Friday, March 20, 2009

No regret..Petit..!

Habang nasa iyo pa ang isang bagay, alagaan mo... Wag mong hayaan na mawala siya sayo dahil kapag nawala na siya at nakuha na ng iba. Doon mo malalaman ang tunay niyang halaga.
***
naisip ko lang yung quote na yan. At maii-ugnay ko sa tunay kong karanasan.

Masakit pala talaga na makitang pag-aari na ng iba yung dati mong pag-aari. Sa katunayan, Iniwan ko yung bagay na yun sa maraming kadahilanan. Humigit kumulang dalawang taon kaming nagkasama at nagkakilanlan. Sa dami ng mga bagay at pagsubok na pinagsamahan namin, hindi siguro madali na limutin iyon sa maikling panahon. Ngunit naging madali sa akin ang paglimot at ipinangalandakan ko sa lahat maski sa kanya na "kaya ko" kahit wala siya. Hindi ko man lang inisip yung mararamdaman at nararamdaman niya. Dahil malinaw naman sa akin na mahal na mahal niya ako. At napatunayan iyon ng maraming beses. Pero manhid ako at sakim, dahil hindi ko man lang siya pinagbigyan sa huling pagkakataon na hinihingi niya.

Ngunit ang sakit ay hindi ko na naitago. Nang malaman kong may iba ng nagmamay-ari sa kanya. Nakita ko at nasaksihan ko ang kanilang pagsasama. Naisip kong 'ako sana siya kung hindi ako naging tanga'. Ngayon, Nagdurusa ako sa kamaliang ginawa ko. Ang kamalian na ang kapalit ay ang aking kinabukasan.

Sabi nila, kaya ko naman daw ipagsabay ang pag-aaral at ang pagnonobyo. Inaamin kong nagawa ko siyang iwan dahil gusto kong makasiguro na wala ng magiging konplikasyon sa pag-aaral ko at sa mga pangarap ko.

Pero ang sakit ay mananatiling masakit. Aminin ko man o hindi nasasaktan ako at nagsisisi sa ginawa kong pag-iwan sa kanya.

-Princess-

No comments:

Post a Comment