Tuesday, March 31, 2009

GRADUATION BATCH 2008-2009

"49th Commencement Exercises batch 08-09"
Theme: "My Education; My contribution to the future"

Mahigit kumulang 690 students ang nakapagtapos sa taong ito sa Mataas na Paaralang ng Ignacio Villamor. At masasabi kong isa ako sa mga nagtapos ng araw na ito. Naging mainit at naging madrama ang mga naganap matapos maibigay sa mga magsisipagtapos ang kani-kanilang mga certificates. At mas lalo napaluha ang mga nasabing studyante ng matapos na ang seremonya at malaya na silang nagsisipagbatian sa mga kaibigan, guro, kapwa magsisipagtapos at mga magulang na siyang dumalo sa seremonyang iyon.

Napakasaya talaga maging isang Studyante. Halo-halong emosyon ang makikita mo sa mga mukha ng bawat studyanteng nagsipagtapos.

EMOSYON, ma-emosyon talaga ang araw na ito. Dahil sa apat na taong nagkasama sa isang pader, sa pangalawang tahanan. Sa lungkot at saya, sa hirap at ginhawa, sa pagtutulungan kasama ng mga taong naging parte ng buhay ng bawat isa.

Ang paglisan na sa mahabang panahon. Ngunit hindi ibig sabihin ay ang tuldok sa sinimulan. Dadalhin natin habang buhay ang mga ligayang ating natamo sa loob ng mga pader ng ating Paaralang iiwanan. Ika nga sa graduation song namin "Within this Walls"
***
Hindi ko makakalimutan lahat. Lahat ng mga memories at lahat ng mga taong naging parte ng buhay ko sa apat na taon.

With love,

-Princess-

PANLALAIT SA ATING BANSANG PILIPINAS!!!

"Chip Tsao"

"Ang Pilipinas ay ang bansa ng mga alipin"

May isang kolumnista tsinoy mula sa bansang Hongkong ang nanlait ang umalispusta sa kultura at minamahal nating Inang bayan. Sa paano ba masasabi na ang ating bansa ay ang totoo ngang bansa ng mga alipin kamo?? Isang malaking pang-iinsulto para sa mga Pilipino ang isinulat na artikulo ng isang kolumnista. Pang-iinsulto sa lahat ng Pinoy na nasa iba pang panig ng bansa.

Marapat ba ang kanyang ginawa? Ang humusga ng isang bansang hindi naman niya lubusang kilala? Oh, Kung tayo ngang mga Pilipino e hindi natin magawang humusga ng negatibo sa mga karatig-bansa o sa kung saan man bansa sa panig ng mundo. Dahil kalabisan ito, alam natin. Ngunit sila ba alam ba nila ang kalabisang kanilang ginawa? Marahil hindi!

Malaking epekto ang maaaring maidulot ng panlalait na ginawa ni Columnist Chip Tsao. Ang mga sektor ng Pilipinas ay hindi na rin napigilan ang mag-umapaw sa galit o sa inis dahil sa maling paratang o pang-aalipusta sa pangalan ng ating bansa.

At isa pa dito ay ang export at import na kalakalan. Narinig kong bubuwagin na ang mga produkto na manggagaling sa Hongkong. O ang tinatawag na boycott!

Hindi naman kasi makatwiran ang salitang kanyang binatawan. Dahil isa itong kasiraan sa lahat!

-Princess-

Saturday, March 28, 2009

"Mischievous Princess" (My most favorite)


"Mischievous Princess"

Di ko alam kung paano ako magpapaalam sa pinakapaborito kong asianovela ng bansa. Ang Mischievous Princess. Noong una ko pa lang mapanood yung trailer nito. Naisip ko na abangan ito. At sa unang araw ng koreanovelang ito e napahanga na ako, sa cast, sa songs at sa istorya na alam kong maganda dahil sa kakaibang kasuotan at attributes ng mga karakter. Hindi lang naman doon, nahihimigan ko talaga ang kagandahan na akin pang masusubaybayan. Hindi nga ako nagkamali dahil lubhang maganda nga ito. At hindi ako nagpapahuli sa bawat episodes na darating pa.

Minahal ko na ang nobelang ito. Minamahal ko na rin ang mga karakter na siyang nagbibigay kulay sa palabas na aking pinagkakaabangan araw-araw. Hindi ko mawari ang aking sarili, dahil kahapon ay ang wakas ng nobelang ito. At ang nasa isip ko ngayon e sa darating na lunes, wala na akong aabangan na tulad nito. Tulad nga ng sabi ko minahal ko ang palabas na ito. Pakiramdam ko e hindi ko magawang magmove-on sa pagtatapos ng paborito ko. Pero ano pa nga bang magagawa ko?

Basta ang masasabi ko lang. The best! Kahit ulit-ulitin ko pa hindi ata ako magsasawang panoorin ito. Dahil binigyan nila ako ng ngiti sa labi sa araw-araw. At ang mga cast, Sobrang magagaling.. Si Jing-er o little lobster (Jang Nara), Si Imperor Zhun Yun (Alex Su), Bai Yun Fei (Lu Xing), Annin (Bao Lei),
Meyer (Florence Tan) at marami pang iba. Talagang bumagay sa kanila ang kani-kanilang mga karakter na ginagampanan. Kaya nga ba't talagang patok sa takilya itong Mischievous Princess.

Alam kong need ko ng magmove-on dahil hindi ko na ito mapapanood. Pero hindi ito mawawala sa puso ko. Kulet, bibili na lang ako ng CD nito para kahit na anong oras, panahon at araw e maaari ko itong mapanood.

Maraming salamat sa bumubuo ng Mischievous Princess ..!!

-Princess-


Tuesday, March 24, 2009

My Prince (Ang aking Prinsipe)

I am not sure kung in-love ako o hindi. I am not sure kung totoo ba yung mga pinapakita niya sa akin. Ayokong pangunahan lahat kung alam kong hindi pa sigurado. Dahil sa isip ko, alam kong malabo lang mangyari yun pero bakit?? Bakit niya ako tinatrato ng ganito? Bakit niya sa akin pinaparamdam yung mga bagay na sa isang taong 'mahal mo o gusto mo' lang iyon na dapat gawin.
***
naikwento ko na dito last time yung guy na tinutukoy ko dito. The guy who i mentioned this last 2nd week of march. "my crush". He is Taro George Takasaki.

Hindi ako umaasa na pareho kami ng nararamdaman. Dahil ang isang tulad niya ay tila malabong ma-inlove sa isang tulad ko. He is not intelligent like others, but he still try to make his study well. Gwapo, matangkad, maputi, his face is like a perfect figure of face who painted by the professional painter. At bukod doon maraming babae sa school or out of school ang nahuhumaling sa kanya.

I will not compare myself to his girlfriend and to his past girlfriends. Even i know, na kaya kong makipagsabayan o alam kong kapantay ko sila o higit man. Pero isipin na lang na minahal sila ng lalaking gusto ko. Well, that's life! Hindi lahat ng maganda, maganda sa paningin ng lahat ng tao.

Pero kanina, sobra na. Sobra na siyang gumugulo sa isip ko. Sa simula ng rehearsal hanggang sa matapos. Pagod na pagod na ako that time, dahil sa paulit-ulit na ginagawa namin. But he makes me feel fresh and Good. Moody na kasi ako nun, pero nawala yung topak ko dahil sa kanya. Habang nasa hagdan kami, waiting for the other students to go up. naka-line ko siya sa pila and he told me something na nakapagpakilig sa akin. Sabi niya "Princess, ako ang prince mo ah" at lagi niya sa akin sinasabi yun. Ngingitian niya ako ng pagkatamis-tamis. Then sometimes, didilaan niya ako (Some like, pang-aasar) Tas ngingiti na naman may kasama pang kindat.

Natutunaw ako kapag ginagawa niya yun. And the last time, sa pilahan ulet. He called my name then i smiled at him. Sabi ko ' ikaw yung prinsipe ko' (and he smiled and nodded) tas ngumiti siya at tumango. I wondered, napapagaang niya yung loob ko. Masaya ako na nakikita ko siya lagi.

Alam kong may limitasyon akong dapat sundin. Hindi ko naman nakakalimutan yung mga reminders sa akin. Hanggang ganun lang naman ako sa ngayon. Hanggang crush lang muna ako at hindi pa pwede magboyfriend.

Malapit na kaming magtapos. Maikli na rin yung panahon na magkikita kami. Iibigin ko nalang siya ng hindi niya nalalaman.

-Princess-

Until to the Actual Ceremony

Ahm, we have a whole day rehearsal for preparing the graduation day until to the actual ceremony. Halos lahat kami e walang pahinga at pagod, sabayan pa ng init ng panahon. Imagine we have to start 7am-5pm. Lantang gulay na nga ata kaming umuuwi sa kanya-kanya naming mga bahay. Sabi nga nila, konting tiis nalang. At ika nga, paghihirapan mo muna lahat bago mo makamit yung diplomang hinahangad mo.

Di pala talaga madali ang mga pagdadaanan bago mo marating ang rurok ng tagumpay. Nakakatuwa lang isipin na sa apat na taon naming pagsisikap at pagtitiis. It's now a time to leave our memories and all of the sacrifices and pains.

Mahirap din iwanan ang isang maligayang samahan na binuo ng panahon at pagkakataon. Na naging daan sa atin upang ipakilala ang totoong katangian ng isang tunay na kaibigan at mag-aaral. Sadyang darating ang panahon na kailangan na natin lisanin ang isang tahanan na naging saksi sa ating pagdadalaga at pagbibinata.

At sa araw o huling araw ng ating pagtitipon-tipon upang sa atin ay ibigay ang sukli sa ating pinaghirapan. Maaaring iyon na rin ang huling araw na tayo ay magkakasama-sama.

Ngunit ang isang katulad nitong yaman ng buhay natin ay mananatiling ala-ala sa buhay ng bawat isa.

Happy graduation to all of seniors :)

-Princess-

Monday, March 23, 2009

I finally move-on :)

Ganyan nga Princess, move-on. Dahil iyan naman talaga ang nararapat. Ang kalimutan at tuluyang hilumin ang sugat.
***
Well, akala ko noon hindi ko magagawang mag-move-on dahil nga naman sa hinaba-haba ng panahon na patuloy kong tina-trap yung sarili ko maski ang puso ko sa isang bagay na hindi na magiging akin muli kailanman. Madali lang pala tuldukan ang isang bagay at ako lang naman kasi ang nagpapahirap sa isang madali. Siya nga naman.

Napakasarap sa pakiramdam ang kumilos ng walang anumang alinlangan. Kaysarap huminga tulad ng isang malaya. At lalo ng kaysarap damhin ang kalayaan lalo na't nakalabas kana sa madalim na nakaraan.

Iyan na nga ang sinasabi ko, Para akong nakalabas sa isang dark forest. Pero matagal na pala akong nakalabas. At akala ko naka-trap pa rin ako sa loob. Ang lagay e nakapikit ako kaya inakala ko na hindi pa ako nakakalabas. Nagkamali ako sa isiping iyon. Hindi ko lang siya naisip, maging sa salita. Naging pagkakamali ko ang laging sabihin na 'di pa ako move-on' kaya napapanindigan ko tuloy yung salitang iyon. Pero ang totoo, move-on na pala ako noon pa.

And i decided to stay what i'm status now. And my life still work and run without boys in my world.

-Princess-

Friday, March 20, 2009

My Last Dance :)

Natapos na rin yung "Junior and Senior Promenade" at halos lahat ay naging masaya sa naganap na selebrasyon. Tunay ngang masaya para amin ang kaganapang iyon. Ngunit hindi ko masabi kung totoo nga bang nakamit ko ang rurok ng kaligayahan? Sa palagay ko hindi. Sapagkat yung nag-iisang lalaki na inaasahan kong magtatapos ng gabi kong ito e tila nawalang parang bula.

Halos tila nawala sa katinuan ang isip ko nun, wala akong ibang ginawa kundi hagilapin siya ng mga mata ko. Ngunit sadyang hindi ko na talaga siya nakita pa. Naramdaman kong hindi na matutupad yung dinidikta ng puso't isip ko para sa gabing ito. Kaya kahit mahirap ay itinuon ko na lamang ang aking sarili sa mga taong nasa paligid ko.

Isinasayaw ako ng mga kalalakihang malapit naman sa akin. At ang una kong nakasayaw e yung bespren niya pa. Kulet. Naging paksa namin siya ng mga sandaling magsayaw kami ng kaibigan niya. Nakita niya ang naganap na pagsasayaw namin at bigla nalang siya nawala nung matapos na kami.

Naging masaya rin naman ako pero kung may masisiguro ako na mas masaya sa gabing ito e siguro si Erika na yun. Dahil ang bespren kong iyan e naisayaw at nagka-ayos na sila ng lalaking sobra niyang minamahal. At ako ang naging daan para mangyari iyon. Sabi ko sa bespren ko "Mahal na mahal kita, kaya ko ginawa ito".. At nagpasalamat siya sa akin.

Masaya na rin ako dahil naging masaya yung kaibigan ko. Wala rin naman siyang hangad kundi yung mapaligaya ako. Kaya siguro mahal na mahal namin yung isa't-isa.

And the guy who was my last dance is my crush. His name is Romeo. Dami namin napag-usapan at siyempre kinilig ako doon. Now, masasabi kong masaya ako kahit na hindi nangyari yung gusto kong mangyari.

-Princess-

Kaligayahan ko O kaligayahan nila??

Well, kahit na nga ba gusto ko bumalik o gusto ko ng mga bagay na liligaya ako pero isipin ko pa lang...malabo naman! Like doon sa past ko na ni-let go tas parang gusto kong balikan ulet dahil alam kong magiging maligaya ulet ako. But there are some buggings in my mind.

At napag-isipan kong unahin nalang muna yung kaligayahan ng pamilya ko kaysa sa kaligayahan ko. Dahil alam kong darating din yung panahon na uunahin ko naman yung kaligayahan ko.

Ayoko na kasi silang biguin pa!

-Princess-

No regret..Petit..!

Habang nasa iyo pa ang isang bagay, alagaan mo... Wag mong hayaan na mawala siya sayo dahil kapag nawala na siya at nakuha na ng iba. Doon mo malalaman ang tunay niyang halaga.
***
naisip ko lang yung quote na yan. At maii-ugnay ko sa tunay kong karanasan.

Masakit pala talaga na makitang pag-aari na ng iba yung dati mong pag-aari. Sa katunayan, Iniwan ko yung bagay na yun sa maraming kadahilanan. Humigit kumulang dalawang taon kaming nagkasama at nagkakilanlan. Sa dami ng mga bagay at pagsubok na pinagsamahan namin, hindi siguro madali na limutin iyon sa maikling panahon. Ngunit naging madali sa akin ang paglimot at ipinangalandakan ko sa lahat maski sa kanya na "kaya ko" kahit wala siya. Hindi ko man lang inisip yung mararamdaman at nararamdaman niya. Dahil malinaw naman sa akin na mahal na mahal niya ako. At napatunayan iyon ng maraming beses. Pero manhid ako at sakim, dahil hindi ko man lang siya pinagbigyan sa huling pagkakataon na hinihingi niya.

Ngunit ang sakit ay hindi ko na naitago. Nang malaman kong may iba ng nagmamay-ari sa kanya. Nakita ko at nasaksihan ko ang kanilang pagsasama. Naisip kong 'ako sana siya kung hindi ako naging tanga'. Ngayon, Nagdurusa ako sa kamaliang ginawa ko. Ang kamalian na ang kapalit ay ang aking kinabukasan.

Sabi nila, kaya ko naman daw ipagsabay ang pag-aaral at ang pagnonobyo. Inaamin kong nagawa ko siyang iwan dahil gusto kong makasiguro na wala ng magiging konplikasyon sa pag-aaral ko at sa mga pangarap ko.

Pero ang sakit ay mananatiling masakit. Aminin ko man o hindi nasasaktan ako at nagsisisi sa ginawa kong pag-iwan sa kanya.

-Princess-

Wednesday, March 18, 2009

Paghahanda para sa Pagtatapos

Damang-dama na ng bawat senior students ang nalalapit na pagtatapos. Na gaganapin sa ika-31 ng marso taong 2009. Di nga ba't masayang simula ito ng taon para nga naman sa aming mga seniors. At amin na syempre tatahakin ang isa pang seryosong parte ng buhay. At ang huling paaralang aming tatapakan.

Halos lahat ay seryosong sa pag-aasikaso ng kani-kanilang mga requirements sa bawat asignatura. Isa na nga ba ako doon na hindi ko pa matapos ang akin pang natitirang gawain.
***
Kanina, sa mainit na klima ng panahon.. Hindi ko mawari ang panunuyot ng aking lalamunan. Ano pa nga bang magagawa ko, e summer na. Wala naman kaming ginawa kundi umupo at titigan ang bawat estudyanteng nagdaraanan sa harapan namin. At syempre... ispatan yung mga "Prince Charming" namin ng bestfriend ko (Yung dalawang lalaki sa nakaraan namin, take note.. magbestfriend din tulad namin). Hanggang ganun na lang naman kami e..ehehe!

Ang tanging naging gawain lang namin e yung pagpapraktis ng graduation songs. Sobrang nakakapagod sa lalamunan. Masakit! Sabayan pa ng init ng araw.

Morning and afternoon yung schedule na ibinigay sa amin in all sections. And this afternoon rehearsal, medyo nakagawa lang naman ako ng bagay na sobrang nakakapagpasaya sa akin. Nakaramdam na rin siguro yung guro na nag-aasist sa amin for the reherasal na alam na amin lahat ng kanta at ang karamihan e hindi na kumakanta. Nagpanukala siya ng solo singing in front of all senior students. She was asking us, who would like to sing. At nagtaas ako ng kamay. (Lakas ng loob). Then after that, Yung prince charming ko e nasa harap nakaupo kung saan nakalagay yung piano. I was so shy, dahil marami rin yung tumili at naghiyawan nung nalaman nilang ako yung kakanta.

Nagbiro pa nga ako, sabi ko pwede po bang kumanta ng nakatalikod sa kanila? And they were laughing out loud. Well, sabi ni Mam (The pianist) Tumayo daw ako sa tabi niya. Para marinig ko yung beat ng piano kasi yung microphone e gagamitin ko. Sobrang akong kinabahan kasi sa harapan niya ako kakanta.

I was looking at him. And he won't look me back. Sa simula pa lang na kumanta ako hindi na niya ako tinapunan ng tingin. Ewan ko lang noong matapos na. Dahil siguro sa nakaraan namin. Pero nakikita ko yung kantayawan ng mga kaibigan niya sa kanya.

Pero masaya pa rin ako, kasi nagawa kong i-share sa kanila yung talento na meron ako. Nung matapos ang aking pagkanta. They were all give me around of applause.

-Princess-

Saturday, March 14, 2009

My 100% reasons

I hate break ups. Pero hindi maiwasan minsan na you need to set him/her free kasi may mga dahilan. Nakakalito din minsan na iwan ang isang taong totoong nagmamahal sayo. At ang masaklap hindi mo naman mahal. For me, it's better to let him go rather than to use him. Hindi naman sa nanggamit o panakit-butas. Pero mahirap makisama sa isang tao na kaibigan lang ang turing mo.

Umm, Mas maganda kasi na maging sigurado sa nararamdaman bago sumabak sa isang relasyon.

Sa akin kasi e may mga dahilan ako kung bakit ko iniwan yung last boyfriend ko. Hindi mutual yung feelings ko for him. Pero nagkaroon din naman siya ng puwang sa puso ko pero sadyang hanggang kaibigan lang yung kaya kong ibigay sa kanya. Too late na nung malaman kong hindi ko pala talaga siya mahal. That was my wrong.

I broke up with him for some reasons. Hindi naman ako nakipagbreak for the unreasonable no'h. Ahem, Kung bibigyan ko ng porsyento ang lahat ng rason ko. It fix for 100 percents.

My first reason is my study. Though na alam kong kaya kong pagsabayin pero siguro tama na muna. Para na rin sa pangako ko sa tita ko...at sa Pamilya ko, 50% yun! Study ko yung pinakamalaking rason ko why i need to let him go. Second is maybe my last love. 25%, kasi feel ko.. I am not totally move on. Pero nung march 10, itatak man sa bato. Hindi na..tina-trap ko lang pala yung sarili ko sa kanya dahil ang totoo. Move-on na pala ako! And the last one, with the percentage of 25% is myself. Ehehe, kasi gusto ko munang bigyan man lang ng katahimikan yung puso't isip ko. Gusto ko ng peace of mind at gusto ko rin maranasan man lang yung maging malaya. Kahit saglit lang, ehehe! Hindi ko pa alam kung kailan na ako magiging handa para pumasok ulet sa panibagong relasyon.

Ehehe, yan lang po!

-Princess-

Thursday, March 12, 2009

Wall

Can I be with you? I know It Can't,
Even I touch you, I know It Can't,
Because of the wall between us,
Because of the different world that we have,

I sat somewhere that only have peace,
Thinking about you, for a little moment,
And I Quietly asked myself even God,
Why we have to live in the different world?,

You are the man that I want to have,
You are the man in my dream, even in my heart,
You are the man of my life
And you are the man that I love the most,

But the destiny is against to me,
They will not give me a chance, I know,
But no matter what happen, I promise you,
I will treasure you forever even it's just a dream.

-Princess-

kahit sulyap lang

Ano pa ba ang magagawa ko? Mababago ko pa ba ang kasalukuyan mo? Kung sa antas e alam kong kompitisyon ang papasukin ko... Kailangan ko bang umaksyon? Kung alam kong wala naman akong ilalaban? Dahil ang lagay e wala naman akong sapat na panangga, o sa madaling salita... Alam kong hindi ako magwawagi..! Huli na para ilaban kita dahil pag-aari ka na niya. Kahit noon pang wala pa tayong natutunugan, Na para sa ating nararamdaman.

Hanggang sulyap nalang ba?
Hanggang sa panakaw na tingin nalang ba tayo?

Alam kong mahirap..
Ngunit alam kong Kaya kong tanggapin na kahit minsan ay hindi ka magiging akin~!

-Princess-

Wednesday, March 11, 2009

"JS PROM...NA"

Well, ano pa bang masasabi ko? Edi, masaya kasi sa buong senior students. Ngayon lang namin mararanasan ang "Junior, Senior Prom" dahil last year hindi nagpanukala yung principal namin ng Prom para i-take over sa amin yung responsibilities ng mga last senior students.

According to my English teacher, kapanahunan pa raw nila yung huling JS PROM ng school. What the heck?? At buti na nga lang e mabait yung pumalit na principal namin ngayon. Kahit late na yung JS PROm namin unlike in other schools. Okay na rin yun, at least we will experience and enjoy it.

We have 9 days remaining para magprepara. At syempre mas kailangan namin tutukan yung graduation rehearsal. Kasi kapag hindi namin inasikaso yun baka bawiin ng Curriculum chairwoman ng fourth year yung JS PROm namin...

No way!
Excited na ako! I need to be prepared. Wala pa akong susuotin this time :)

-Princess-

"Chris Tiu"

Handog ko para sa isang pinapantasya :) I love you Chris Tiu..mwah!
***
I know you're so hard to reach right?
And in my eyes you are the light,
I want to hold your hand so tight,
But it was only dream last night,

I hope to see you again in my dream tonight,
And be with you forever? oh it's not might,
As if, because you are in the sky, oh right,
And you are the star that so very bright,

I wish i could be the one of your light,
But my words is only a word, but It's alright,
I know where is my place, right?
But your place is only in my heart, my light.

-Princess-

Tuesday, March 10, 2009

TAMA BA??

Bakit kailangang iwan ang isang taong wala namang ginawang masama at ang tanging hangad lamang ay ang lumigaya sa piling mo?? Marapat bang ibigay sa kanya o ipadama sa kanya ang hapdi ng isang iniwanan??
***
Tama ba yung ginawa kong pag-iwan sa taong tumanggap sa akin, rumespeto at nagpahalaga sa akin?? Ayokong i-considered na malaking rason yung lalaking may malaking bahagi sa buhay ko. Dahil ang alam ko, gusto ko ng peace of mind. Para magawa ko ng maayos yung mga dapat kong gampanan lalo na ngayon.

At napuno na rin ng poot at hapdi itong puso ko. Ayoko munang pumasok muli sa isang relasyon. Gusto kong maging handa sa mga bagay-bagay. At puputulin ko na rin yung pesteng paghihintay ko sa taong dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.

Gusto ko na siyang kalimutan..! Kung maaari lang sana.

-Princess-

Monday, March 9, 2009

CRUSH??

"Me and Taro"

Ehehe, nakakagulat talaga lahat. Well, hindi ko inaasahan 'to pero as if naman na may mabuo.
***
Tulad ng sabi ko, nanggaling kami sa variety show sa Mapa High School. At nagkayayaan sa Robinson Manila. While na nandoon kami medyo nagkahiwalay ang boys sa aming mga girls. Hindi naman mahalaga sa akin kung mahiwalay sila. Siguro kay Cristyl because of Dodo (yung lalaking, ako ang gusto at hindi si Cristyl ehehe) well...

Napilitan ako sumama sa mga klasmeyt ko kahit na ayaw ko. Hindi kasi ako makarelate sa kanila dahil sa pagiging immatured nila. Pero close ko naman sila :)

Wala naman akong ibang gagawin doon sa G-box kundi kumanta-kanta sa Videoke. Elib naman sila, galing ko daw. Tapos medyo nakakagulat lang dahil bumalik yung mga boys at kasama ang mga VIP at c Liezel (Yung mga sikat na dancers ng Villamor) Nagpicture-picture sila at ako naman si babae e nahawa na rin. Nakipagpicture-picture na rin ako sa kanila. At may mga kuha pa kami ni Taro, Cedric at Liezel. Sa picture namin dalawa ni Taro naramdaman ko ang kiligin. Medyo may something kasi na hindi ko inaasahan. He held my hand pero hindi naman matagal. Parang nadaplisan nga lang e. At sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. :)

Si Taro yung lalaking hindi naman sa ayaw ko pero hindi ako nai-inlove sa kanya unlike other girls na parang nahuhulugan ng panty kapag nakikita si Taro. Gwapo si Taro, Japanese, Of course maputi at may biloy sa kaliwang pisngi. Pero ako lang ang bukod tanging hindi nagagwapuhan sa kanya. Actually, inis na inis ako sa mga babaeng akala mo nakakita ng artista kapag kinakawayan ni Taro.

But, nag-iba yata yung timpla ng pakiramdam ko matapos ang masayang nangyari sa Robinson. Kinilig ako nung araw na iyon at tila nai-inlove na ako sa kanya. O, napaamin na ako ng mga bestfriend ko. Crush ko na nga si Taro at nagsimula lang iyon nung araw na iyon.

At kanina sa school. Nagkita kami ni Taro at napakaway ako sa kanya, nagtama ang aming mga mata. Medyo bumilis yung tibok ng puso ko. Nginitian niya ako at hindi niya ako nilulubayan ng tingin. Naramdaman ko tuloy ang mamula dahil na rin sa kantyaw sa akin ng dalawa kong matalik na kaibigan. At bago kami mag-out ng school. Tinawag niya ako at nginitian ko lang siya.

Haii, inlove na nga ata ako sa kanya. Ngayon tila nilunok ko na rin yung sinabi ko noon na hindi ako mai-inlove sa kanya kahit siya na lang yung natitirang lalaki sa mundo.

-Princess-
10-09-09

Variety Show at Mapa High School :)

Ehehe, nakakagulat talaga lahat. Well, hindi ko inaasahan 'to pero as if naman na may mabuo.
***
Noong saturday may inatinan kaming variety show sa V. Mapa High School. Para iyon sa mga Secondary schools in part of manila. May mga kanya-kanyang representative ang bawat schools at syempre hindi papatalo ang Villamor dahil ang napiling representative namin ay ang "Batang Mama". Medyo nagkandaligaw-ligaw pa nga kami dahil hindi kami familiar sa lugar na iyon. At napakalayo pa somewhere part of mendiola. I was with my bestfriends. Erika and Arceli. Naging sulit din naman yung panonood namin. Sobrang nakakatuwa at napakasaya even there are a lot of insecures at syempre mga gwapo (daw).

Hindi na namin tinapos kasi masyado ng mahaba yung oras. At nagsisiuwian na rin naman yung iba. Sobrang saya noong uwian kasi nagsanib pwersa yung mga boys and girls (Parang outing nga daw dahil puno namin yung jeep na sinasakyan namin. Buti nalang yung napipili namin sakyan e wala pang pasahero ehehe)

At nagkayayaan sa robinson at iyon may ire-reveal ako sa inyo. Sundan na lang sa susunod kong post. Masyado ng mahaba eh.. Ahaha :)

-Princess-

Friday, March 6, 2009

Paalam "idol"


Francis "kiko" Magalona

I can't still imagine that one of my idols is now gone. Look, he is Francis "kiko" Magalona the master rapper of the Philippines. He is such a good artist, singer-composer and also husband to his wife. Alam natin that he has a Leukemia. Marami na siyang napasayang tao at alam kong mas marami pa siyang mapapasaya. Sabi ko nga noon, nung nalaman kong may sakit siya. "Hindi pa siya pwedeng mamatay. Dahil maraming malulungkot, dahil marami pa siyang mapapasayang tao."

Nakakalungkot nga talaga, napakabata niya pa para kunin ni Papa God. I was praying for him to survive his sick. But only God knows kung ano yung nararapat. Alam natin na napakabuting tao ni Kiko. Hindi siya kumupas sa puso ng lahat ng tao.

Kaya kahit mawala man siya dito sa mundo. In our hearts he still be inside!

I love you Idol! (teary eyes)

"PAALAM"

FRANCIS "KIKO" DURANGO MAGALONA
OCTOBER 4, 1964 - MARCH 6, 2009


with love,

-Princess-

Wednesday, March 4, 2009

Di pa ako move-on :(

Isa lang naman yung nagpapagulo sa isip ko, sa mundo ko at sa buhay ko. Hindi ko naman masyadong kino-considered na panggulo siya. Alam kong sa sandaling pinagsamahan namin nabigyan niya ng direksyon yung mundo ko. Kaso nagkaliko-liko na noong maghiwalay kami. Actually, hindi pa ako nakakamove-on dahil hanggang ngayon minamahal ko pa rin siya pero ang umasa?? Hindi na ata. Masyado na akong maraming signs na nakikita para itigil ang kabaliwan ko.

Nagtataka lang ako, Almost One month lang kaming naging magpartner. Pero nahigitan niya yung pagmamahal ko noon sa 2 years boyfriend ko. Sama ko nga e kasi when the last time na mag-usap kami ni "longest bf". Para (daw) ireconcile yung relasyon namin (daw). Hindi na ako nakipag-ayos at walang alinlangan kong inamin na mahal na mahal ko si "ano".

Ewan ko ba, almost 4 months na kaming break pero hindi ko pa rin siyang magawang kalimutan. Kapag nandiyan siya nagkukunwari lang ako na hindi ko na siya mahal, na nakalimutan ko na siya, na masaya ako kahit na wala na. Pero deep inside, umiiyak ako. Nagagawa ko lang ilabas yung nararamdaman ko kapag wala na siya sa paligid ko. Ang plastik ko nga sa sarili ko e..

Hirap naman kasi hilain pabalik yung isang bagay o isang tao na ayaw ng bumalik :(

-Princess-

Serious "ME"

Ahaha..

Hindi na biro yung haharapin ko this year. Dami kong dapat isakripisyo.. Lalo na yung mga panggulo! Dahil kailangan na, focus muna kasi ako. Alam niyo naman na bartulina ako dito sa bahay. Mas lalo na ngayon at sa susunod! Hindi na rin biro yung mga nakapasan sa akin. Lalo na ngayon na mag-aasawa na yung ate ko. Edi ako nalang yung natitirang panganay. Kaya this time, Kailangan ko na magpakasiguro na matatapos ko ito. Kailangan ko na rin putulin yung sungay ko..Ahaha! Kailangan ko na rin magseryoso.. At mag-isip isip ng mga bagay bagay, Dami ko ngayon responsiblidad na kailangan gampanan :)

Kya goodluck nalang sa akin!

-Princess-

I hate LOVE!

Ayoko ng main-love dahil nasasaktan lang ako. Ayoko ng bumalik dahil wala namang babalikan. Ayoko ng umasa dahil wala namang aasahan. Ayoko ng tumingin pero sadyang ang puso ay di mapigilan..

Haii, ginawa ko naman lahat eh. Para kalimutan siya (o sila??) (Bumuntong-hininga). Ewan ko ba kung anong kabaliwan yung pumasok sa isip ko kanina sa school. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Yung naisip ko na hindi ko man lang pinag-isipan ng maige e tila nakakahiya.

You know what. I was hugging my boy-friend(Bestfriend) in front of my ex boyfriend for making him jealous. Madaming nakakita, kahit yung mga kaibigan ko and yung mga kaibigan ng ex ko. Saka ko lang narealize na para akong tanga when i was inside the room.

Bigla akong nakaramdam ng pag-sisisi. What if kung biglang mawala yung feelings sa akin nung ex ko? What if kung bigla nalang siyang maturn-of sa akin? What if kung hindi naman siya magselos? What if kung magselos nga siya at magdecide na kalimutan nalang ako? What if kung dahil duon ay mawala na lahat sa amin? What if kung iyon yung maging dahilan para lalong sumara at tumibay yung pader sa pagitan namin?

Baka kung ano isipin niya? Wala na rin naman akong karapatan mag-explain e. Haii! Parang nilagay ko lang sa malagim na sitwasyon yung naputol na relasyon namin :(

-Princess-

Tuesday, March 3, 2009

Love consequences

Bakit may mga taong nafa-fall out of love, nata-trap, nade-develop, may bumabalik yung feelings, nasasaktan?

Nafa-fall out of love ba ang isang tao dahil ba hindi na talaga mutual yung feelings niya sa kanyang partner? Or ang totoo, hindi naman talaga niya mahal yung taong inaakala niyang mahal niya? Well, sa lagay na'to mahirap kasi magpretend na you really love him/her kung hindi naman talaga totoo. Ang mangyayari lang kasi aasa lang yung tao at masasaktan. O maaaring may mahal siyang iba o mahal pa niya yung nakaraan niya. Maaaring ganun? o baka rin nahulog na siya sa iba at tuluyan ng nain-love dito? Dahil may mga bagay na hindi naman maiwasan lalo na kung hindi naman kayo lagi magkasama at bihira lang kung magkita. May iba din naman dahil, maaaring nasasaktan na siya o nasasakal?? Kaya ang nararamdaman niya ngayon ay wala na.

Iba-iba kasi ang aspeto pagdating sa pag-ibig pero may pagkakapareho rin naman ito. Mahirap lang ang maguluhan sa totoong nararamdaman. Bakit ba? Dahil din sa dami ng minamahal..!

-Princess-


Kahirapan

Nung sunday ng gabi, nagkayayaan kami ni ate yhang at kuya Johnel na mag starbucks. Well, syempre tripping namin yun at si Kuya ang taya pero may kondisyon. Whole year siyang hindi manlilibre ng kahit na ano. Pumayag kami, well.. Hindi naman kami matitiis nun ni pet. Habang nasa jeep na kami. Napansin ko yung mag-asawang tila tindero't tindera ng kung ano sa bangketa. Mababakas sa kanilang mukha ang pagkapagod sa pagkayod sa trabaho. TIla nakaramdam ako ng awa sa kanila dahil sa edad nila iyon nararapat lang sana na nasa bahay nalang sila para magpahinga. Pero sa hirap ng buhay kaya kailangan nilang kumayod ng pera.

Muli ay may sumakay namang lalaki na may bitbit na paninda. Yung naglalako ba ng chicharon, mansanas, orange at bulaklak na plastik lamang. Natuon naman ang pansin ko sa kanya. Naisip kong buti pa kami.. maswerte pa rin talaga kami.

Tila ang buong biyahe naming iyon patungo sa Robinson Manila para bumili ng Frappucino sa starbucks coffee ay itinuon ko ang pansin ko sa kalsadang aming dinaraanan. Hindi na ako nagulat ngunit aking pinagkakatitigan ay ang mga taong nagtitinda sa gilid ng kalsada. May mga nagtitinda ng tsinelas, balot, kwek-kwek at sigarilyo at maski ang mga bata ay nagtitinda rin ng kung ano. Gabing gabi na iyon ngunit patuloy pa rin sila sa pagtitinda na tila wala ng bukas na darating. Hindi naman natin sila masisisi, mahirap kasi ang kumita ng pera sa buong isang hapon.

Naisip ko nga rin na ang perang gagastusin namin sa pambili ay marahil malaking halaga na para sa mga taong iyon. Laganap na nga talaga ang kahirapan na hindi man lang napapansin ng mga nasa itaas. haii!

-Princess-


Kolehiyo

Paano ko ba sasabihing masaya ako? Well, hindi ko talaga masabi, basta nakakangalay sa panga yung lagi nakangiti. MAraming dahilan kung bakit ako masaya.. pero yung sobrang nagpapasaya talaga sa akin e dahil makakapag-aral ako ng college. Diba masaya? Ngayon tiyak kong gaganahan akong mag-inquire sa iba't ibang universities. At kailangan ko ng ibayong pagsisikap at pagsisipag para hindi masayang yung perang ipupundar sa akin (hindi naman kasi biro ang perang gagastusin pang matrikula) at siyempre rin para hindi rin masayang yung tiwalang muling pinagkaloob sa akin ni tita.

Gagawin ko lahat. Matupad lang yung pangarap ko. Ngayon ko lang napagtanto na ang totoong pangarap ko pala talaga ay ang makatapos. Naniniwala akong kaya ko.. Dahil matayog ang aking mga pangarap para sa aking pamilya at para sa sarili ko.

Nagpapasalamat ako ng maraming marami sa dalawang taong laging nandiyan para tumulong sa amin. (Tita Jing at Tito Rodel) At napakaswerte namin dahil sa amin sila ibinigay ni Papa God..!

With love,

-Princess-

Sunday, March 1, 2009

Working student :)

Haii, nakakasabik nga talaga ang maging isang kolehiyala. Nakakatuwang isipin na marami na akong makikilala o makakatagpong iba't ibang tao o uri ng tao. Dahil nga naman malaking ibayo ang aking tatahakin kapag nasa isang university na ako. Mas marami na rin ako matutuklasan ika nga nila. Pero ang tanong makakapag-aral kaya ako?

Napag-planuhan ko na rin naman lahat. Ayoko umasa nalang sa magulang ko. Dahil ayaw ko na silang dagdagan pa ng problema o alalahanin. Gusto ko rin magtrabaho. Gusto kong maramdaman ang magtrabaho lalo na ang humawak ng perang pinaghirapan ko. Maaaring sa pagkakataong iyon ay makakapagbigay man lang ako na kahit na maliit na halaga sa magulang ko. Para makabawi sa lahat ng sakripisyo nila sa akin.

Pero nagdadalawang isip ang aking mga magulang. Nais nilang ako muna ay magtrabaho. Tumutol agad ako, Ayokong sayangin yung pagkakataong ito. Para sa akin mahalaga ang bawat taon na lumilipas. Ayokong lumampas sa edad bente na hindi ko man lang naranasan mag-kolehiyo. Oo, ngayon ko natutunan na mahalaga pala talaga ang pag-aaral. Kaya mas ngayon ko pinag-sisikapan.

Dahil ayokong dumating sa puntong na lahat kami ay gagapang sa hirap. Alam kong nagmamadali na sila na makatulong ako sa kanila. Naiisip ko rin yan, pero iniisip ko rin yung kalagayan ko. Gusto kong makatapos..gusto kong makatapos! Kaya nais kong mag-aral at isabay ang pagta-trabaho. Nang sa ganun ay matustusan ko ang pag-aaral ko pati na rin ang makatulong sa pamilya ko.

Sana makaya ko ito.

-Princess-

Cassadee- Hey Monday


"Cassadee"


She's so beautiful right? her bangs, the length of her hair with blonde and the shape of her face. Well, kaya nga siguro nagugustuhan ko siya! She has a golden voice. Ang sarap pakinggan ng bawat letrang kanyang binibigkas. Napakaganda niya talaga. Crush ko tuloy siya, What!

I'm just kidding, Well, mukhang nae-engganyo na akong pakinggan lahat ng album nila. Sisimulan ko na rin mag-download para dagdag sa mp3 namin sa gabi at para madagdagan na naman din yung mga rock music namin. (Ang sarap siguro matulog na may pinapakinggan rock musics ehehe) ewan ko lang, kami lang yata ni "pet" ang matutuwa pero si ate yhang. For sure HINDI! ehehe :)


-Princess-