-I was inspiring to create a small story that related to the reality.
***
Ang pag-ibig daw ay sadyang dumarating sa buhay ng bawat tao. Walang pinipiling panahon at wala rin pinipiling edad. Dahil ito ay nagkakataon lamang. Sabi nga nila kapag umibig ka na minsan. Iibig ka na uli hanggang sa bawat pagdating at pag-alis na tinatawag na pagdaan at mauulit kahit hindi mo man pilitin o hindi mo man pigilin. Hanggang sa matagpuan mong siya ay para sayo talaga. Ayan ang ilan sa mga nalalaman ko. Sa isang tulad kong teenager pa lamang. Aaminin kong naranasan ko na rin ang umibig ngunit ang bilin sa akin ni Ina…hwag na muna akong umibig bagkus ay pagtuunan ko ng pansin ang aking pag-aaral. Noong una ay sinunod ko ang kanyang bilin ngunit nang sa unang pagkakataon ay narinig kong tumibok ang aking puso. Sa isang binatilyong para sa akin ay perpekto. Pareho kami ng eskwelahang pinapasukan kung kaya’t maraming pagkakataon ko siyang nasisilayan. At nagkalaunan ay napag-alaman kong ako’y kanya ding iniibig. Palihim niya akong niligawan hanggang ang bilin ni ina ay akin ng nalimot. Sapagkat ang puso ko ang aking sinunod.
Nakokonsensiya ako sa araw-araw na uuwi ako sa aming bahay galing sa eskwelahan. Dahil lingid sa kaalaman ng aking ina ang aking lihim. Pinagmamasdan ko ang aking ina na lagatak na ng pawis sa noo dahil sa dami ng kanyang labahin. Isa lamang labandera ang aking ina, nagsusumikap at nagpapakahirap para mapatapos lamang ako ng aking pag-aaral.
Ngunit ang pag-iibigan namin ng aking nobyo ay sadyang mapusok tila ayaw ng bumitaw. Palihim kaming nagtatagpo twing dapit-hapon sa isang kubo sa likod ng bahay ng pamilya nito. Hanggang ang aking kasalanan sa aking ina ay nagatungan pa… dahil hindi ko lang siya sinuway, hindi ko na rin siya inalala sa mga oras na ipinagkanulo ko ang aking pagkababae sa aking nobyo. Sabi niya nagmamahalan naman kami. Oo nga, nagmamahalan nga kami ngunit tama ba ito?
Muli kong naalala ang sabi ni ina. “Anak, wag ka munang umibig bagkus ay mag-aral kang mabuti. Ang edukasyon lamang ang tanging maipapamana ko saiyo. Hindi sana masayang ang hirap at pagsisikap ko para mapatapos ka sa iyong pag-aaral.”
Napahagulgol ako ng maalala ko yun. Tila nagsisisi ang sarili ko dahil mas inuna ko ang pintig ng puso ko. At hindi ko nabigyan ng importansiya ang bilin ni ina.
Dumaan ang dalawang buwan. Ang minsang pagniniig namin ng aking nobyo ay tila nagbunga kasabay niyon ang gumugulong takbo ng relasyon namin. Mahigit dalawang buwan na rin akong hindi dinadatnan ng buwanang daloy ko. At sa twing darating ang umaga, tila umiikot ang aking mundo at ang aking tiyan na ni wala pang laman ni kape ay tila naghihimutok naman. Ngunit ang idinuduwal ko lamang ay tanging likido lamang. Ako pala’y buntis. Hindi ito maaari? Hindi ako maaaring mabuntis ngunit paano na ito?
Sinubukan kong kausapin ng masinsinan ang ama ng aking dinadala ngunit hindi ko makita ang ligaya sa kanyang mukha bagkus ay pagkadisgusto. Lumuluha ako sa kanyang harapan. “Ipalaglag natin” Sabi niya. Nagulat ako sa kanyang winika at muling humagulgol. Hindi ko kayang kitilan ng buhay ang aking anak. Pinakiusapan ko siya na wag naming gawin iyon sa aming magiging anak ngunit tinalikuran niya lamang ako.
Hanggang sa hindi na muling nagpakita sa akin ang aking nobyo. Lumalaki na ang aking tyan at tila mahahalata na ang unti-unting pag-umbok nito. Natatakot ako sa maaaring mangyari dahil hindi na yata ako papanagutan ng ama ng sanggol sa aking sinapupunan. Paano na ang aking ina kapag nalaman niya ang nangyari sa akin? Hindi ko nais na masaktan at madismaya siya. Hinimas ko ang hindi pa maumbok na tiyan ko. Tila mauulit sa akin ang nangyari sa aking ina. Isinilang niya ako na wala sa tabi namin ang aking ama. Ngayon ko lang napagtanto na walang kwentang tao ang lalaking inibig ko. Wala siyang bayag kumbaga.
Naisip kong gusto kong magpakalayo ngunit paano si ina?
Tila gusto ko ng gawin yung suhestyon sa akin ng dati kong nobyo ngunit kasalanan naman iyon sa Diyos.
At nanaig sa akin ang huli kong naisip. Isipin mang masama nga iyon ngunit pagdudusahan ko na lamang din. Nagtangka akong magpakamatay para pareho kaming makitilan ng buhay ng aking anak ngunit……
Nakita ni ina ang aking binabalak. “Wag anak!” pigil ni ina.
“..Buntis ako ina, at hindi ako pinanagutan ng ama ng aking dinadala!” Humahagulgol ako at sabay nun ay ang pagtumba ko sa bangkuan na aking tinatapakan. Nakabigti ako sa kisame ng aming bahay. Hindi kinaya ni ina ang kanyang nasaksihan kaya pati ang aking ina ay inatake sa puso. Malabo na ang lahat ng pangyayari ng gabi iyon. At nagising na lamang ako na nasa isang pagamutan na ako. Una kong hinanap ang aking ina. Ang sabi ng nurse na umaasikaso sa akin ay nasa operating room daw ang aking ina. Malala daw ang naging epekto ng pangyayari sa kanya. Nagkaroon ng bara ang ugat sa puso ng aking ina. Isang kapit-bahay daw ang humingi ng tulong para dalhin kaming mag-ina sa malapit na pagamutan. Mabilis akong nakarecover at ang sanggol sa aking sinapupunan ay naging matatag sa pagkakakapit.
Nagsisisi ako sa aking ginawa dahil inilagay ko sa peligro ang dalawang buhay. Ang buhay ng aking anak at ng aking ina. Halos lahat ng simbahan ay akin ng pinagluhudan mabuhay lamang ang tanging yaman ko. Tila wala na akong mailuha ng mga sandali iyon. Naisip kong nauubos din pala ang luha.
Dininggin naman ng panginoon ang aking mga dalangin. Nabigyan ng pangalawang pagkakataon ang aking ina na mabuhay muli. At ako ang una niyang nasilayan sa kanyang paggising. Niyakap ko siya ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Inakala kong may poot sa akin ang ina. Ngunit nagkamali ako… hinimas niya ang maliit na umbok ng aking tiyan. “Ayan ang sabi ko saiyo anak. Wag ka munang umibig pero hindi mo ako sinunod.” halata ang panghihina sa tinig ni ina.
Puro paghingi ng tawad ang ginawa ko. Hindi ko halos masilayan si ina dahil sa walang tigil na pag-agos ng aking luha.
“Itataguyod natin siya, Anak… Hindi ka pababayaan ni Ina...” Sabi ng mahal kong ina.
Napahagulgol ako sa katuwaan dahil ang Ina ko pa rin pala ang kakampi ko sa huli. Sayang nga lang at hindi ako nakinig sa bilin ni ina.
***
ngunit bakit tila pinatay mo yung nakakaawang bata,.nagpumilit ka kc sa hindi gusto ng isang parte,di bat' pinaalalahanan ka na nyang baka ikaw'y knyang mabuntis,ngunit sa pag-aakala mong pananagutan k nmn nya ay tinuloy mo pa rin,ngayon tuloy ikaw ay nadidismaya,.di ba't sv mo'y uunahin mo ang iyong pag-aaral,iniwan mo sa sa kadahilang ikaw ay mag-aaral,.bakit hindi ka magpaKAtotoo sa sarili,para malaman mo na hindi mo na dapat ipagpilitan ang nuong una pa'y hindi naman para sa iyo!lagi monng bukang bibig ang pag-aaral,iniwan mo dahil sa pag-aaral.at take note ikaw pa ang ng-iwan,di kaya ikaw ang iniwan,.inisip mo sana nung una ,para d ma humantong sa pagkikitil mo ng buhay ng isang walang malay,!!!!!!!!na talaga nmang di ka mapapanagutan ng lalaking na ang sarili mo'y iyong pinagpipilitan,sa kadahilanang ikaw lamang ang may nais ! tinanong ng lalake sa knyang ina,. Ma.. saan ba nakakabili ng gamot na pang-pa laglag!@ nagulat ang ina ng lalaki,at sinabing,.ayan n nga ba sinasabi ko! dba nung una sinasabihan kita! na baka mabuntis mo yan! puro lgi ikaw bahala ang sagot mo! ngaun ako pabibilhin mo sa quiapo!!!! basta! ang sabi ng lalake! bumili kna lng ma,. ayoko pang mag-asawa! hahahaha! cge nga! mxado ka ng napapahiya! nakakaawa ka din nmn eh! sbay sv mo sa lalake! akala ko pa nama'y matutuwa ka magiging tatay ka na! ewan ko ba sau kung bobo ka,tanga ka or nagtatatnga-tangahan ka! sa bandang huli! nauna pa din ba ang edukasyon sa iyo! di ba'T hindi dahil buntis ka n nmn sa ibang lalake! inuna mo lng ung kalandian mo! magpakatotoo ka! kc nasiiyahan ka na sa wakas at napanagutan ka na! baby maker! kaya ngaun nanggugulo ka sa sinasabi mong nakaraan na hindi ka bitter! ginuguulo mo kami! padaan daan ka, na ba ka sakali ay makuncnxa si C tungkol sa ngyari nung kau pa! ilang beses kitang hindi pinapansin! ikaw ang nauna! alam mo yan! magharap taung dalawa kung gusto mo! tau lng wag ka mandamay napaka sumbungera mo! akala ko ba matapang at palaban ka! lahat ng tao may katapat! pwes magtapatan tau! dahil tatapatan kita maging sa talento mo sa pagkanta pagsayaw pagsusulat ! ayun lng alam mo! ni gumuhit ng larawan di ka marunong!v lumalaban ako sa mga competitions sa school! tandaan mo yan! kahit sa pagandahan pa! prinsesa ka lng! ako ang Reyna! ok! gudluck! makapal n lng talaga mukha mo kung magpapapansin ka pa!
ReplyDeleteang ganda ng istorya. totoo pala 'to! akala ko gawa-gawa mo lang. kahit ano pa ang mangyari basta natuto tayo sa kamalian natin sapat na yun. basta nakuha natin ang gustong ipabatid satin ng maykapal. :) 'di masama ang magkamali. minsan talagang kailangan natin yun upang mas lalo tayong maging matatag at matapang na harapin ang kahit ano mang bagay o problema. Ang mahalaga, hindi tayo makakalimot sa panginoon. <3
ReplyDeletehehe .. thanks. Actually, likhang isip ko lang po yan. dahil dumarami na ang mga ganyan insidente sa realidad. xD at nasasangkot ang maraming menor de edad.
ReplyDeletehayeene zayfuriee - hindi ganyan ang tamang paraan para harapin ako. Alam kong malaki ang galit mo sa akin dahil sa naging nakaraan namin ng iyong asawa. Ngunit alam naman natin na hindi ako nantapak ng pagtao ng isang tulad o pagtao mo. Dahil naging boyfriend ko ang husband mo sa loob ng 2 taon na hindi pa kayo nagkakakilala o mangkakilala man ngunit hindi pa kayo magnobyo. Kung iisipin, wala akong naging kasalanan sa iyo. dahil nung time na ni-let go ko sya, hindi na ako nanggulo o nagparamdam pa sa kanya dahil kagustuhan kong lumayo. At ikaw mismo ang nagtutulak sa asawa na magkaroon muli ng kami ng kaugnayan sa panggugulo mo sa buhay ko na nananahimik na. Hindi masamang tanggapin ang nakaraan .. Bali-baliktarin mo man ang mundo, naging parte na ako ng buhay ng asawa mo. At isa na lamang iyong alaala :-) sana itigil mo na ito.
ReplyDeletewow! grabe! totoo ba to? or story lang? bakit may nag-aaway sa comments? pero masyado nmng harsh ung mga sinabi ni Hayeene..parang perpekto nmn tong babaeng to? wag na lang tau mang lait kung alam naman natin na di rin tau perpekto ha? :D
ReplyDelete