Sa panahon ngayon marami nang nagliliparang manloloko sa mundong ito. hindi na tayo iba sa ganitong aspeto ng buhay. Ang cycle ng buhay na sa isang pandaraya nagsisimula bago natin malaman ang katotohanan sa likod ng kalokohan na ikaw pala ang nabiktima. Hindi maganda sa pandinig ng isang tao, ang marinig na ‘siya ay niloko ng kanyang minamahal’. Terible ang sakit na naiipon sa kaibuturan ng ating puso na maaaring maging sanhi ng pagtatanim ng poot. Na hindi na makakayanang anihin dahil sa sobrang pagkakabaon. Nakakalason na ang kamandag ni Adan at maski si Eba ay nalason na rin. Sapagkat hindi lang kalahi ni Adan ang marunong manloko at mang-gantso ng mga tao. Pati na rin ang kalahi ni Eba. Hindi kasi magsisimula ang suliraning tulad nito kung ang bawat isa ay tapat at walang hangarin makasira o sumira. Kahit sinuman ay walang karapatan na manlamang ng kapwa tao. Lahat ay pantay-pantay kapag tayo na nasa poder ng ating Amang Makapangyarihan. Hindi ko malaman kung bakit kinakailangan pang manloko ng isang taong ang hangad lamang ay kaligayahan. Hindi na makatarungan ang kalabisang tulad nito. Sapagkat hindi lang sila ang anak ng Diyos. Kunsabagay, hindi naman matutumbasan ang karmang kalakip sa mga kasalanan at makasalanang tao. Sana ay maging bukas ang isip ng bawat tao sa realidad. At ang maling kasalanan ay tama ng maging minsan… At ang tama ay laging ipatnubay. Wag natin iluklok ang ating sarili sa isang mapaglarong panahon. Wag natin ipagkanulo ang sarili sa maling Gawain. Bagkus ay atin iangat ang sarili sa isang bukas na ang kalakip ay kaligayahan.
-Princess-
Jan. 26, 2009
I agree..
ReplyDelete