Haii, nakakasabik nga talaga ang maging isang kolehiyala. Nakakatuwang isipin na marami na akong makikilala o makakatagpong iba't ibang tao o uri ng tao. Dahil nga naman malaking ibayo ang aking tatahakin kapag nasa isang university na ako. Mas marami na rin ako matutuklasan ika nga nila. Pero ang tanong makakapag-aral kaya ako?
Napag-planuhan ko na rin naman lahat. Ayoko umasa nalang sa magulang ko. Dahil ayaw ko na silang dagdagan pa ng problema o alalahanin. Gusto ko rin magtrabaho. Gusto kong maramdaman ang magtrabaho lalo na ang humawak ng perang pinaghirapan ko. Maaaring sa pagkakataong iyon ay makakapagbigay man lang ako na kahit na maliit na halaga sa magulang ko. Para makabawi sa lahat ng sakripisyo nila sa akin.
Pero nagdadalawang isip ang aking mga magulang. Nais nilang ako muna ay magtrabaho. Tumutol agad ako, Ayokong sayangin yung pagkakataong ito. Para sa akin mahalaga ang bawat taon na lumilipas. Ayokong lumampas sa edad bente na hindi ko man lang naranasan mag-kolehiyo. Oo, ngayon ko natutunan na mahalaga pala talaga ang pag-aaral. Kaya mas ngayon ko pinag-sisikapan.
Dahil ayokong dumating sa puntong na lahat kami ay gagapang sa hirap. Alam kong nagmamadali na sila na makatulong ako sa kanila. Naiisip ko rin yan, pero iniisip ko rin yung kalagayan ko. Gusto kong makatapos..gusto kong makatapos! Kaya nais kong mag-aral at isabay ang pagta-trabaho. Nang sa ganun ay matustusan ko ang pag-aaral ko pati na rin ang makatulong sa pamilya ko.
Sana makaya ko ito.
-Princess-
Sunday, March 1, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment