Tuesday, March 3, 2009

Kahirapan

Nung sunday ng gabi, nagkayayaan kami ni ate yhang at kuya Johnel na mag starbucks. Well, syempre tripping namin yun at si Kuya ang taya pero may kondisyon. Whole year siyang hindi manlilibre ng kahit na ano. Pumayag kami, well.. Hindi naman kami matitiis nun ni pet. Habang nasa jeep na kami. Napansin ko yung mag-asawang tila tindero't tindera ng kung ano sa bangketa. Mababakas sa kanilang mukha ang pagkapagod sa pagkayod sa trabaho. TIla nakaramdam ako ng awa sa kanila dahil sa edad nila iyon nararapat lang sana na nasa bahay nalang sila para magpahinga. Pero sa hirap ng buhay kaya kailangan nilang kumayod ng pera.

Muli ay may sumakay namang lalaki na may bitbit na paninda. Yung naglalako ba ng chicharon, mansanas, orange at bulaklak na plastik lamang. Natuon naman ang pansin ko sa kanya. Naisip kong buti pa kami.. maswerte pa rin talaga kami.

Tila ang buong biyahe naming iyon patungo sa Robinson Manila para bumili ng Frappucino sa starbucks coffee ay itinuon ko ang pansin ko sa kalsadang aming dinaraanan. Hindi na ako nagulat ngunit aking pinagkakatitigan ay ang mga taong nagtitinda sa gilid ng kalsada. May mga nagtitinda ng tsinelas, balot, kwek-kwek at sigarilyo at maski ang mga bata ay nagtitinda rin ng kung ano. Gabing gabi na iyon ngunit patuloy pa rin sila sa pagtitinda na tila wala ng bukas na darating. Hindi naman natin sila masisisi, mahirap kasi ang kumita ng pera sa buong isang hapon.

Naisip ko nga rin na ang perang gagastusin namin sa pambili ay marahil malaking halaga na para sa mga taong iyon. Laganap na nga talaga ang kahirapan na hindi man lang napapansin ng mga nasa itaas. haii!

-Princess-


1 comment:

  1. madalas rin ako dati sa Rob Manila.. nag titimezone, nanunuod sine.. pero mag isa lng. tapos kada uwi ko dadaan muna ako 711 para bumili tubig ako konting mkakain kasi may madadaaan akong matandang babae na nanlilimos parati kung saan ako nadaan para sumakay ng jeep pauwi.

    ReplyDelete