Friday, February 27, 2009

My Pocketbook

-This story has a similarity of my past. 2 months ago, I decided to create a short story about my love life. And this is my favorite part of my work.-

***

Araw ng biyahe niya. Palabas siya ng bahay dala ang stroller bag niya ng matanaw niya ang isang kotse na nakaparada sa labas ng gate ng bahay niya. Tila pamilyar sa kanya ang disenyo niyon.

Bumaba mula roon si Jaycee.

Tama nga ang hinala niya.

Anong ginagawa niya dito? Naisip niya

Lumapit ito sa gate at kumaway pa sa kanya.

“Ano ginagawa mo dito.” Tanong niya makalapit siya sa gate.

“Ihahatid kita..” sabi nito.

“No thanks. I can manage myself.” Pagtanggi niya. At tinungo niya ang parking area kung saan nakaparada ang kotse niya.

“Precious wait..” sinundan siya nito.

“Ano pa bang gusto mo..?” tanong niya dito.

“Pumayag ka ng ihatid kita..” anito.

“I have my own car. Kaya don’t bothered yourself.” aniya habang inilalagay sa compartment ang mga bagahe niya.

Hinawakan siya nito sa braso. “Please..”

Napahinto siya sa ginagawa at ni hindi man lang niya ito tinatapunan ng tingin.

“Gusto ko lang naman makabawi sayo.” Sabi ni Jaycee.

Binawi niya ang braso niya sa pagkakahawak nito. “It’s enough…” sagot niya. “Tama na yung isang beses na pinagbigyan kita sa gusto mo..”

Bakit naging ganyan ka na? nagbago ka na ba talaga?”

“Gawa mo ito.. Kaya wag ako ang tanungin mo..” seryosong sabi ni Precious. “Iyang sarili mo..Saka ganito naman talaga ako eh kahit noon pa..” sinara na niya ang compartment at hinarap niya ito.

“Di mo na ba ako mahal?” tanong nito na kanyang ikinagulat ngunit hindi siya nagpahalata.

“Aalis na ako, mahuhuli pa ako sa flight ko..” sabay talikod at tinungo ang driver seat.

“Wait, hindi mo pa ako sinasagot..” habol ni Jaycee.

Wala na itong nagawa ng paharurutin niya ang kanyang sasakyan. Nang makalayo na siya ay saka niya hininto ang sasakyan sa hindi mataong lugar. At doon ay malaya siyang umiyak sa manibelang iyon. Ngayon alam na niya na hindi pa pala niya ito tuluyang nakakalimutan tulad ng akala niya. At ang pagmamahal na akala niya ay wala na. Na ngayon ay muling nagigising sa puso niya.

Ngunit ayaw niyang aminin na mahal parin niya sa Jaycee. Siguro dahil sa takot na masaktan siya muli.

Pagod na pagod siya ng makauwi sa bahay. Dala parin ang gumugulo sa kanyang isipan. Ang kanyang puso na muling umiibig sa dati nitong iniibig. Hindi niya alam ang gagawin niya dahil kahit anong gawin ng puso’t isip niya ay si Jaycee parin ang nilalaman nito.

Dinampot niya ang kanyang cellphone at isa isang kinontak niya ang kanyang mga kaibigan. Nagtungo sila sa isang night bar sa Makati. Hiyawan at puro mga rock na tugtugan ang naririnig niya.

“Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh..” pasigaw na sabi ni Sherline dahil sa sobrang ingay sa paligid. “Diba, sinabihan na kita..”

“Ngayon ko lang napagtanto..” sagot niya.

“May, sabi niya mahal parin daw niya si Jaycee..”sabi ni Sherline kay May na kasalukuyang nagsasayaw kasama ang ilang kalalakihan.

“Huh?” huminto ito sa pagsasayaw at lumapit sa kanila. “totoo?”

Tumango siya sabay lagok ng alak na nasa kopita at nagsalin pa siya uli ng panibago.

“Oh, e bakit ka naglalasing. Dapat nga magsaya ka..” sabi ni Sherline.

“Dahil gusto kong mawala itong nararamdaman ko..”itinuro niya ang kaliwang bahagi ng dibdib niya.

“Alam mo Precious, nandyan na yan hindi na mawawala yan dahil kahit kailan hindi naman nawala yan.” Inakbayan siya ni May.

“Ayoko na kasi eh,” sabay lagok uli ng alak.

Inagaw ni Sherline ang kopita na hawak niya. “Hindi ito ang kasagutan diyan sa problema mo. Hindi rin ito ang makakapagpawala ng nararamdaman mo..”

“Precious, bakit hindi mo siya tanggapin muli sa buhay mo..?” suhestyon ni May.

“For what? Para saktan niya uli!” aniya na nagbabadya ng umiyak.

“Hindi Precy, para maging maligaya na kayo..” sabi ni May.

“Hindi ko siya kailangan para maging maligaya ako..” pagmamatigas niya.

“Tandaan mo Precy kung gaano ka kasaya nung kayo pa..” paalala ni Sherline.

“Pero ano bang naging kapalit? Diba sakit? Nasaktan ako ng sobra at ayoko ng maulit iyon.” Malaya ng umaagos ang luha niya sa magkabilang pisngi niya.

“O sige, hindi kana naming pipilitin. Pero tandaan mo na piliin mo yung tama at kung saan ka liligaya.” Ani May.

Chapter Three

Tanghali na ng magising si Precious. Sapo ang ulo na tumungo siya sa banyo. Doon ay nahimasmasan siya. Naalalala niya ang mga nangyari ng nagdaang gabi.

Sa harap ng malaking salamin ng kwarto niya ay kanyang sinusuklayan ang mahaba niya buhok. Tinititigan niya ang kanyang mukha. Napakaganda niya, mariin siyang napapikit. Doon ay kanyang inilagay sa kaliwang dibdib ang kanyang palad. Nakikiramdam siya sa tibok ng kanyang puso.

Muli siyang dumilat.

Hindi tama ito, hindi pwede ito..dikta niya sa sarili.

Bigla ang tunog ng kanyang cellphone. Si Jaycee, tumatawag na naman sa kanya.

Kailan niya ba ako titigilan? Tanong niya sa sarili.

Hindi niya iyon sinagot at hinayaan niya lamang iyon sa pagtunog. Siguro’y mapapagod din ang lalaking yun sa pagtawag tawag sa kanya.

Ngayon ay napagdisisyunan niyang lalabanan niya ang kanyang nararamdaman para sa kanyang ikabubuti. Hindi na niya ninais na bumalik ang sinuman o anumang bagay na nakapagbigay sa kanya ng labis na sakit at kalungkutan na nagtulak sa kanyang para magtanim ng poot sa puso niya. Hindi niya planong maging maramot siguro’y iyon lamang ang tanging alam niyang proteksyon sa kanyang sarili. Ang tuluyang ibaon sa limot ang kanyang nakaraan at kasama na doon si Jaycee.

Pauwi na siya ng bahay galing sa pag go-pagrocery ng madatnan niya si Jaycee sa harap ng gate, tila siya ang hinahintay.

“Precious..” he call her named.

“Anong ginagawa mo rito?” nilagpasan niya lamang ito.

“Iniiwasan mo ba ako?” pinigilan siya nito sa braso.

“Tigilan mo na ako..!” binawi niya ang pagkakahawak nito sa braso niya.

“Bakit?” anito.

“Dahil gusto ko.” Sa ibang direksyon siya nakatingin. Hindi niya kayang makipagtitigan dito.

“Dahil gusto mo lang..?” hinawakan nito ang baba niya patapat dito.

Umiwas siya. “Bakit hindi nalang natin tanggapin na hindi talaga tayo para sa isa’t isa..” sabi niya, ngunit alam niya sa sarili niya na labag sa loob niya ang mga sinasabi niya.

“Hindi! alam kong kaya pa natin itong ayusin,” anito.

Tumingin siya sa mga mata nito. “Wag na nating ipilit.. Tapos na tayo, wala na tayong babalikan.” at mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay. Doon ay malaya muling umaagos ang kanyang luha. At hawak niya ang kanyang kaliwang dibdib. Tila may parteng masakit sa bahaging iyon mula sa loob. Napahagulgol siya sa nararamdaman niyang sakit.

Bakit ganun? Umiiwas siya para hindi siya masaktan muli. Ngunit bakit sakit parin ang napapala niya sa pag iwas niya? Hindi na ba siya magiging masaya? Wala ba siyang karapatang maging masaya kailan man?

No comments:

Post a Comment