto ang maaaring maidulot ng panlalait na ginawa ni Columnist Chip Tsao. Ang mga sektor ng Pilipinas ay hindi na rin napigilan ang mag-umapaw sa galit o sa inis dahil sa maling paratang o pang-aalipusta sa pangalan ng ating bansa.

    At isa pa dito ay ang export at import na kalakalan. Narinig kong bubuwagin na ang mga produkto na manggagaling sa Hongkong. O ang tinatawag na boycott!

    Hindi naman kasi makatwiran ang salitang kanyang binatawan. Dahil isa itong kasiraan sa lahat!

    -Princess-

    Saturday, March 28, 2009

    "Mischievous Princess" (My most favorite)


    "Mischievous Princess"

    Di ko alam kung paano ako magpapaalam sa pinakapaborito kong asianovela ng bansa. Ang Mischievous Princess. Noong una ko pa lang mapanood yung trailer nito. Naisip ko na abangan ito. At sa unang araw ng koreanovelang ito e napahanga na ako, sa cast, sa songs at sa istorya na alam kong maganda dahil sa kakaibang kasuotan at attributes ng mga karakter. Hindi lang naman doon, nahihimigan ko talaga ang kagandahan na akin pang masusubaybayan. Hindi nga ako nagkamali dahil lubhang maganda nga ito. At hindi ako nagpapahuli sa bawat episodes na darating pa.

    Minahal ko na ang nobelang ito. Minamahal ko na rin ang mga karakter na siyang nagbibigay kulay sa palabas na aking pinagkakaabangan araw-araw. Hindi ko mawari ang aking sarili, dahil kahapon ay ang wakas ng nobelang ito. At ang nasa isip ko ngayon e sa darating na lunes, wala na akong aabangan na tulad nito. Tulad nga ng sabi ko minahal ko ang palabas na ito. Pakiramdam ko e hindi ko magawang magmove-on sa pagtatapos ng paborito ko. Pero ano pa nga bang magagawa ko?

    Basta ang masasabi ko lang. The best! Kahit ulit-ulitin ko pa hindi ata ako magsasawang panoorin ito. Dahil binigyan nila ako ng ngiti sa labi sa araw-araw. At ang mga cast, Sobrang magagaling.. Si Jing-er o little lobster (Jang Nara), Si Imperor Zhun Yun (Alex Su), Bai Yun Fei (Lu Xing), Annin (Bao Lei),
    Meyer (Florence Tan) at marami pang iba. Talagang bumagay sa kanila ang kani-kanilang mga karakter na ginagampanan. Kaya nga ba't talagang patok sa takilya itong Mischievous Princess.

    Alam kong need ko ng magmove-on dahil hindi ko na ito mapapanood. Pero hindi ito mawawala sa puso ko. Kulet, bibili na lang ako ng CD nito para kahit na anong oras, panahon at araw e maaari ko itong mapanood.

    Maraming salamat sa bumubuo ng Mischievous Princess ..!!

    -Princess-


    Tuesday, March 24, 2009

    My Prince (Ang aking Prinsipe)

    I am not sure kung in-love ako o hindi. I am not sure kung totoo ba yung mga pinapakita niya sa akin. Ayokong pangunahan lahat kung alam kong hindi pa sigurado. Dahil sa isip ko, alam kong malabo lang mangyari yun pero bakit?? Bakit niya ako tinatrato ng ganito? Bakit niya sa akin pinaparamdam yung mga bagay na sa isang taong 'mahal mo o gusto mo' lang iyon na dapat gawin.
    ***
    naikwento ko na dito last time yung guy na tinutukoy ko dito. The guy who i mentioned this last 2nd week of march. "my crush". He is Taro George Takasaki.

    Hindi ako umaasa na pareho kami ng nararamdaman. Dahil ang isang tulad niya ay tila malabong ma-inlove sa isang tulad ko. He is not intelligent like others, but he still try to make his study well. Gwapo, matangkad, maputi, his face is like a perfect figure of face who painted by the professional painter. At bukod doon maraming babae sa school or out of school ang nahuhumaling sa kanya.

    I will not compare myself to his girlfriend and to his past girlfriends. Even i know, na kaya kong makipagsabayan o alam kong kapantay ko sila o higit man. Pero isipin na lang na minahal sila ng lalaking gusto ko. Well, that's life! Hindi lahat ng maganda, maganda sa paningin ng lahat ng tao.

    Pero kanina, sobra na. Sobra na siyang gumugulo sa isip ko. Sa simula ng rehearsal hanggang sa matapos. Pagod na pagod na ako that time, dahil sa paulit-ulit na ginagawa namin. But he makes me feel fresh and Good. Moody na kasi ako nun, pero nawala yung topak ko dahil sa kanya. Habang nasa hagdan kami, waiting for the other students to go up. naka-line ko siya sa pila and he told me something na nakapagpakilig sa akin. Sabi niya "Princess, ako ang prince mo ah" at lagi niya sa akin sinasabi yun. Ngingitian niya ako ng pagkatamis-tamis. Then sometimes, didilaan niya ako (Some like, pang-aasar) Tas ngingiti na naman may kasama pang kindat.

    Natutunaw ako kapag ginagawa niya yun. And the last time, sa pilahan ulet. He called my name then i smiled at him. Sabi ko ' ikaw yung prinsipe ko' (and he smiled and nodded) tas ngumiti siya at tumango. I wondered, napapagaang niya yung loob ko. Masaya ako na nakikita ko siya lagi.

    Alam kong may limitasyon akong dapat sundin. Hindi ko naman nakakalimutan yung mga reminders sa akin. Hanggang ganun lang naman ako sa ngayon. Hanggang crush lang muna ako at hindi pa pwede magboyfriend.

    Malapit na kaming magtapos. Maikli na rin yung panahon na magkikita kami. Iibigin ko nalang siya ng hindi niya nalalaman.

    -Princess-

    Until to the Actual Ceremony

    Ahm, we have a whole day rehearsal for preparing the graduation day until to the actual ceremony. Halos lahat kami e walang pahinga at pagod, sabayan pa ng init ng panahon. Imagine we have to start 7am-5pm. Lantang gulay na nga ata kaming umuuwi sa kanya-kanya naming mga bahay. Sabi nga nila, konting tiis nalang. At ika nga, paghihirapan mo muna lahat bago mo makamit yung diplomang hinahangad mo.

    Di pala talaga madali ang mga pagdadaanan bago mo marating ang rurok ng tagumpay. Nakakatuwa lang isipin na sa apat na taon naming pagsisikap at pagtitiis. It's now a time to leave our memories and all of the sacrifices and pains.

    Mahirap din iwanan ang isang maligayang samahan na binuo ng panahon at pagkakataon. Na naging daan sa atin upang ipakilala ang totoong katangian ng isang tunay na kaibigan at mag-aaral. Sadyang darating ang panahon na kailangan na natin lisanin ang isang tahanan na naging saksi sa ating pagdadalaga at pagbibinata.

    At sa araw o huling araw ng ating pagtitipon-tipon upang sa atin ay ibigay ang sukli sa ating pinaghirapan. Maaaring iyon na rin ang huling araw na tayo ay magkakasama-sama.

    Ngunit ang isang katulad nitong yaman ng buhay natin ay mananatiling ala-ala sa buhay ng bawat isa.

    Happy graduation to all of seniors :)

    -Princess-

    Monday, March 23, 2009

    I finally move-on :)

    Ganyan nga Princess, move-on. Dahil iyan naman talaga ang nararapat. Ang kalimutan at tuluyang hilumin ang sugat.
    ***
    Well, akala ko noon hindi ko magagawang mag-move-on dahil nga naman sa hinaba-haba ng panahon na patuloy kong tina-trap yung sarili ko maski ang puso ko sa isang bagay na hindi na magiging akin muli kailanman. Madali lang pala tuldukan ang isang bagay at ako lang naman kasi ang nagpapahirap sa isang madali. Siya nga naman.

    Napakasarap sa pakiramdam ang kumilos ng walang anumang alinlangan. Kaysarap huminga tulad ng isang malaya. At lalo ng kaysarap damhin ang kalayaan lalo na't nakalabas kana sa madalim na nakaraan.

    Iyan na nga ang sinasabi ko, Para akong nakalabas sa isang dark forest. Pero matagal na pala akong nakalabas. At akala ko naka-trap pa rin ako sa loob. Ang lagay e nakapikit ako kaya inakala ko na hindi pa ako nakakalabas. Nagkamali ako sa isiping iyon. Hindi ko lang siya naisip, maging sa salita. Naging pagkakamali ko ang laging sabihin na 'di pa ako move-on' kaya napapanindigan ko tuloy yung salitang iyon. Pero ang totoo, move-on na pala ako noon pa.

    And i decided to stay what i'm status now. And my life still work and run without boys in my world.

    -Princess-

    Friday, March 20, 2009

    My Last Dance :)

    Natapos na rin yung "Junior and Senior Promenade" at halos lahat ay naging masaya sa naganap na selebrasyon. Tunay ngang masaya para amin ang kaganapang iyon. Ngunit hindi ko masabi kung totoo nga bang nakamit ko ang rurok ng kaligayahan? Sa palagay ko hindi. Sapagkat yung nag-iisang lalaki na inaasahan kong magtatapos ng gabi kong ito e tila nawalang parang bula.

    Halos tila nawala sa katinuan ang isip ko nun, wala akong ibang ginawa kundi hagilapin siya ng mga mata ko. Ngunit sadyang hindi ko na talaga siya nakita pa. Naramdaman kong hindi na matutupad yung dinidikta ng puso't isip ko para sa gabing ito. Kaya kahit mahirap ay itinuon ko na lamang ang aking sarili sa mga taong nasa paligid ko.

    Isinasayaw ako ng mga kalalakihang malapit naman sa akin. At ang una kong nakasayaw e yung bespren niya pa. Kulet. Naging paksa namin siya ng mga sandaling magsayaw kami ng kaibigan niya. Nakita niya ang naganap na pagsasayaw namin at bigla nalang siya nawala nung matapos na kami.

    Naging masaya rin naman ako pero kung may masisiguro ako na mas masaya sa gabing ito e siguro si Erika na yun. Dahil ang bespren kong iyan e naisayaw at nagka-ayos na sila ng lalaking sobra niyang minamahal. At ako ang naging daan para mangyari iyon. Sabi ko sa bespren ko "Mahal na mahal kita, kaya ko ginawa ito".. At nagpasalamat siya sa akin.

    Masaya na rin ako dahil naging masaya yung kaibigan ko. Wala rin naman siyang hangad kundi yung mapaligaya ako. Kaya siguro mahal na mahal namin yung isa't-isa.

    And the guy who was my last dance is my crush. His name is Romeo. Dami namin napag-usapan at siyempre kinilig ako doon. Now, masasabi kong masaya ako kahit na hindi nangyari yung gusto kong mangyari.

    -Princess-

    Kaligayahan ko O kaligayahan nila??

    Well, kahit na nga ba gusto ko bumalik o gusto ko ng mga bagay na liligaya ako pero isipin ko pa lang...malabo naman! Like doon sa past ko na ni-let go tas parang gusto kong balikan ulet dahil alam kong magiging maligaya ulet ako. But there are some buggings in my mind.

    At napag-isipan kong unahin nalang muna yung kaligayahan ng pamilya ko kaysa sa kaligayahan ko. Dahil alam kong darating din yung panahon na uunahin ko naman yung kaligayahan ko.

    Ayoko na kasi silang biguin pa!

    -Princess-