Saturday, February 28, 2009

"Hey Monday"

"Hey Monday"


Well, ito pala yung bandang "Hey Monday" sabi nga nila. Na-curious lang ako kasi kapareho ko ng buhok yung lead vocalist ata nilang si Cassadee (the girl in the middle) well, pareho lang kami sa bangs.

Napakinggan ko na rin yung kanta nilang "home coming". It's a rock music obviously. Pero hndi porke rock e pangit na sa tenga. Well, maganda nga talaga! Sarap pakinggan. Ehehe pati nga ata ako eh na-oobsses na pakinggan yung mga bandang katulad nito. At marami pang iba like "Paramore, Secondhand serenade, Typecast, Red chilli hot pepper and vertical horizon"

Try niyong makinig ng kahit isa sa kanta ng mga bandang ito. Well, you'll see. Magugustuhan niyo rin like me na ang hilig e love songs!

yun lang!

-Princess-


"PEACE OF MIND" Please!

Ayoko muna ng gulo sa isip ko,
gusto kong mapag-isa..
malayo sa problema"
gusto kong mag-isip..
hindi ng mga bagay na hindi mahalaga..
gusto kong magdesisyon,
pero maraming humahadlang"
pano ko gagawin ito??
kung may mga taong nandito sa tabi ko"
hindi para guluhin ako,
kundi para ipadama sakin ang halaga ko..
hindi ko sila magawang itaboy
kahit na gusto ko..
gusto ko, dahil kailangan!!
hihintayin ko nalang ba ang panahon ang magdesisyon??
nahihirapan na ako..
dahil ang nais ko ngayon ay katahimikan..!!

-Princess-

Game show ng bayan??

Nakanood ako kahapon ng isang game show. (hindi ko sasabihin yung channel). Well, nakaka-engganyo nga talaga itong panoorin pero nakakadismaya at nakakabanas din pala. Sa una talaga nasiyahan ako… maganda ang takbo ng laro at yung manlalaro sa game show na iyon ay tila may bitbit na swerte ika nga rin ng isang host ng show na iyon. Pero ang dayaang nangyayari ay ako mismo ang nakapansin. Well, ako lang naman kasi yung nanonood sa bahay nung time na yun ehehe! Pero hindi ko malaman kung bakit hindi napansin ng teacher pa mismo ang cash na naiipon niya. Hindi niya ba napansin na mali ang kwenta ng isang host?? O sadyang nadala lang siya sa katuwa dahil swerte nga naman siya nung araw na iyon.

Haii, hindi na talaga ako maniniwala sa show na iyon kahit kailan. Ang dami na nitong kasong pandaraya pero hindi ko ba maintindihan kung bakit hanggang ngayon eh buhay na buhay pa rin ito sa larangan ng telebisyon. Well,

Ganito kasi yun, yung teacher na player ng game show na iyon ay may cash ng P160.000 (dahil sa mga kahon ng letrang nakukuha niya na halos lahat ay puro papremyo ang laman) pero nung makuha na nung contestant yung isang bonggang bonggang papremyo na jeep eh biglang kiniwenta ng isang magandang host yung na-earn na niyang cash. Take note, like what I said before. P160.000 na ang pera nung player at kita yun sa screen ng mga T.V pero ang kwenta ng host eh mali. Nabawasan ng P50.000 yung pera nung contestant. At ang sabi e P110.000 (daw) ang pera naipon nung player. Nasaan na yung P50.000 na nabawas sa pera?? Ganun ba talaga yun?? Ewan ko ba kung bakit hindi napansin nung player iyon naturingan pa naman siyang teacher.

Naisip kong baka sa sobrang katuwaan at hindi na niya namamalayan na nabawasan na o sadyang binawasan na yung pera maiuuwi niya. Tinuloy pa rin naman yung laro dahil hindi pa naman nakakakuha ng “X” yung contestant. Hanggang sa napagdesisyunan na ng player na mag-go home na” ehehe!

Well, ako lang ba nakapansin nun??
Sa susunod na manonood ulet ako nun, titingnan ko ulet kung ganun na naman ang palakad nila.


-Princess-

"Closer you and I" at "Tayong dalawa"

Nakakatuwa yung bagong commercial nina Gerald Anderson at Kim Chui, yung close up! Nung una patikim lang pala iyon. At nung monday napanood ko yung full version talaga ng commercial nila. Sobrang dami pala humarang bago sila nagtagpo.

Kinilig nga ako e.. pati rin duon sa bandang "spongecola" na ang lead vocalist ay si Yael. Medyo mahaba ang spending time pero sulit naman para sa mga manonood ehehe.. biruin mo para na silang nanood ng "tayong dalawa".

Speaking of "tayong dalawa". Sobrang inaabangan ko talaga ito dahil habang tumatagal lalong gumaganda yung takbo ng istorya. Ang galing talagang umarte ni Gerald Anderson. (Ngayon niya lang ako napahanga ng ganito unlike duon sa iba nilang teleserye with Kim Chui, pero the best ang "Sana'y maulit muli" ehehe


-Princess-

..Natapos din..

well, natapos ko na rin yung paglipat-lipat ng mga pinost ko dun sa blog ko sa fs. Nakakapagod ah, napuyat talaga ako dito. Now, magsisimula na ako sa mga latest kong posting... grabe talaga! ang daming hindi ko na inilipat, hindi na rin naman mahahalaga yung mga iyon. (Para sa mga nakaraan ko lang yun, nakakasawa!)

Haii,


-Princess-

Akala :(

Xiao Lei ..
***
Nung sabihin mong ayaw muna,
Mundo ko’y tila gumuho,
Kasabay ng walang tigil kong pagluha,
Dahil ako na naman ay nabigo,

Alam mong mahal kita, aking sinta
Pero bakit ganito at nasasaktan ako,
Talaga bang hindi tayo para sa isa’t isa,
Pero bakit akala ko mahal mo ako,

Kaysarap isipin na mahal agad kita,
Sa sandaling pinagtagpo ang ating mga puso,
Ngunit ang lahat ay hindi ko inakala,
Dahil ang buong alam ko ako’y mahal mo,

Iniwan mo ako na nag-iisa at lumuluha,
Ako’y hindi na nadala at natuto,
Inamin mo sakin ang iyong nadarama,
At napagalaman ko ang mahal mo pala’y hindi ako.


-Princess-
Feb. 26, 2009

BILIN NI INA

-I was inspiring to create a small story that related to the reality.

***

Ang pag-ibig daw ay sadyang dumarating sa buhay ng bawat tao. Walang pinipiling panahon at wala rin pinipiling edad. Dahil ito ay nagkakataon lamang. Sabi nga nila kapag umibig ka na minsan. Iibig ka na uli hanggang sa bawat pagdating at pag-alis na tinatawag na pagdaan at mauulit kahit hindi mo man pilitin o hindi mo man pigilin. Hanggang sa matagpuan mong siya ay para sayo talaga. Ayan ang ilan sa mga nalalaman ko. Sa isang tulad kong teenager pa lamang. Aaminin kong naranasan ko na rin ang umibig ngunit ang bilin sa akin ni Ina…hwag na muna akong umibig bagkus ay pagtuunan ko ng pansin ang aking pag-aaral. Noong una ay sinunod ko ang kanyang bilin ngunit nang sa unang pagkakataon ay narinig kong tumibok ang aking puso. Sa isang binatilyong para sa akin ay perpekto. Pareho kami ng eskwelahang pinapasukan kung kaya’t maraming pagkakataon ko siyang nasisilayan. At nagkalaunan ay napag-alaman kong ako’y kanya ding iniibig. Palihim niya akong niligawan hanggang ang bilin ni ina ay akin ng nalimot. Sapagkat ang puso ko ang aking sinunod.

Nakokonsensiya ako sa araw-araw na uuwi ako sa aming bahay galing sa eskwelahan. Dahil lingid sa kaalaman ng aking ina ang aking lihim. Pinagmamasdan ko ang aking ina na lagatak na ng pawis sa noo dahil sa dami ng kanyang labahin. Isa lamang labandera ang aking ina, nagsusumikap at nagpapakahirap para mapatapos lamang ako ng aking pag-aaral.

Ngunit ang pag-iibigan namin ng aking nobyo ay sadyang mapusok tila ayaw ng bumitaw. Palihim kaming nagtatagpo twing dapit-hapon sa isang kubo sa likod ng bahay ng pamilya nito. Hanggang ang aking kasalanan sa aking ina ay nagatungan pa… dahil hindi ko lang siya sinuway, hindi ko na rin siya inalala sa mga oras na ipinagkanulo ko ang aking pagkababae sa aking nobyo. Sabi niya nagmamahalan naman kami. Oo nga, nagmamahalan nga kami ngunit tama ba ito?

Muli kong naalala ang sabi ni ina. “Anak, wag ka munang umibig bagkus ay mag-aral kang mabuti. Ang edukasyon lamang ang tanging maipapamana ko saiyo. Hindi sana masayang ang hirap at pagsisikap ko para mapatapos ka sa iyong pag-aaral.”

Napahagulgol ako ng maalala ko yun. Tila nagsisisi ang sarili ko dahil mas inuna ko ang pintig ng puso ko. At hindi ko nabigyan ng importansiya ang bilin ni ina.

Dumaan ang dalawang buwan. Ang minsang pagniniig namin ng aking nobyo ay tila nagbunga kasabay niyon ang gumugulong takbo ng relasyon namin. Mahigit dalawang buwan na rin akong hindi dinadatnan ng buwanang daloy ko. At sa twing darating ang umaga, tila umiikot ang aking mundo at ang aking tiyan na ni wala pang laman ni kape ay tila naghihimutok naman. Ngunit ang idinuduwal ko lamang ay tanging likido lamang. Ako pala’y buntis. Hindi ito maaari? Hindi ako maaaring mabuntis ngunit paano na ito?

Sinubukan kong kausapin ng masinsinan ang ama ng aking dinadala ngunit hindi ko makita ang ligaya sa kanyang mukha bagkus ay pagkadisgusto. Lumuluha ako sa kanyang harapan. “Ipalaglag natin” Sabi niya. Nagulat ako sa kanyang winika at muling humagulgol. Hindi ko kayang kitilan ng buhay ang aking anak. Pinakiusapan ko siya na wag naming gawin iyon sa aming magiging anak ngunit tinalikuran niya lamang ako.

Hanggang sa hindi na muling nagpakita sa akin ang aking nobyo. Lumalaki na ang aking tyan at tila mahahalata na ang unti-unting pag-umbok nito. Natatakot ako sa maaaring mangyari dahil hindi na yata ako papanagutan ng ama ng sanggol sa aking sinapupunan. Paano na ang aking ina kapag nalaman niya ang nangyari sa akin? Hindi ko nais na masaktan at madismaya siya. Hinimas ko ang hindi pa maumbok na tiyan ko. Tila mauulit sa akin ang nangyari sa aking ina. Isinilang niya ako na wala sa tabi namin ang aking ama. Ngayon ko lang napagtanto na walang kwentang tao ang lalaking inibig ko. Wala siyang bayag kumbaga.

Naisip kong gusto kong magpakalayo ngunit paano si ina?

Tila gusto ko ng gawin yung suhestyon sa akin ng dati kong nobyo ngunit kasalanan naman iyon sa Diyos.

At nanaig sa akin ang huli kong naisip. Isipin mang masama nga iyon ngunit pagdudusahan ko na lamang din. Nagtangka akong magpakamatay para pareho kaming makitilan ng buhay ng aking anak ngunit……

Nakita ni ina ang aking binabalak. “Wag anak!” pigil ni ina.

“..Buntis ako ina, at hindi ako pinanagutan ng ama ng aking dinadala!” Humahagulgol ako at sabay nun ay ang pagtumba ko sa bangkuan na aking tinatapakan. Nakabigti ako sa kisame ng aming bahay. Hindi kinaya ni ina ang kanyang nasaksihan kaya pati ang aking ina ay inatake sa puso. Malabo na ang lahat ng pangyayari ng gabi iyon. At nagising na lamang ako na nasa isang pagamutan na ako. Una kong hinanap ang aking ina. Ang sabi ng nurse na umaasikaso sa akin ay nasa operating room daw ang aking ina. Malala daw ang naging epekto ng pangyayari sa kanya. Nagkaroon ng bara ang ugat sa puso ng aking ina. Isang kapit-bahay daw ang humingi ng tulong para dalhin kaming mag-ina sa malapit na pagamutan. Mabilis akong nakarecover at ang sanggol sa aking sinapupunan ay naging matatag sa pagkakakapit.

Nagsisisi ako sa aking ginawa dahil inilagay ko sa peligro ang dalawang buhay. Ang buhay ng aking anak at ng aking ina. Halos lahat ng simbahan ay akin ng pinagluhudan mabuhay lamang ang tanging yaman ko. Tila wala na akong mailuha ng mga sandali iyon. Naisip kong nauubos din pala ang luha.

Dininggin naman ng panginoon ang aking mga dalangin. Nabigyan ng pangalawang pagkakataon ang aking ina na mabuhay muli. At ako ang una niyang nasilayan sa kanyang paggising. Niyakap ko siya ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Inakala kong may poot sa akin ang ina. Ngunit nagkamali ako… hinimas niya ang maliit na umbok ng aking tiyan. “Ayan ang sabi ko saiyo anak. Wag ka munang umibig pero hindi mo ako sinunod.” halata ang panghihina sa tinig ni ina.

Puro paghingi ng tawad ang ginawa ko. Hindi ko halos masilayan si ina dahil sa walang tigil na pag-agos ng aking luha.

“Itataguyod natin siya, Anak… Hindi ka pababayaan ni Ina...” Sabi ng mahal kong ina.

Napahagulgol ako sa katuwaan dahil ang Ina ko pa rin pala ang kakampi ko sa huli. Sayang nga lang at hindi ako nakinig sa bilin ni ina.

***

-Princess-

MAHAL

Umiibig ako,
Dahil tao din ako
May pusong mamon,
Ngunit umiibig lamang sa isang tao…
Iniibig niya ako…
Iniibig ako ng taong hindi ko kayang ibigin,
Sapagkat ang puso ko ay tila naiwang nakabaon,
Sa hukay na pinaglibingan ko ng lahat!
Nang lahat ng nararamdaman ko
para sa aking totoong minamahal…
Ang puso ko ay puno ng kalungkutan,
Dahil sa pagkawala ng isang taong
Siyang dahilan kung bakit ito tumitibok…
Ngayon ang pagtibok nito ay hindi dahil
Nagmamahal uli ako…
Ito ay kundi dahil kailangan kong mabuhay
Para hintayin ang pagbabalik ng aking
MAHAL..!!
***

-wala akong magawa kahapon, kaya nag-emote nalang ako at siya nga... nakalikha naman ako ng isang poem na hango sa tunay kong nararamdaman...!!


-Princess-
02-23-09

"The Light of my eyes"

napa-emote na naman ako ulet..Ahaha! at this time, tungkol ito sa past at present ko. Ang dilim na nagbigay sakin ng labis na kalungkutan. Well, hindi pa ako satisfied diyan sa gawa kong iyan..! -Princess-

***

There is a little light in the dark,
And it shine brought me there,
But the light was gone,
And there’s no anything that I could touch,
I thought I am like a blind,
Blind to see what’s the important of light?
Like you, you are the light of my eyes,
But now, I couldn’t see you in the dark,
Because I know I am a worthless,
Worthless for you, my dear!
You left me in the darkness,
Though, you really know that I’m scared.
But you still try to leave me.
Even I was trying to be strong.
But inside of me,
My heart was quietly crying.
Now, it’s my turn…
Turn to stand on my own,
Because there is a light again,
Light that can bring me in out of darkness.

Dalawang pusong muling nagtagpo

Ahm, ito sana yung output # 3 ko para sa Filipino. Pero sobrang haba.. pinaghirapan ko pa naman yang gawin. At medyo na-enjoy ako sa paggawa kaya ayun.. napahaba tuloy yung istorya. Pero ayus lang. Ayoko ng i-cut. Sana magustuhan niyo yung ginawa kong maikling kwento ng dalawang pusong muling nagtagpo!!

***

Hindi mabura sa mga labi ni Mella ang ngiting nakalatay dito. Dahil ang pagsapit ng araw na iyon ay ang kanyang pinakahihintay. Ang araw na matagal na niyang inaasam. Napahagikgik siya ng maalala niya ang nangyari sa kanya nang nagdaang gabi. Hindi niya halos maipikit ang kanyang mga mata dahil sa kasabikan sa kanyang nalalapit na kasal. At ngayon ay sumapit na ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib ng kanyang nobyong si Miguel. Buo ang tensiyon at kasabikan na bumabalot sa kanyang buong pagkatao. At halos lahat ng tao na nasa paligid niya ay masaya para sa kanya. Para sa kanilang dalawa ng kanyang mapapangasawa.

Sa kalagitnaan ng biyahe, Hindi niya alintana ang gulo sa simbahang paggaganapan ng kanilang pag-iisang dibdib. Lahat ng taong nanduduon ay hindi rin mawari sapagkat ang groom sa kasalang iyon ay wala pa rin hanggang sa mga oras na iyon.

Nagsitahimikan ang mga taong nandoon ng dumating na ang magarang sasakyan na kanyang kinalululan. Ngunit ng mga sandaling iyon ay hindi pa rin niya nahihimigan ang problema sa labas ng kanyang sasakyang sinasakyan.

Ilang oras na ang nagdaan at siya na mismo ang nakapansin dahil sa kanyang pagkainip. Umimbis siya sa kanyang sasakyan at tumungo sa kanyang ama’t ina. Maluha-luha ang kanyang ina habang inihahayag sa kanya ang hindi pagsipot ng kanyang nobyo sa kasalang iyon. At ang kanyang ama ay hindi maipinta ang mukha dahil sa sobrang pagkagalit. Hanggang sa ianunsiyo na ng pari na hindi na matutuloy ang kasalang iyon. Hindi nakawala sa kanyang dalawang tainga ang ugong ugong ng mga taong sana ay sasaksi sa kanilang pag-iisang dibdib.

Tuluyan na siyang napahagulgol ng maramdaman niya ang matinding sakit na umusbong mula sa kaibuturan ng kanyang dibdib. At kasabay nun ay ang pagkawala niya ng malay.

Nagising siya sa kanyang silid. Hindi na niya suot ang kanyang damit pangkasal. At ng maalala niya ang kahayupang ginawa sa kanya ng kanyang nobyo ay muli gumising ang galit sa kanyang puso. Nagwala siya ng mga oras na iyon. Inihahagis niya lahat ng mga bagay na nasa loob ng kanyang silid. At ang huli ay ang litrato nila ng nobyo na naka-frame sa ibabaw ng kanyang lamesita.

Nataranta ang kanyang mga magulang. Mahigpit siya nito niyakap at nakikipagluksa sa kanyang pagdadalamhati. “Sinaktan niya ako, niloko niya ako.. Hndi niya ako mahal!” paghagulgol niya at yan ang mga katagang itinatak niya sa kanyang isip.

Makalipas ang limang taon…

Tahimik na angbuhay ni Mella at tila tuluyan na niyang nalimot ang trahedya sa kanyang buhay. Isa siyang flight attendant sa NAIA. Ito rin ang naging tulong sa kanya upang kalimutan ang mga hindi magandang nangyari sa kanyang nakaraan.

Ngunit ang mundo pala talaga ay sadyang maliit. Dahil muli na naman silang nagharap ni Miguel. Sa paraang hindi niya inaasahan. Nagkabanggaan sila at ng pareho silang natumbay. Nakadagan sa kanyang ibabaw ang dating nobyo. Tila kuryente ang pagkakadikit ng kanilang mga katawan ngunit pagkagalit ang kasunod ng sensyasyon na iyon.

Nagmamadali siyang tumayo at mabilis na tinungo ang kanilang opisina. “Mella!”

Tawag nito sa kanyang pangalan ngunit hindi siya nag-abalang lingunin man lamang ito.

At ang luha sa kanyang mga mata ay mabilis na umagos. Hindi niya alam kung para saan ang pag-iyak niyang iyon.

Sa mga sumunod na araw ay lagi na niyang nakikita ang binata sa estasyon nilang iyon. Marahil ay siya ang minamatyagan nito. Ngunit wala siyang balak na makipagkita dito o kausapin man lang ito. Matapos siya nito indyanin sa kasal nila.

Ngunit sadyang matibay at makulit ang binata. Lahat ng kasamahan niya sa trabaho ay kinuntsaba nito para magkausap sila ng sarilihan. At nagwagi nga ito. Hindi lamang mag-asawang sampal ang ipinaubaya niya dito. Ibinuhos niya ang lahat galit niya hanggang sa maramdaman niya ang mapagod. Ang tahimik na paghagulgol na lamang ang kanyang tanging nagawa. Lumipad pala ito patungo sa ibang bansa dahil sasailalim ito sa isang operasyon. Lahat ng paliwanag ay ginawa na ni Miguel. Ngunit ang makumbinsi siya ay hindi niya magawa. Sobrang naging mabaon sa kanya ang poot. At napag-alamanan niya sa pagdaan ng araw na patuloy pa rin pala siyang umiibig sa dati niyang nobyo.

Ngunit ang panahon ng pagpapatawad ay hindi niya hawak hanggang sa naramdamn niyang pinapatawad na pala niya ito. Muli silang nagsimula ng panibagong relasyon. Nangakong magmamahal sa hirap at ginhawa. At ang kasalang naudlot noon ay sigurado ng matutuloy ngayon.


-Princess-

Mission Accomplish

For a lot of projects that was assign to me. I have three projects were done. But honestly, those are really not easy. Ito yung masasabi kong challenging. Hindi ako ba-back out because those are part of my requirements not only for all of my teachers but this is also to my Titz. I’m glad to be it done. Hindi madali ang tumayong leader at umasikaso ng projects na para sa lahat. Ginagawa ko ito not only for myself. It’s really for us. Ngayon ko binubuhos yung lahat ng efforts ko. Para wala akong tao na ma-disappoint…again” I’m also feel glad for myself. Lagi na kasi nakatatak sa isip ko yung sinabi ni tita. “Tama bang gawin ko ito? Magagalit kaya si tita kapag ginawa ko yun? Matutuwa kaya si tita kapag ginawa ko ito?” lahat yan, sa bawat hakbang na gagawin ko. Iyan yung una kong iniisip. Now, I have three more projects. Hindi ko pa tapos pero malapit na. Tomorrow I will submit my research in social and scientific calculator for mathematics. And by Monday, for the last project that required to me. I’ll make sure matatapos ko na yun..


-Princes-
Feb. 12, 2009

"Ikaw pa rin"

Medyo na-emote kasi ako habang nagbabasa ng mga bulletins kaya naisip kong gawin ito.. hindi ko nga masyadong napag-isipan kaya medyo pangit yung mga salita ko diyan.. Wala lang akong magawa, may naiisip kasi akong tao habang ginagawa ko ito.. but i know he won't spend his time to think of me.

***

Dito ka lang sa tabi ko,
wag ka ng aalis..
dahil kapag umalis ka..
maglalaho na ako,
mangako ka..
hindi mo ako iiwan,
ngunit hanggang saan ba talaga ito?
nagsumpaan tayo,
saksi ang mga bituin sa langit,,
nang gabing iyon sa iyong dibdib ako ay nakahilig..
yakap mo ako ng bigkasin mo na "mahal mo ako"
ngunit tila madamot sa atin ang tadhana,
ang pangako mo ay napako
kasabay ng paglaho ko
ngunit hindi nang nararamdaman ko"
at kahit sa pagdaan ng panahon..
itong puso..
sayo pa rin pala ang tibok!

"Bullsh!t section"

Kahapon nagkaroon ng discussion between the two teachers. The one is our subject teacher in mapeh Mr. Conception and the next one is our student teacher in social studies Mr. Pinpin. Naharap yung kaso sa curriculum chairwoman ng fourth year. And our section is concerned on that. Hindi sana lalaki yung problema kung wala NANGSIPSIP O SUMIPSIP LALO NA ANG NANGCHISMIS: hindi ko nga ba malaman kung bakit kinakailangan kumapit sa mga teachers para lang maitaas ang sarili. Not in a way na masasabi mong pinaghirapan mo. I won’t mention their names.

Hindi na ako nagulat sa mga Gawain nilang ganun because since first day of classes ganun na sila. I do not know kung sakit na ba nila yung ganun o talaga kailangan nilang gawin yun dahil wala sila nito “UTAK”.

kahapon at ngayon nagsimula yung typhoon sa amin. At kaming mga inosente ay nasalanta. You know why?? Kasi nabuko na, lahat ng hindi naman dapat lumalabas. Lumabas na like the issue between the two teachers. And about the cheering competition na hindi naman related sa issue lumabas din mismo sa bibig ni Mr. Pinpin dahil sa ka-chismosahan kung sino man yun na nagchismis sa ST namin. Na siyang lalong ikinagalit ni Mr. Conception. Hindi ko malaman kung sino ba ang pinapanigan nila. At mukhang malinaw na sa akin kung sino nga. According to Mr. Conception “kung magsisipsip lang din daw ang isang estudyante sa TEACHER na wag STUDENT TEACHER lang.” And I agree with him. May punto ang professor namin. Pero hindi na nila malilinis yung mga kasalanan nila. I was damned that time. Kasi alam kong damay ako sa galit ni sir because I belong in that bullshit section. Ang section na punong puno ng CHISMOSA, SIPSIP-ERA, PLASTIK AT INGGETERA.

And yesterday was the day of my chance. Kinausap kami ni Mr. Conception after nilang mag-usap sa room ni Ms. Emperial. Patikim lang naman yung ginawa ko. Paunti-unti ko silang binubuko. Hanggang sa nahiya na sila sakin at sila na ang nagkusa na umamin sa harap mismo ni Mr. Conception. Natutuwa ang kalooban ko ng mga sandali iyon. Hindi pa ako nakakaganti ng lubusan dahil sa mga markang ninakaw nila na para sana sa aming mga estudyanteng nag-aaral naman talaga. Hindi ko sila kinaiinggitan dahil alam kong mas higit ako sa kanila. I felt so much pity for them. Dahil fourth year na sila pero anong ginawa nila. They were moving behind Mr. Conception. Mga plastic sila kumbaga. Actually, may alas ako na hawak. Ma-wrong move lang sila. And I will reveal it as soon as possible.

And now, nanahihimigan ko na ang suliranin na kakaharapin dapat nila pero naming lahat. Dahil sa KA-SIPSIP-AN ng mga pesteng estudyanteng katulad nila. Baka ma-hold kami o ang section namin. Mr. Conception told us that Ms. Emperial was planning to consult us. Sana naman hindi kami ma-expel.


-Princess-

Feb. 07, 2009

"My new Life"

Now, I’m wake up with a very wonderful smile in my lips. Thought that was because of my new life. I never thought to have someone like him. Because I know I’m not enough to be with him. I’m not perfect like anyone else. I’m not much prettier. But I can do anything to make him happy and satisfy. Sometimes, I can’t stop myself for thinking about my last love. There are a lot of memories that I can recalls. With the thought, that the man was still have a space here. But it’s only a little bit space. I know myself I will not turning back. Unlike my new life he occupied a big space. I’m happy just to have someone like “Floyde” in my life. He was enough for me.

With love,

-Princess-
Feb. 02, 2009

"My past written"

Naisip kong mangalikot ng notebook ko, wala kasing magawa.. kaya naghanap ako ng magagawa ko. Then i saw my past written. Nakalagay siya sa may bandang likurang page ng notebook ko. And according sa date na nakasulat duon. That was a time that i am so deeply in love with Carlo. And i'm still trapped to his memories. And i was recognized this letter how very much i hurt when he left me.

***

(This is the letter)

Nung binitawan mo ang isang bagay na sobrang nagpahalaga at nagmahal sayo,
Wag kang mag-expect na hindi siya mapupunta sa iba..
Dahil ang pagbitaw mo ay siyang kasiyahan
Sa mga taong nag-aabang..
Iniwan mo siya ng ganun-ganun na lang,
ngunit hindi mo alam..
Na sa isang taong nang-iwan sa kanya..
Ay mayroon pang daan-daang tao na naghahangad na mapansin niya.


I sighed..
(speechless ako, hindi ko alam yung gustong sabihin ng puso ko)

-Princess-

JAn. 30, 2009

"Simplest Adventure"

Today is the one of my adventure day. Daming masasayang nangyari at syempre kasama ko yung bestfriend ko at yung friend namin.

We were planning to submit our requirements for taking an entrance exam. Kakatuwa lang kasi mabilis lang yung proseso. Kaso ayoko nman talaga sa CCM. Si papa nga nahihirapan na mapilit ako na pumasok sa university na yun but only Erika were convincing me to try. (Hehehe, bestfriend ko kasi na di sanay na mapag-isa). And after that, we decided to go out and went to Robinson Manila. Gutom na kasi nun eh, Pero hindi enough yung perang dala ko kasi ngpagawa pa ako ng picture ID. We have lunch in “Jobee” (Our favorite fast food) At nilibre po nila ako.

Then nglakad-lakad pa kami after naming kumain. Habang papunta kami sa G-box nagtingin-tingin kami ng mga cards for the valentines day. There are a lot of cards that I want to buy. (I thought I would back and buy it). While were still busy for looking some other cards there. I have something to hear. It was so familiar to me. And I focused myself in that song. Until I guess of what it was. It’s was an instrumental music using by piano. And that music was “Forevermore” by Side A. Kinilig ako sobra, na parang gusto ko ng umalis sa stante nung mga cards para pumunta kung saan man pine-perform yung forevermore. (Theme song naming ni Bebe at ni Jessie…… dati.) nagpaalam ako kay Erika at pumunta nga ako sa lalaking ngpi-piano. I was standing at his side. Hanggang sa matapos na yung kanta. Then ni-request ko naman yung “the gift” habang tinutugtog niya sinabayan ko naman ng kanta. After that song ngtugtog ulet siya at sabi niya kantahin ko daw. Yung song is “Destiny”. Natuwa sakin yung pianista kasi may singer daw siya ahaha! may mangilan-ngilan nga na lumapit sa booth namin.. Ahaha!

And pumunta nman kami sa G-box. Duon na ako kumanta. Sa small stage sa may first floor. Dami ko na naman fans, kilala na kasi ako duon sa dalas kong pumunta duon at kumakanta. Kaka-flattered talaga kapag kumakanta ako duon dami kasi ngpapalakpakan. Kilala na rin kasi ako. Hay! 4 pm na kami nakauwi. Kakapagod


-Princess-
Jan. 30, 2009

Friday, February 27, 2009

"Manloloko"

Sa panahon ngayon marami nang nagliliparang manloloko sa mundong ito. hindi na tayo iba sa ganitong aspeto ng buhay. Ang cycle ng buhay na sa isang pandaraya nagsisimula bago natin malaman ang katotohanan sa likod ng kalokohan na ikaw pala ang nabiktima. Hindi maganda sa pandinig ng isang tao, ang marinig na ‘siya ay niloko ng kanyang minamahal’. Terible ang sakit na naiipon sa kaibuturan ng ating puso na maaaring maging sanhi ng pagtatanim ng poot. Na hindi na makakayanang anihin dahil sa sobrang pagkakabaon. Nakakalason na ang kamandag ni Adan at maski si Eba ay nalason na rin. Sapagkat hindi lang kalahi ni Adan ang marunong manloko at mang-gantso ng mga tao. Pati na rin ang kalahi ni Eba. Hindi kasi magsisimula ang suliraning tulad nito kung ang bawat isa ay tapat at walang hangarin makasira o sumira. Kahit sinuman ay walang karapatan na manlamang ng kapwa tao. Lahat ay pantay-pantay kapag tayo na nasa poder ng ating Amang Makapangyarihan. Hindi ko malaman kung bakit kinakailangan pang manloko ng isang taong ang hangad lamang ay kaligayahan. Hindi na makatarungan ang kalabisang tulad nito. Sapagkat hindi lang sila ang anak ng Diyos. Kunsabagay, hindi naman matutumbasan ang karmang kalakip sa mga kasalanan at makasalanang tao. Sana ay maging bukas ang isip ng bawat tao sa realidad. At ang maling kasalanan ay tama ng maging minsan… At ang tama ay laging ipatnubay. Wag natin iluklok ang ating sarili sa isang mapaglarong panahon. Wag natin ipagkanulo ang sarili sa maling Gawain. Bagkus ay atin iangat ang sarili sa isang bukas na ang kalakip ay kaligayahan.


-Princess-

Jan. 26, 2009

"Sarili"

Guess who kung sino yung girl na yan in real life?? ehehe

Sabi nga sa akin ng pet ko, ang mga writer daw hindi na naiisip yung iba tao. Basta sulat lang sila ng sulat para ipaintindi sa ibang tao yung gawa nila na hindi madali intindihin. Umm, kaya sa susunod daw susulat daw ako ng mga bagay na kayang intindihin ng tao at hindi lang ako ang nakakaintindi.. ehehe

***
“Hindi mo siya mahal..”
“Mahal ko siya..!”
“Ano ka ba Francesca..hindi mo naman talaga siya mahal e..”
“Paano mo nasabing hindi ko siya mahal ha ?”
“Paanong hindi ko malalaman.. Ano ka ba Francesca, niloloko mo lang yang sarili mo..”
“Sabihin na nga natin na ganun nga Francesca. Pero mahal ko talaga siya..”
“I don’t believe you Francesca..”
“Bakit ba hindi mo ako pinaniniwalaan, Francesca?”
“Dahil alam ko ang totoo..”
“Ang totoo…na mahal ko siya”
“Wag mo na nga bilugan ang ulo ko Francesca.. Sinasabi mo lang na mhal mo siya dahil gusto mong may pumuna diyan sa puso mong nangungulila..”
“Mali ka Francesca, Masaya ako kapag kasama ko siya,, at alam kong mahal ko nga talaga siya”
“Bakit kasi hindi mo nlang sabihin sa kanya yung totoo..”
“Anong totoo??”
“Na hindi mo nman talaga siya mahal..”
“Francesca, mahal ko siya... swear!”
“Ows, Hindi mo naman ako mapapaniwala... Bahala kang sabihin yan, hindi kita pipigilan pero hinding-hindi ako maniniwala..”
“Francesca nman... wag ka naman ganyan”
“Alam mo Francesca, ramdam ko naman na hindi mo siya mahal eh, bakit ba pinipilit mo?”
“Eh, bakit ba din pinipilit mo na hindi ko siya mahal??”
“Alam mo Francesca, wag ka na ngang humarap ng hindi na tau magkausap.. Hindi ko lang maatim na makita sa sarili kong mga mata ang kasinungalingan mo..”
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
That girl was talking herself in front of mirror.


-Princess-
Jan. 23, 2009

"Lihim na Pagtingin"

-Output # 6 ito ng bessy ko sa Filipino nung 3rd Grading at ako ang gumawa. Mahilig akong gumawa ng tula kaya sa akin nagpagawa ng tula yung bessy ko. Well, medyo hindi ako inspired nung ginawa ko yan kasi kwento nila ng ex bf niya yung gagawan ko ng tula. So, i mean to say.. with no feelings. pero hindi ko naman binasta-basta lang. Naisip ko lang na mas maganda yung ipapasa kong output kasi i spent 1 hour for making a poem. Pero dito sa poem na ito, halos 20 minutes lang ata.. ehehe but take note mas mataas yung grade ng bessy ko kaysa sa grade ko sa output na yun. haii!

***

Umibig ako sayo sa paraang hindi mo alam,
Kahit ang puso ko’y puno ng pag-asam,
Nakuntento man sa nakaw na tingin,
Ngunit iba parin ang sarap ng mahalin,

Kaligayahan aking nadama,
Nang ang pag-ibig mo’y aking napuna,
Kasabay ng iyong munting pagtatapat,
Para sa aking kaligayahan ay sapat,

Sapagkat ikaw man saki’y tunay na iniibig,
Sa bawat daloy sa akin ay kilig,
Nang mga ngiti at titig mo sa akin giliw,
Sa pagmamahal sayo’y ako baliw,

Ikaw ang ligaya na bigay ng maykapal,
Kung kaya’t sa akin puso ika’y banal,
Aking mahal Hindi ka kayang mawala,
Kaya sa puso ko wag kang kumawala.


-Princess-

Jan. 23, 2009

Sulutin man ni Batang Putakera

Anong sabi?
mula sa kailaliman ng lupa,
tila naririnig ko ang hiyaw ng putakera,
nahimigan kong ako ang kanyang kinakanti..
sa anong dahilan?
natawa ako sa akin pang narinig,
katakutan ba?
hindi nman ako nadismaya,
sa katunayan nga ang akin pang ikinatuwa,
nang sabihin niya,
wag ko daw ikatakot na kanyang sulutin ang dating kanya..
iiling- iling ako na prinsesa,
tila naligayahan na makasagupa ang batang putakera..
ngunit ang nais lamang ay linaw,
hindi digmaan,
at mula sa pagdaan ng gabi,
sa panibagong hapon ay muli kong napag alaman,
ako pala'y hinusgahan..
natutuwa ang prinsesa na talakayan iyon,
mula sa isang batang putakera..
akin pa ngang hinandugan ang paslit
at binigyan ng pagkakataon sa buching pinuputak nito.,
ang akin palang prinsipe,
ika nga ng prinsesa'y "sa'iyo na, mgsama man kayo. ako'y tatawa lamang"
sa totoo lamang ay hindi nangangamba ang bagong may-ari na maagaw ang kanya ng pag-aari..
sapagkat pagkaawa lang ang ndarama ng Prinsesa sa batang putakera,
a.k.a mpaglarong dilag..


-Princess-
Jan 15, 2009

Dahil sa'iyo

Muli ang puso ay sa kaligayahan nagising,
Dahil sa paggising ikaw na ang kapiling,
Sa Poong maykapal ikaw ang hiling,
Nang puso kong ito na sa kalungkutan galing,

Hindi mabilang mga ngiting aking isinilay,
Sapagkat ang puso’y sa’yo iniaalay,
Ang kaligayahan man sa’yo maging habambuhay,
Basta’t sa piling ko’y ikaw laging ipatnubay,

Lahat sayo’y handang ibaling,
Wag ka lamang mawala sa aking piling,
Ang tapat kong puso’y sa’iyo nahuhumaling,
At ang mga puso nati’y hindi magsisinungaling,

Sa piling ko’y wag kang malumbay,
Dahil ang pagmamahalan natin ay isang tagumpay,
Sa bawat gabi ako’y sa bisig mo mahihimlay,
At ang handog ko sayo’y pagmamahal na walang humpay.



-Princess-
Jan. 11, 2008

"Estranghero man"

-Si Floyde yung naiisip ko habang ginagawa ko yan :)
***


Sa masalimuot na nakaraan,
Ang pusong ko’y naging luhaan,
Na kung tratuhin ay tila isang laruan,
Na ngayo’y bumalik para sa larong hilaan,

Balak man ang ganti para sa pusong sinugatan,
Ngunit ang nanaig pa rin ay ang kalimutan,
Dahil sa isang pusong nagngahas man,
Na muling buksan ang puso ko sa kaligayahan,

Natutong lumimot ang puso sa kinamuhian,
Dahil ang nais na ay ang kalayaan,
Kalayaan na umibig sa tamang paraan,
Upang ang puso’y hindi na muling taguan,


Sa pagdating ng bagong pag-iibigan,
Ang kaligayahan ay naramdaman,
Sa piling ng isang estranghero man,
Ngunit labis ang hatol ng pagmamahalan,


-Princess-
Jan. 11, 2008

Message ko for "Floyde"

Bebe,

Umm, of course “thank you”. I didn’t expecting na darating ka sa buhay ko. Although marami diyang iba. Who’s better than me? But still, you were choosing to love me. I know I wasn’t wrong now. Kasi sobra ka magmahal, sobra mo akong kinomfort. I am so lucky for having someone like you. Akala ko hindi ako magiging Masaya sau. Akala ko bibitiw agad ako. But I was wrong. Dahil binigyan mo ako ng mgandang relasyon. Yung relasyon na pinapangarap ko. Bebe, I love you so much... I love you, I love you, I love you...
Sana mas magmahalan pa tayo. Be strong... Hold us tight, and I’ll do my best for making our relationship tight and wonderful. We’ll do our best bebe. I can’t still imagine myself that I have a gift from Papa God. Kahit na bad ako and hard-headed. Still, he gave me the best gift I’ll keeping forever. And I will love you for the rest of my life. Diba, sabi ko nga.. kahit bumalik pa lahat ng nakaraan ko, itataboy ko sila. Kasi ikaw na yung BUHAY ko ngayon… ikaw lang po, Mahal na mahal kita’ Bebe!!


-Princess-
Dec. 29, 2008

Showbis??

kanina sa skul, nagrecuit yung isang science teacher para sa mga students na nais na mag artista..and after several time. Pinakanta kami then, sa 13 participants including me.. Napasama ako sa anim na participants na nagustuhan ng director. Nagulat ako nung sabihin niya by the numbers yung mga pasok.. Ayun nga, kasama ang number ko sa mga sinabi niya.. I was surprising that time.. hindi ko akalain na mapapasama ako.. But when the director explained about the conditions and rules. I sighed! Because one of those condition and rule are not okay to me. So, I decided to back out. Even that was an opportunity for me. But I was choosing to back out. Nanghihinayang din ako.. pero yung rules kasi ay hindi pwede. We must rehearse on the night at yung place is masyadong malayo. Quezon city, i heard" haii...!!

I know, makakakuha pa ako ng opportunity like that.. Nanghinayang din yung mga friends ko sa pag back out ko. Tanga ko daw.. dami pa naman oppurtunities eh, maybe hindi talaga para sa akin yun..
well, tama na ang panghihinayang..
di ko naman pinangarap na pumasok sa showbis..


-Princess-
Dec. 15, 2008

Wakas

Kung hindi wawakasan,
Hindi matatahimik,

Kung hindi lilisan,
Hindi na babalik,

kung ikaw pa'y mamahal
in,
hindi na magpaparaya,
Kung hindi ako ang iibigin,
Hindi na ako liligaya,

Kung tunay ang pintig,
Hindi sana ako nasaktan,
Kung totoo ang kilig,
Hindi ka sana naguluhan,

Kung ako'y talagang mahal,
Hinid sana ako lumuluha,
Kung hindi ako naging hangal,
Hindi sana ako nagdurusa.



-Princess-
-11-21-08

Magihintay ako

kahit wala kana sa akin ngayon,
hindi yun dahilan para hinid na kita mahalin,
siguro nga hindi pa ito yung tamang panahon,
siguro nga dapat muna tayong lumayo,
tutukan ang dapat tutukan,
harapin ang dapat harapin,
ito na rin siguro yung magiging daan sa akin,
para mas lalo pa akong magsumikap,
sa lahat ng bagay lalo na sa pag-aaral ko,
naging inspirasyon kita,
para gawin ang tama..,
kaya di ka nila dapat sisihin,
Alam kong darating ang panahon,
na pareho na tayong handa,
na harapin ang sana'y hinaharap natin ngayon,
ngunit kung hindi na ako sa pagdating na araw na iyon,
maluwag kong tatanggapin,
marahil hudyat iyun na hinid talaga tayo para sa isa't isa...
mamahalin pa rin kita sa paraan hinid mo makikita,
maghihintay pa rin ako hangga't hindi ako napapagod,
palihim pa rin luluha ang puso ko hangga't hindi ka bumabalik..
pangako maghihintay ako...
dahil nangako ka rin na babalik ka pa...!!

My Pocketbook again

-another one-

***


Calm down, Pare!” halo ni Gedson kay Jaycee.

“How do I calm down?” ani Jaycee na hindi mapakali sa kakalakad sa buong espasyo ng opisina niya. “Iniiwasan niya ako!” mababakas ang hirap sa tinig nito.

“Baka naman ayaw na niya talaga. Bakit hindi mo nalang siya hayaan.?” Suhestyon ni Gedson.

Tiningnan niya ito ng masama.

“Oh, Pare, ang akin lang ay ang nalalaman ko. Baka hindi talaga kayo para sa isa’t isa. Malay mo baka bukas ay may dumating na mas better.?” Anito.

Huminahon na ito. “Siguro nga..” tugon niya na bumalik sa pagkakaupo ms swivel chair.

Nakahinga ng maluwag si Gedson sa nakikitang kahinahunan ng kaibigan.

“This time, aalisin ko na siya sa isip ko.” Seryosong sabi ni Jaycee. “So, Pare saan ang gimmick natin mamaya?” tanong niya na pinilit ngumiti.

Natawa si Gedson sa tinuran niya. “Saan mo ba gusto?”

“Doon sa lugar na makakapagrelax ako..”

“Edi doon tayo.” Tugon ni Gedson.

Kinagabihan ay nagtungo sila ni Gedson sa isang night bar. Puro malalamyos na tugtog ang pineperform ng grupo ng banda na nasa stage ang naririnig niya. Puro mga tugtugin na gustong gusto ni Precious.

“Ano? Pare, mas relax dito kaysa sa ibang night bar dyan na puro rock ang maririnig mo.” ani Gedson.

Marahan siyang tumango, sabay lagok ng alak. Naiisip na naman niya si Precious dahil sa mga tugtugin na alam niya paborito nitong lahat.

Napatingin si Jaycee sa ibang dako ng bar na iyon. Nakita niya ang ilang kababaihan na nakatingin sa kanya. Halos lahat ay nakangiti at nagpapapansin sa kanya. May isang babaeng kumaway sa kanya. Gumanti din siya ng kaway. Kita ang kilig na pumapaloob sa kilos ng mga babaeng iyon.Pero hindi siya interesado sa mga ito kahit na nga ba sabihin magaganda at sexy ang mga ito. Dahil nasa isang babae lang tumatakbo ang isip niya.

“Oh, Pare, look at the group of girls there. They are staring at you.” Bulong ni Gedson sa kanya.

“I know, but I don’t care.” Diretsong saad niya.

Tinitigan siya ni Gedson. “It’s that you Jaycee?” manghang sabi nito.

“Ano ka ba para kang tanga.” natatawang saad niya.

“Hindi ikaw ang kilala kong Jaycee.” Anito. “Talaga bang binago kana ng nararamdaman mong iyan para kay Precious?”
“Siguro nga.”

Mga ilang sandali pa ay hindi na napigilan ng mga babae ang lumapit sa pwesto nila.

“Can we joined us?” tanong ng isang seksing babae.

“Ah, sure!” pagpayag ni Gedson na hindi man lang kinuha ang pag sang ayon niya.

“Sayo okey, pero baka hindi okey kay Mr. Gwapo.” Ani ng isa pang babae.

“Ha?” aniya. “No. okey lang.” napipilitang pag sang ayon niya.

Nagsiupo na ang lahat ng babae sa bakanteng upuan sa mesa nilang iyon. Kanya kanyang kwentuhan ang mga ito. Pati si Gedson ay nakikikwento na rin sa mga ito ngunit siya lang ang bukod tanging hindi umiimik sa usapan ng mga kasama niya. Wala siyang panahon dahil ang buong atensyon niya sa mga tugtugin na pineperform ng magaling na bandang iyon sa maliit na entabladong iyon ng bar.

“Uy, Pogi bakit ang tahimik mo?” tanong ng isang babae na sinasadyang ibilad ang malaking dibdib nito sa harapan niya.

Umiwas siya ng tingin. “Wala, may iniisip lang ako.” Asiwang tugon niya.

“Gusto mo tanggalin ko yang nasa isip mo.” Kumapit sa kanya ang babae.

Naasiwa siya kaya tinanggal niya ang pagkakakapit nito sa braso niya. “Wag nalang ako, kay Gedson nalang.” Walang ganang saad niya.

“Ha? Bakit ako?” gulat na tanong ni Gedson.

Sumenyas siya sa kaibigan na paalisin na ang mga babaeng iyon.

“Ahm girls if you won’t mind. Can you leave him alone?” mahinahong sabi ni Gedson sa grupo ng mga kababaihan.

Napasimangot ang mga ito.

“Hmmp, bakla naman yata yan eh!” ani ng isang babae. “Halika na nga girls! Umalis na tayo!” sabi pa nito.

Nakahinga siya ng maliwag ng makaalis na ang mga babae.

“Grabe ka pare, tinanggihan mo yung mga yun?” ani Gedson.

Hindi siya umimik.

“Well, ganyan talaga kapag nakahanap na ng katapat.” Anito na tumungga ng alak.

Saktong palabas na sila ng bar ng makasalubong nila si Precious kasama ang dalawang matatalik nitong kaibigan na papasok sa nasabing bar.

Pareho silang nagulat. Ngunit dare-daretso lang si Precious papasok sa loob ng bar. Gustuhin man niyang sundan at habulin ito ngunit naisip na lamang niya na mas tamang manahimik na lamang siya. Siguro ay hindi pa ito ang tamang panahon para magkaayos sila.

Muli siyang naglakad palabas ng bar at tinungo ang parking lot kung saan nakaparada ang kanyang kotse.

Nanibago siya. Bakit hindi siya sinundan o kinulit man lang ni Jaycee sa ganun pagkakataon? Siguro naramdaman na nito ang pagod dahil sa pagbabalewala niya rito.

Ngunit ang isipin iyon ay labis na nagbibigay ng kirot sa puso niya. Naisip niyang madadaya nga ang isip ngunit hindi ang puso.

“Hoy, nakita ninyo yun. Si Jaycee?” nanlalaki ang matang saad ni Sherline.

Kasalukuyan na silang nakaupo at umoorder ng makakain at maiinom.

“Oo, hindi naman kami bulag.” Ani May.

“Ang gwapo parin talaga niya no’h.” anito.

Nanliksi ang mata ni May.

“Ay!” anito na napatingin sa kanya. “I’m sorry..” na napakamot pa sa ulo.

“Okey lang.” aniya na mababakas ang hirap na nadarama.

“Nagtataka lang ako. Bakit parang hindi kanya kinulit man lang o sinundan dito to please you again?” takang tanong ni May.

She shrugged.

“Baka naman napagod na.” ani Sherline.

Hindi siya umimik. Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon para siyang nanghihina at tila nawala lahat ng enerhiya niya sa katawan. Para siyang nilalagnat, ganito ba talaga ang epekto ni Jaycee sa kanya?

“Hay. Wag na nga natin pag usapan yung taong iyon. Dahil nandito tayo para magsaya hindi para magmukmok.” Sabi ni May na diniinan pa ang pagkakabanggit sa huling salita.

“Yah, right.” pagsang ayon ni Sherline.

Ang buong magdamag doon ay buong kalungkutan sa kanya. Ni hindi man lang niya na-enjoy ang saya ng gabing iyon. Minsan ay pinipilit na lamang niya ngumiti upang hindi naman siya lumabas na KJ sa mga kaibigan niya. Pero ang totoo niya ay si Jaycee ang laman ng isip niya buong magdamag.

Nakakapanibago nga siya..sabi niya sa sarili. Kaya pala hindi na siya tumatawag. Buong araw na ito ay wala akong natatanggap na tawag mula sa kanya…

Bumuntong hininga siya ng malalim.

“Oh, para saan naman ang buntong hininga na iyan?” napansin pala ni Sherline ang pagbuntong hininga niya.

“Wala..”tipid na sagot niya.

Pagod na pagod siya ng makauwi na sa bahay. Hindi niya alam kung saan siya napagod, eh wala naman siya ginawa magdamag kundi panoorin ang dalawa niya kaibigan sa mga kalokohan nito at ang ubusin ang kanyang oras sa kakaisip kay Jaycee. Ni hindi niya nga naubos ang pagkaing nakahain sa mesa nila dahil pakiramdam niya ay wala siyang gana ng mga sandaling iyon.

She messed up her life.

What do I do? Tanong niya sa sarili niya.

My Pocketbook

-This story has a similarity of my past. 2 months ago, I decided to create a short story about my love life. And this is my favorite part of my work.-

***

Araw ng biyahe niya. Palabas siya ng bahay dala ang stroller bag niya ng matanaw niya ang isang kotse na nakaparada sa labas ng gate ng bahay niya. Tila pamilyar sa kanya ang disenyo niyon.

Bumaba mula roon si Jaycee.

Tama nga ang hinala niya.

Anong ginagawa niya dito? Naisip niya

Lumapit ito sa gate at kumaway pa sa kanya.

“Ano ginagawa mo dito.” Tanong niya makalapit siya sa gate.

“Ihahatid kita..” sabi nito.

“No thanks. I can manage myself.” Pagtanggi niya. At tinungo niya ang parking area kung saan nakaparada ang kotse niya.

“Precious wait..” sinundan siya nito.

“Ano pa bang gusto mo..?” tanong niya dito.

“Pumayag ka ng ihatid kita..” anito.

“I have my own car. Kaya don’t bothered yourself.” aniya habang inilalagay sa compartment ang mga bagahe niya.

Hinawakan siya nito sa braso. “Please..”

Napahinto siya sa ginagawa at ni hindi man lang niya ito tinatapunan ng tingin.

“Gusto ko lang naman makabawi sayo.” Sabi ni Jaycee.

Binawi niya ang braso niya sa pagkakahawak nito. “It’s enough…” sagot niya. “Tama na yung isang beses na pinagbigyan kita sa gusto mo..”

Bakit naging ganyan ka na? nagbago ka na ba talaga?”

“Gawa mo ito.. Kaya wag ako ang tanungin mo..” seryosong sabi ni Precious. “Iyang sarili mo..Saka ganito naman talaga ako eh kahit noon pa..” sinara na niya ang compartment at hinarap niya ito.

“Di mo na ba ako mahal?” tanong nito na kanyang ikinagulat ngunit hindi siya nagpahalata.

“Aalis na ako, mahuhuli pa ako sa flight ko..” sabay talikod at tinungo ang driver seat.

“Wait, hindi mo pa ako sinasagot..” habol ni Jaycee.

Wala na itong nagawa ng paharurutin niya ang kanyang sasakyan. Nang makalayo na siya ay saka niya hininto ang sasakyan sa hindi mataong lugar. At doon ay malaya siyang umiyak sa manibelang iyon. Ngayon alam na niya na hindi pa pala niya ito tuluyang nakakalimutan tulad ng akala niya. At ang pagmamahal na akala niya ay wala na. Na ngayon ay muling nagigising sa puso niya.

Ngunit ayaw niyang aminin na mahal parin niya sa Jaycee. Siguro dahil sa takot na masaktan siya muli.

Pagod na pagod siya ng makauwi sa bahay. Dala parin ang gumugulo sa kanyang isipan. Ang kanyang puso na muling umiibig sa dati nitong iniibig. Hindi niya alam ang gagawin niya dahil kahit anong gawin ng puso’t isip niya ay si Jaycee parin ang nilalaman nito.

Dinampot niya ang kanyang cellphone at isa isang kinontak niya ang kanyang mga kaibigan. Nagtungo sila sa isang night bar sa Makati. Hiyawan at puro mga rock na tugtugan ang naririnig niya.

“Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh..” pasigaw na sabi ni Sherline dahil sa sobrang ingay sa paligid. “Diba, sinabihan na kita..”

“Ngayon ko lang napagtanto..” sagot niya.

“May, sabi niya mahal parin daw niya si Jaycee..”sabi ni Sherline kay May na kasalukuyang nagsasayaw kasama ang ilang kalalakihan.

“Huh?” huminto ito sa pagsasayaw at lumapit sa kanila. “totoo?”

Tumango siya sabay lagok ng alak na nasa kopita at nagsalin pa siya uli ng panibago.

“Oh, e bakit ka naglalasing. Dapat nga magsaya ka..” sabi ni Sherline.

“Dahil gusto kong mawala itong nararamdaman ko..”itinuro niya ang kaliwang bahagi ng dibdib niya.

“Alam mo Precious, nandyan na yan hindi na mawawala yan dahil kahit kailan hindi naman nawala yan.” Inakbayan siya ni May.

“Ayoko na kasi eh,” sabay lagok uli ng alak.

Inagaw ni Sherline ang kopita na hawak niya. “Hindi ito ang kasagutan diyan sa problema mo. Hindi rin ito ang makakapagpawala ng nararamdaman mo..”

“Precious, bakit hindi mo siya tanggapin muli sa buhay mo..?” suhestyon ni May.

“For what? Para saktan niya uli!” aniya na nagbabadya ng umiyak.

“Hindi Precy, para maging maligaya na kayo..” sabi ni May.

“Hindi ko siya kailangan para maging maligaya ako..” pagmamatigas niya.

“Tandaan mo Precy kung gaano ka kasaya nung kayo pa..” paalala ni Sherline.

“Pero ano bang naging kapalit? Diba sakit? Nasaktan ako ng sobra at ayoko ng maulit iyon.” Malaya ng umaagos ang luha niya sa magkabilang pisngi niya.

“O sige, hindi kana naming pipilitin. Pero tandaan mo na piliin mo yung tama at kung saan ka liligaya.” Ani May.

Chapter Three

Tanghali na ng magising si Precious. Sapo ang ulo na tumungo siya sa banyo. Doon ay nahimasmasan siya. Naalalala niya ang mga nangyari ng nagdaang gabi.

Sa harap ng malaking salamin ng kwarto niya ay kanyang sinusuklayan ang mahaba niya buhok. Tinititigan niya ang kanyang mukha. Napakaganda niya, mariin siyang napapikit. Doon ay kanyang inilagay sa kaliwang dibdib ang kanyang palad. Nakikiramdam siya sa tibok ng kanyang puso.

Muli siyang dumilat.

Hindi tama ito, hindi pwede ito..dikta niya sa sarili.

Bigla ang tunog ng kanyang cellphone. Si Jaycee, tumatawag na naman sa kanya.

Kailan niya ba ako titigilan? Tanong niya sa sarili.

Hindi niya iyon sinagot at hinayaan niya lamang iyon sa pagtunog. Siguro’y mapapagod din ang lalaking yun sa pagtawag tawag sa kanya.

Ngayon ay napagdisisyunan niyang lalabanan niya ang kanyang nararamdaman para sa kanyang ikabubuti. Hindi na niya ninais na bumalik ang sinuman o anumang bagay na nakapagbigay sa kanya ng labis na sakit at kalungkutan na nagtulak sa kanyang para magtanim ng poot sa puso niya. Hindi niya planong maging maramot siguro’y iyon lamang ang tanging alam niyang proteksyon sa kanyang sarili. Ang tuluyang ibaon sa limot ang kanyang nakaraan at kasama na doon si Jaycee.

Pauwi na siya ng bahay galing sa pag go-pagrocery ng madatnan niya si Jaycee sa harap ng gate, tila siya ang hinahintay.

“Precious..” he call her named.

“Anong ginagawa mo rito?” nilagpasan niya lamang ito.

“Iniiwasan mo ba ako?” pinigilan siya nito sa braso.

“Tigilan mo na ako..!” binawi niya ang pagkakahawak nito sa braso niya.

“Bakit?” anito.

“Dahil gusto ko.” Sa ibang direksyon siya nakatingin. Hindi niya kayang makipagtitigan dito.

“Dahil gusto mo lang..?” hinawakan nito ang baba niya patapat dito.

Umiwas siya. “Bakit hindi nalang natin tanggapin na hindi talaga tayo para sa isa’t isa..” sabi niya, ngunit alam niya sa sarili niya na labag sa loob niya ang mga sinasabi niya.

“Hindi! alam kong kaya pa natin itong ayusin,” anito.

Tumingin siya sa mga mata nito. “Wag na nating ipilit.. Tapos na tayo, wala na tayong babalikan.” at mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay. Doon ay malaya muling umaagos ang kanyang luha. At hawak niya ang kanyang kaliwang dibdib. Tila may parteng masakit sa bahaging iyon mula sa loob. Napahagulgol siya sa nararamdaman niyang sakit.

Bakit ganun? Umiiwas siya para hindi siya masaktan muli. Ngunit bakit sakit parin ang napapala niya sa pag iwas niya? Hindi na ba siya magiging masaya? Wala ba siyang karapatang maging masaya kailan man?