"Ang Pilipinas ay ang bansa ng mga alipin"
May isang kolumnista tsinoy mula sa bansang Hongkong ang nanlait ang umalispusta sa kultura at minamahal nating Inang bayan. Sa paano ba masasabi na ang ating bansa ay ang totoo ngang bansa ng mga alipin kamo?? Isang malaking pang-iinsulto para sa mga Pilipino ang isinulat na artikulo ng isang kolumnista. Pang-iinsulto sa lahat ng Pinoy na nasa iba pang panig ng bansa.
Marapat ba ang kanyang ginawa? Ang humusga ng isang bansang hindi naman niya lubusang kilala? Oh, Kung tayo ngang mga Pilipino e hindi natin magawang humusga ng negatibo sa mga karatig-bansa o sa kung saan man bansa sa panig ng mundo. Dahil kalabisan ito, alam natin. Ngunit sila ba alam ba nila ang kalabisang kanilang ginawa? Marahil hindi!
Malaking epekto ang maaaring maidulot ng panlalait na ginawa ni Columnist Chip Tsao. Ang mga sektor ng Pilipinas ay hindi na rin napigilan ang mag-umapaw sa galit o sa inis dahil sa maling paratang o pang-aalipusta sa pangalan ng ating bansa.
At isa pa dito ay ang export at import na kalakalan. Narinig kong bubuwagin na ang mga produkto na manggagaling sa Hongkong. O ang tinatawag na boycott!
Hindi naman kasi makatwiran ang salitang kanyang binatawan. Dahil isa itong kasiraan sa lahat!
-Princess-

Sa totoo lang, masyadong subjective ang pagkakasabi ni Chao although masakit na katotohanan din yan, yan kasi ang problema sa pamahalaan, ang umaasa sa remittances ng OFW at ginagamit ang kahirapan bilang opportunity na gawing migrante ang mga taong nasasakupan nito kesa magsagawa ng talagang programa nang may tamang sahod, proteksyon sa trabaho, at talagang matagalang benepisyo.
ReplyDeleteKung tutuusin, yan ang problema sa Pilipinas, umaasa sa iba lalu na sa free trade kesa sa sarili nitong kapasidad para pakainin ang libu-libong mamamayan. Sa bagay kasi ang kapangyarihang pangekonomiya, pampulitika at pangkultura ay nasa isang porsiyento na nasa tuktok ng tatsulok (sorry kay Noel Cabangon at kay Bamboo) at kailangan itong buwagin pa para maisagawa ang dapat nararapat sa bansa, na isang malaya, at talagang umaasa sa sarili kesa umasa sa ibang bansa tulad ng HongKong.