Umiibig ako, Dahil tao din ako May pusong mamon, Ngunit umiibig lamang sa isang tao… Iniibig niya ako… Iniibig ako ng taong hindi ko kayang ibigin, Sapagkat ang puso ko ay tila naiwang nakabaon, Sa hukay na pinaglibingan ko ng lahat! Nang lahat ng nararamdaman ko para sa aking totoong minamahal… Ang puso ko ay puno ng kalungkutan, Dahil sa pagkawala ng isang taong Siyang dahilan kung bakit ito tumitibok… Ngayon ang pagtibok nito ay hindi dahil Nagmamahal uli ako… Ito ay kundi dahil kailangan kong mabuhay Para hintayin ang pagbabalik ng aking MAHAL..!!
***
-wala akong magawa kahapon, kaya nag-emote nalang ako at siya nga... nakalikha naman ako ng isang poem na hango sa tunay kong nararamdaman...!!
-Princess-
02-23-09
ang galing mo tlga sa mga ganito noh? lalo na sa tagalog.
ReplyDelete