Saturday, February 28, 2009

Dalawang pusong muling nagtagpo

Ahm, ito sana yung output # 3 ko para sa Filipino. Pero sobrang haba.. pinaghirapan ko pa naman yang gawin. At medyo na-enjoy ako sa paggawa kaya ayun.. napahaba tuloy yung istorya. Pero ayus lang. Ayoko ng i-cut. Sana magustuhan niyo yung ginawa kong maikling kwento ng dalawang pusong muling nagtagpo!!

***

Hindi mabura sa mga labi ni Mella ang ngiting nakalatay dito. Dahil ang pagsapit ng araw na iyon ay ang kanyang pinakahihintay. Ang araw na matagal na niyang inaasam. Napahagikgik siya ng maalala niya ang nangyari sa kanya nang nagdaang gabi. Hindi niya halos maipikit ang kanyang mga mata dahil sa kasabikan sa kanyang nalalapit na kasal. At ngayon ay sumapit na ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib ng kanyang nobyong si Miguel. Buo ang tensiyon at kasabikan na bumabalot sa kanyang buong pagkatao. At halos lahat ng tao na nasa paligid niya ay masaya para sa kanya. Para sa kanilang dalawa ng kanyang mapapangasawa.

Sa kalagitnaan ng biyahe, Hindi niya alintana ang gulo sa simbahang paggaganapan ng kanilang pag-iisang dibdib. Lahat ng taong nanduduon ay hindi rin mawari sapagkat ang groom sa kasalang iyon ay wala pa rin hanggang sa mga oras na iyon.

Nagsitahimikan ang mga taong nandoon ng dumating na ang magarang sasakyan na kanyang kinalululan. Ngunit ng mga sandaling iyon ay hindi pa rin niya nahihimigan ang problema sa labas ng kanyang sasakyang sinasakyan.

Ilang oras na ang nagdaan at siya na mismo ang nakapansin dahil sa kanyang pagkainip. Umimbis siya sa kanyang sasakyan at tumungo sa kanyang ama’t ina. Maluha-luha ang kanyang ina habang inihahayag sa kanya ang hindi pagsipot ng kanyang nobyo sa kasalang iyon. At ang kanyang ama ay hindi maipinta ang mukha dahil sa sobrang pagkagalit. Hanggang sa ianunsiyo na ng pari na hindi na matutuloy ang kasalang iyon. Hindi nakawala sa kanyang dalawang tainga ang ugong ugong ng mga taong sana ay sasaksi sa kanilang pag-iisang dibdib.

Tuluyan na siyang napahagulgol ng maramdaman niya ang matinding sakit na umusbong mula sa kaibuturan ng kanyang dibdib. At kasabay nun ay ang pagkawala niya ng malay.

Nagising siya sa kanyang silid. Hindi na niya suot ang kanyang damit pangkasal. At ng maalala niya ang kahayupang ginawa sa kanya ng kanyang nobyo ay muli gumising ang galit sa kanyang puso. Nagwala siya ng mga oras na iyon. Inihahagis niya lahat ng mga bagay na nasa loob ng kanyang silid. At ang huli ay ang litrato nila ng nobyo na naka-frame sa ibabaw ng kanyang lamesita.

Nataranta ang kanyang mga magulang. Mahigpit siya nito niyakap at nakikipagluksa sa kanyang pagdadalamhati. “Sinaktan niya ako, niloko niya ako.. Hndi niya ako mahal!” paghagulgol niya at yan ang mga katagang itinatak niya sa kanyang isip.

Makalipas ang limang taon…

Tahimik na angbuhay ni Mella at tila tuluyan na niyang nalimot ang trahedya sa kanyang buhay. Isa siyang flight attendant sa NAIA. Ito rin ang naging tulong sa kanya upang kalimutan ang mga hindi magandang nangyari sa kanyang nakaraan.

Ngunit ang mundo pala talaga ay sadyang maliit. Dahil muli na naman silang nagharap ni Miguel. Sa paraang hindi niya inaasahan. Nagkabanggaan sila at ng pareho silang natumbay. Nakadagan sa kanyang ibabaw ang dating nobyo. Tila kuryente ang pagkakadikit ng kanilang mga katawan ngunit pagkagalit ang kasunod ng sensyasyon na iyon.

Nagmamadali siyang tumayo at mabilis na tinungo ang kanilang opisina. “Mella!”

Tawag nito sa kanyang pangalan ngunit hindi siya nag-abalang lingunin man lamang ito.

At ang luha sa kanyang mga mata ay mabilis na umagos. Hindi niya alam kung para saan ang pag-iyak niyang iyon.

Sa mga sumunod na araw ay lagi na niyang nakikita ang binata sa estasyon nilang iyon. Marahil ay siya ang minamatyagan nito. Ngunit wala siyang balak na makipagkita dito o kausapin man lang ito. Matapos siya nito indyanin sa kasal nila.

Ngunit sadyang matibay at makulit ang binata. Lahat ng kasamahan niya sa trabaho ay kinuntsaba nito para magkausap sila ng sarilihan. At nagwagi nga ito. Hindi lamang mag-asawang sampal ang ipinaubaya niya dito. Ibinuhos niya ang lahat galit niya hanggang sa maramdaman niya ang mapagod. Ang tahimik na paghagulgol na lamang ang kanyang tanging nagawa. Lumipad pala ito patungo sa ibang bansa dahil sasailalim ito sa isang operasyon. Lahat ng paliwanag ay ginawa na ni Miguel. Ngunit ang makumbinsi siya ay hindi niya magawa. Sobrang naging mabaon sa kanya ang poot. At napag-alamanan niya sa pagdaan ng araw na patuloy pa rin pala siyang umiibig sa dati niyang nobyo.

Ngunit ang panahon ng pagpapatawad ay hindi niya hawak hanggang sa naramdamn niyang pinapatawad na pala niya ito. Muli silang nagsimula ng panibagong relasyon. Nangakong magmamahal sa hirap at ginhawa. At ang kasalang naudlot noon ay sigurado ng matutuloy ngayon.


-Princess-

1 comment:

  1. sos parang hndi nmn? wala man lang sabi-sabi nung araw na dpat ikakasal sila?

    ReplyDelete